Cai Xukun's Baby girl:First day

85 2 2
                                    


Araw-araw, Tuwing hapon pagkatapos ng practice niya at pagkatapos ng klase ko. Nagkikita kami pagkatapos ganon ang sistema namin. Magkukuwento siya sa mga nangyari dati tapos isusulat ko naman iyon sa notebook na binigay niya. Araw-araw din siyang may binibigay sa akin na kinahihiligan ko daw nung bata pa ako. Halimbawa, pagkain, laruan, yung mahahabang string na binubuhol tapos magiging bracelet. At madami pang iba, may pagkakataon din na nagkukwento siya tungkol noon. Kasalukuyan kong pinapalitan ng tubig yung kisses na binigay niya. Nakakaexcite kasi lumalaki na sila, ilang araw pa kaya bibilangin ko bago sila manganak.



Long weekend ngayon kaya walang pasok mga estudyante ngayon. Nangyong araw din first day ko sa trabaho, yep! Papasok na ako medyo kinakabahan lang ako sa mangyayari. Nag-ooverthink nanaman kasi ako eh. Iniisip ko baka hindi ko magawa ng maayos yung pinagagawa nila o kaya mapagalitan ako ng magiging boss namin. Tapos baka kaagad din ako tanggalin sa trabaho.




"Lola aalis na po ako" sigaw ko. Hindi ko na siya hinintay sumagot pa at lumabas na ng pintuan. Paniguradong magtatanong yun kung saan ako pupunta. Tiningnan ko ang cellphone ko. Tumambad ang pangalan ni Allison.


"Hell--"



"WAAAAHHHH JIAYO!!!!!JIAYO NAYA WYNTER!!!!!!!-TEKA AMIN NA YANG CELLPHONE CHLOE" nilayo ko ng bahagya ang tenga ko sa cellphone. Ang sakit sa tenga.


"Hello wynter pagbutihan mo pagtatrabaho sa idol pd , ihalik mo ako kay Justin--teka hinahabol ako ni pau.. Maabutan na niya ako..makukuha na niya yung cell--"



"WYNTER AKO TO SI PAU KUNIN MO YUNG NUMBER NI FANCHENGCHENG NO!!!I LAB U MUWAAH"


"Amin na nga cellphone ko to ahh--" boses naman ni Allison ang naririnig ko. "--hello Wynter goodluck sa trabaho mo. Magkakasama kami ngayon hindi kana namin pinuntahan sa bahay niyo kasi napakagulo ng dalawang ito. Baka hindi ka pa makapasok sa first day mo sige bye" pabuka palang bibig ko ng bigla ng patayin ang linya. Hindi man lang ako hinayaang magsalita. Haist.



Ang saya lang sa feeling kasi ito na yung unang hakbang papunta sa pangarap ko. Makakapagtrabaho ako, magkakapera pagkatapos mag-aaral sa gusto kong paaralan sa pangarap kong kurso. Tapos unti-unti ko na din binubuo ang sarili ko. Siguro kung na bubuhay lang si papa masaya din para sa akin yun di tulad ni mama.






Makailang beses akong humihinga ng malalim matanggal lang ang kaba sa dibdib. Nasa harapan na ako ngayon ng building ng idol pd. Ang kailangan ko na lang gawin ay pagbutihan at galingan sa trabaho. Jiayo!!!

Cai Xukun's Baby GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon