Naya Wynter Lou's Point of View
"Huwaaaaa" iyak ng isang batang babae. "Ayokong umalis huhuhu" humihikbi pa ito habang lumalapit sa akin. Pamilyar sa akin ang mukha ng batang ito. Alam kong nakita ko na siya , hindi ko lang maalala kung saan. Gulat ako ng bigla niya akong yakapin. Teka ako din? Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.
"Anak bilisan mo ng magpaalam" sabi ng isang babae. Palagay ko ay nanay ng batang ito. Sa nakikita ko mukhang lilipat na sila ng bahay dahil sa mga gamit nitong nakalabas ng bahay. At isa-isang nilalagay sa truck. Kumalas sa pagkakayakap ang bata. Tingin ko ay sasama na siya sa nanay niyang nag-iintay.
"W-wait lang" habol ng isang batang lalaki. Mukhang tumakbo pa ito ng mabilis dahil sobra itong hingal. Lumapit sakaniya ang batang babae. Gaya ng ginawa niya sa akin ay yumakap din ito sa batang lalaki. Walang tigil sa pag-iyak ang batang babae, ako rin. Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot.
"Hindi ako iiyak kasi—" tumingin siya sa akin. "Lalong iiyak yan" ako ba sinasabihan ng batang iyan? Lumingon din sa akin ang batang babae. At bahagyang natawa. Mayamaya'y kumaway ito sa amin. Hanggang sa pagsakay sa truck ay walang pagod itong kumaway.
"Wag ka ng umiyak" hinawakan ng batang lalaki ang kamay ko. "Tumahan kana" hinitak palapit sakaniya. Pagkatapos ay yinakap ako ng mahigpit. Parang matanda kung umasta itong batang to. Ang cool. Yun na nga ehh hindi ko alam kung paano huminto.
"Please, huwag mo din akong iwan" humihikbi kong sabi. Tumango siya. "Oo, hindi tayo maghihiwalay .. walang iwanan"
"Promise?"
"Promise"
Kriiiinnnnggggg~kriiiiinnngggg
Akala ko totoo panaginip lang pala. Hinipo ko ang mata ko at basa ng luha. Ang weird. Para talagang totoo nangyari. Pero ano naman kaya ibig sabihin ng panaginip kong 'yon?
"Wynter bangon na.. kanina pa tumutunog yan telepono mo" rinig kong sigaw ni lola sa pinto ng kuwarto ko. Kakamot kamot na inabot ang cellphone ko. Pagkakatanda ko hindi naman ako nag alarm kagabi kasi wala namang pasok ngayon.
Sinagot. Tinutok sa tenga. "Hello?" Hindi ko na silip ang pangalan ng taong tumawag sa akin.
"Wynter" dali-dali kong tiningnan ang screen ng cellphone ko. Pano nalaman ni Johnny ang number ko?
"Aattend kaba ng prom?" Sabi nito sa kabilang linya. Oo nga pala, prom night na mamaya. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakapagdecide. At wala pa akong damit what to do?
"Ahmm ano kasi—" may kamay na humamblot sa cellphone ko. Tiningnan ko kung sino. Si Chloe pala kasama sila Pau at Allison. Para silang kabute na bigla nalang sumulpot.
"Oo daw aattend si Wynter. Sige bye" napasapo sa noo ko. Loka loka talaga ang babaeng to. Yun na yun ehh. Sasabihin ko ng hindi ako pupunta.
"Oh" abot niya sa cellphone ko.
"Bumangon kana diyan aalis tayo" utos ni Allison. Sa halip ay humiga ako at nagtalukbong ng kumot.
Umupo ulit. Tapos tiningnan sila isa-isa. "Arrrrrggghhh.. wala akong damit na isusuot sa prom tapos sinabi niyo pang aattend ako" pagmamaktol ko. Wala akong ibang napala kung hindi ang mabigat na palad ni Allison na dumampi sa batok ko.
BINABASA MO ANG
Cai Xukun's Baby Girl
أدب الهواةCai Xukun is one of the most popular trainee in idol producer. One day he had the opportunity to find his long lost childhood sweetheart (Baby girl) in the variety show. Your friends ( You as Naya Wynter Lou) point you out , that you are the baby...