Cai Xukun's Baby girl: Found him

101 0 1
                                    

Graduation day....

"Anak aayusin ko na damit mo para mamaya" inilapag ko kung saan nararapat ilagay ang lalagyanan ng kisses at hinarap si Mama. Ang kulit kanina pa niya ako kinukulit sa mga gamit ko.




"Ma lahat ng gamit na kakailanganin ko naka ayos na kaya stay put ka lang diyan at mag relax, ako naman ay mag-aayos na ok?" Inupo ko siya sa sofa namin at nilagyan ng remote ang kaniyang kamay. Para hindi niya na ako kulitin habang nag-aayos ako sa kuwarto.




Una ko munang ginawa ay pag apply ng simpleng make up sa mukha ko, ini straight ko pa lalo yung buhok ko matagal kasi kapag nagkulot pa ako. Pagkatapos ay sinuot ko na ang dress pati narin ang toga. Sinabayan ng harap sa salamin, ito na yung araw na makakapagtapos ako.




Hindi na sa akin problema ang pag-aaral sa university na gusto ko dahil pumayag na rin si Mama at ramdam ko ang pagsuporta niya sa mga pangarap ko. Sa dati naming bahay ako titira, hindi na takot si Mama na alamin ko ang nakaraan. Alam niya daw na kaya ko na at may tiwala siyang hindi ko na gagawin ang dati kong ginawa.





Kung meron man akong natutunan sa mga nangyari yun ay magpakatatag, nagawa ko man hindi pahalagahan ang sariling buhay. Ipinapangako ko magiging matatag ako sa mga darating na pagsubok. Kahit gano pa yun kahirap at ka komplekado.




Huminga ako ng malalim bago umalis sa harapan ng salamin. Lumabas ng kuwarto. Inabutan ko si Mama na may hawak ng bulaklak galing sa pinto namin.



"May nagpadala ng bulaklak sayo" inabot sa akin, una kong hinanap ang card para malaman kung sino ang nagpadala ng bulaklak.




Congratulations




"From Idol Producer Family" basa ko kung saan nanggaling. Malamang si Lady Luck ang nagpadala nito obvious na obvious sa sulat ehh.



"O siya kailangan na nating umalis, nauna na don ang lola mo" si Lola talaga, daig pa yung gagraduate. Pumara ng taxi si Mama hassle kapag mag tatrain kami papunta dun. Nagkuwento buong biyahe si Mama kaya hindi ako nakaramdam ng inip sa biyahe.




Pagkadating sa school hinanap kaagad ng mata ko ang mga kaibigan ko, masuwerte namang nakita ko sila kaagad na nagpipicture sa isang tabi.



"Hindi niyo ba ako isasama diyan?"




"WYNTER!!!!" Sinalubong nila akong tatlo ng yakap. Umiiyak na kaagad sila Pau at Chloe matapos kumalas ng yakap sa akin. Binatukan ko silang parehas kasi naman nahahawa ako.



"Ang iyakin niyo, kapag ako nahawa kukultingin ko kayo" pagbabanta ni Allison, sabay sabay kaming natawa sa pagsabi niya ng kukultingin.



"Mamimiss ko kayo, lalo na ikaw Wynter huhuhu ang layo kasi ng school mo" umiiyak paring sabi ni Pau, tumango ako at niyakap siya. Bwiset na babaeng to nandadamay.





Tinawag narin kami at pinaform ng pila, isa sa mga kalaban namin ngayon ang init kahit na malapit ng magabi dahil sa toga na suot namin. Kasamang naglakad papasok ang mga magulang kaya naman si Mama ay nakatabi na kaagad sa tabi ko. Nagsimula ng maglakad papasok ng auditorium. Abot naman ang picture ni Lola nakakatuwa kasi nakikipagsabayan siya sa ibang photographer na kumukuha din ng litrato. Matapos makapasok ay humiwalay na ng direksyon ang mga magulang. Nagpasalamat ako kay Mama bago kami magkahiwalay sumagot naman siya ng isang ngiti.




Magkahalong saya at lungkot ang nararamdam ko ngayon, alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito ngayon. Nakakalungkot lang kasi matatapos na ang high school life ko, high school life daw kasi ang pinakamasaya. Lahat dito mararanasan mo. At syempre hindi magaganap ang kasiyahang iyon kung wala kang mga classmates o mga kaibigan na nakapaligid sayo.




Cai Xukun's Baby GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon