Cai Xukun's Baby girl:Kiss

83 1 0
                                    


Bumalik nasa dati ang lahat, wala ng obsess fan ang sumusunod sa kaniya. Balik na ulit kami sa dati, nagkaka-usap, lumalabas tapos nag di disguise siya. Puwera lang ata sa nararamdaman ko.. abnormal ehh basta. Tapos nagtatrabaho pa din ako para makaipon. Kahit na palapit na ng palapit ang graduation, haist. Sa totoo lang nalulungkot na ako kapag naiisip kong aalis na ako sa school na 'yon. At magkakahiwawalay na kami ng school na pag-aaralan ng mga kaibigan ko. Tama nga yung sinasabi nila, ang high school life daw ang pinakamasaya. Kahit na puro kalokohan ang ganap namin sa buhay. Pasimuno don yung mga loka loka kong mga kaibigan.






Ayoko ngang umattend sa practice namin ng graduation, mas gugustuhin ko pang pumasok at magtrabaho kaso si Lady luck pinipilit akong sumali sa practice at puwede naman daw akong hindi na muna pumasok sa trabaho. Kaso ayoko talaga, sa tuwing naririnig ko na yung tunog pang matrsa naiiyak na ako. Pagtatawanan lang ako ng tatlo.







Ngayong araw, nag-ayang maglibot ang tatlo. Sabado naman ngayong araw kaya ayos lang na maghalf day ako sa trabaho. Pinagbigyan ko na sila, matagal din kasi bago ulit nangyari ito, tiyaka pagtungtong namin sa kolehiyo, baka matagal pa bago kami ulit magkasama sama.







"Kain muna tayo ng street food nagugutom na kasi ako" tinuro ko na kaagad sa kanila ang stall na madadaanan namin. Kung saan sari-saring street foods ang makikita. Hindi ko na sila hinintay pa at tumakbo na palapit sa stall ng street food.





"Ate dalawa nga po nito tiyaka niyan tatlo, paki-init na po ahh" sabay abot ng bayad, hanggang ngayon di ko pa nararamdaman ang prensensya ng tatlo. Ang babagal magsi lakad. Ano ba yan. May kumalabit sa akin, akala ko si manong na nasa gilid ko kanina pero wala na pala 'to. Yung mama ni Chloe.





"Ayjusko!! akala ko si Chloe, ikaw pala 'yan Wynter" ngumiti ako tiyaka nagmano sakaniya. Siya pala ang pumalit kay manong. Napatingin sa gilid ko. Katulad ng ginawa ko kanina, nagmano sila Pau at Allison sa mama ni Chloe.





"Jusko, akala ko talaga si Chloe ka. Sa araw araw na magkasama kayo nagiging magkamukha na kayong apat"





"Ganun po ba 'yon?" Tanong ko. Ngumiti siya at tumango. "Oo hindi lang sa mag-asawa, ganun din sa magkakaibigan. Tingnan niyo minsan sarili niyo sa salamin. Magkakamukha na kayo"inabot nito ang binili niyang street food at nilagay sa bayong niyang dala.






"Mas maganda po kaya ako" banat ni Pau. Tinakpan ko ang mukha niya gamit sa isa kong palad. "Mahiya ka nga" sabi ko.



"Ewww" sabay irap ni Allison.




"Ma libre mo nga ako, wala na akong pera. Di ako binigyan ni papa" pangbuburaot ni Chloe sa mama niya. Dumukot sa bulsa at binigyan ng pera. "Kamukha mo na yung tao sa pera anak, last mo nayan Chloe ahh. Kahihingi mo lang sa akin kagabi" nagpaalam na din siya pagkabigay ng pera kay Chloe. Iba din talaga itong si Chloe, pati nanay niya binabarautan. Pinagtawanan lang namin si Chloe dahil sa banat ng nanay niya. Panot kasi yung tao sa pera at medyo nakasimangot. Pero ang berat tuwang tuwa pa at parang wala lang sakaniya yung sinabi sa kaniya ng nanay niya.







"Taena niyo tigilan niyo na ako, tawang tawa kayo sa sinabi ng nanay ko eh. Eh diba nga kasasabi niya lang kanina na magkakamukha na tayong apat kaya kamukha niyo narin yung panot na 'to" sabay sabay kaming natigilan sa pagtawa. Oo nga no.







Hindi rin kami nagtagal at naghiwalay na kaming apat, maaga kasing pinauuwi si Allison dahil graduating daw kami. Malapit daw sa aksidente ang mga estudyanteng malapit ng magtapos. Ganun din ang sinasabi ni Lola sa akin, kaya hindi na niya ako pinapayagang umalis. At dahil madahilan akong tao kaya nakakalabas pa rin ako.







Cai Xukun's Baby GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon