Week days nanaman ibig sabihin balik pasok na , ilang araw na ang nakakalipas matapos ang pagpunta namin sa Idol PD para mag-apply at hanggang ngayon wala pa rin kami natatanggap na tawag. Sabi nila kapag sinabi ng ganon wala na daw pag-asa yun , kumbaga paborito daw na linya ng mga taong paasa. Hugot. Hindi nakasama si Allison noong araw na iyon dahil mas-pipiliin pa daw niyang matulog kesa umasa na makakapasok sa ganoong trabaho (rich kid ehh). Ang nega talaga. Samantala , ilang araw narin nag-aabang tuwing uwian si Xukun. Syempre nag didisguised siya para hindi makilala ng publiko pero sa ilang na iyon hindi ako nagpakita. Matatanaw ko pa lang siya sa labas ng gate nagdadahilan na ako sa mga kaibigan para lang hindi makalabas. Hindi ko pa kasi alam yung isasagot ko kung sakaling magkaharap ulit kami , gusto ko ilang beses ko munang pag-iisipan bago ilabas sa mga labi ko. Para din kasing natatakot ako. Hindi ko maintindihan kung saan. Madalas na rin ako nakokonsensya kasi araw-araw siyang nag-aantay sa labas ng gate , iniiwan niya mga ka groupmates niya para lang sa akin. Tapos ako itong hindi nagpapakita.Binabash na nga ako ng sarili kong mga kaibigan , paasa daw ako minsan nag-iiwan pa ng letters na 'Hustisya para kay Cai Xukun' tapos palagi nila akong kinukulit. Kaya lalong gumugulo sa isip ko eh. Speaking sa mga babaeng yun nasaan na kaya sila kanina ko pa kasi sila hinahanap. Pagkasabi palang kasi ng lunch break tumakbo na sila palayo tapos tinangay pa si Allison kaya ito mag-isa akong naghahanap sa kanila.
May kumalabit mula sa likod ko , paglingon ko si Johnny ng section NCT. Dating kong kaklase at the same time crush ko.
"bakit?"
"Sino hinahanap mo?"
"Yung mga kaibigan ko lang naman , iniwan kasi ako eh" akalain mo nga naman sa kabila ng paghahanap ko sa baliw kong mga kaibigan nakasabay ko pa sa paglalakad si crush.
"Sama ako . Wala akong magawa eh"
"Ok" natawa na lang ako dahil sa naging reaksyon niya. Ang cute kasi ng pisnge niya ang chubby.
"May gusto akong sabihin ehh kaso nahihiya ako kaya mamaya nalang bago tayo maghiwalay.. Sa ngayon magjojoke muna ako habang hinahanap natin sila"
"Sige" ano naman kayang kacorny han ang maiisip nito.
"Anong bulaklak ang palaging nawawala?" Kagat labi ko siyang sinagot. Natatawa ako. Pfffft. Natatawa ako hindi dahil sa joke niya natatawa kasi ako sa magiging reaksyon niya.
"Edi SunFlower" sagot ko. Mukhang nagulat siya sa sinagot ko , siguro nabasag ko yung joke niya. Pero bigla ring umiling.
"Hindi? Hmm edi Santan" napaface palm na lang siya at nagthumbs up. Nabasag ko yung joke niya.
"Hahahaha pagbibigyan pa kita , isa pang joke"
"Binabasag mo naman eh" sabi niya. Nakayuko habang kinakamot ang batok. Bahagya kong tinap ang kaniyang balikat.
BINABASA MO ANG
Cai Xukun's Baby Girl
FanficCai Xukun is one of the most popular trainee in idol producer. One day he had the opportunity to find his long lost childhood sweetheart (Baby girl) in the variety show. Your friends ( You as Naya Wynter Lou) point you out , that you are the baby...