Naya wynter Lou's Point of view
Kasalukuyang nakatitig parin sa message box habang iniisip kung ano ba talaga ang sasabihin ko , hanggang ngayon nalilito ako kung oo ba o hindi. Inabot na ako ng magdamag kagabi kakaisip sa magiging desisyon ko. Ngayon , linggo na ng umaga pero undecided parin kainis , ano ba kasi mas matimbang Wynter. Hindi ko rin ma define. Itinabi ko na ang cellphone bago ko pa ito ihagis sa pader , siguro kusa mo iyon malalaman kung ano nga ba ang mas matimbang sa dalawa , Wynter.. hindi mo kailangan mapressure.
Meron parte na gusto ko , na curios ako sa sinasabi niyang ako noon. Pero meron ding parte na hindi dahil siguro sa takot at what if.. What if kung hindi nga ako yung girl na tinutukoy niya at one day makita niya ang tunay. Haist.. Sabi ng wag mapressure. Ano ba Wynter.
Tumayo ako para maghanap ng mapaglilibangan , sakto na hinto ako sa harapan ng kalendaryo. Nahagip ng mata ko yung date na February 10 which is ngayon , na may mark na red. Hmm ano ba meron ngayon at minarkahan ko yan , hindi namang buwanang dalaw dahil karoroon ko lang. Ganon kasi ako kapag may mark na red sa mismong date may inaasahan ako o kaya may espisyal sa araw na iyon.
Bakit kaya ganun nahuhuli ko na sa utak ko pero hindi ko masabi. Palitin na ba utak ko nun? Inaasahan--hmmmm.. Alam ko na! Ngayon ko na malalaman yung result nung entrance exam sa university kung saan ako mag-aaral. Nakapagtest na kasi ako doon last moth lang. Tumakbo ako papunta sa cellphone ko , na patid pa nga yung hinliliit ko sa edge ng kama ko. Dali-dali kong binuksan yung mail ko , bungad na bungad yung message nung mismong university.
Binuhos ko lahat lahat para maka sagot lang sa entrance exam na ito , kaya sana nagbunga ng maganda. Pikit mata kong pinindot. huminga ng malalim bago dumilat. Nawala yung kaba ko ng biglang mag shut down ang cellphone , arrrrrggg bakit ngayon pa kung kailan makikita ko , haist may nalalaman pa kasi akong pikit. Tumayo ako at pumunta kay Lola.
"Lola pahiram ng cellphone" with pa puppy eyes pa yan.
"Tigilan mo nga cellphone ko Wynter , meron kang sarili iyon ang gamitin mo" napangaralan pa ako.
"Eh na low bat po ehh saglit lang po promise , tiyaka lola mag dodownload ako ng laro diyan"
"Oh--" masungit pa nung ibinigay , kaagad ko na iyong kinuha at kinalikot."-- idownload mo yung bagong laro yung Ruler of survivors ba yun?"
"Rule of survival? Sige sige po mamaya" taray ni Lola may balak mag ROS. Naglog in ako sa mail gamit ang account ko , hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Isang malakas na tili ang nangibabaw sa buong bahay. Sino bang hindi mapapatili matapos mabasa na pasado ako , tumalon talon pa ako sa tuwa.
"Napapano kaba? Naipit ba yang mani mo?" Sabi niya habang nimamasahe ang tenga niya mukhang natulig sa pagtili ko.
BINABASA MO ANG
Cai Xukun's Baby Girl
FanfictionCai Xukun is one of the most popular trainee in idol producer. One day he had the opportunity to find his long lost childhood sweetheart (Baby girl) in the variety show. Your friends ( You as Naya Wynter Lou) point you out , that you are the baby...