Nangingibabaw ang kahihiyan ko sa sarili ko ngayon, bakit kanina pa na sinasabi ko lahat ng sa loobin ko sa kaniya. Nandito kami sa apartment niya, nakatalikod siya sa akin habang gumagawa ng makakain namin. Patuloy pa rin sa pag-iingay ang tiyan ko lalo na’t naamoy ko ang niluluto ni Xukun.
Nakapangalumbaba ako habang pinanonood siya sa ginagawa niya. Nakakatrauma kasi parang ayaw na talaga umalis ng tingin ko sa kaniya. Di baleng mahuli niya ulit akong nakatingin sa kaniya wag lang siya mawala ulit.
kruuu*kruuu
“Sa susunod kasi huwag mong kalimutan kumain” nagpangaral pa bago ilapag sa lamesa ang pagkain. Ang bango. Pinagluto niya ako ng ramen parang gusto ko ng sunggaban agad ‘yon kaso nakakahiya.
“Sige na kumain kana” mukhang nabasa niya yung nasa isip ko. Pinaghiwalay bago iabot sa akin ang chopstick.
“Thank you”
“So tell me pano kayo nagkatuluyan ni Gui?” Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot sa kaniya. Tingin niya talaga na kami ni Xiao Gui?
“At pano mo naman na sabi na kami ng ni Xiao Gui?” Lumihis siya ng tingin. “N-nakita kong sinabi ni Gui na girlfriend ka niya. T-tapos nakita ko din na n-niyakap ka niya”
“Hindi ko boyfriend si Gui”
“Kung sinasabi mo yan dahil—“
“Stalker ko yung lalaki kanina at wala siyang balak na lubayan ako. Kaya no choice kung hindi sabihin ni Xiao Gui na girlfriend niya ako.. bakit kunkun bagay ba kami ni Xiao Gui?”
Pinanlakihan niya ako ng mata, parang hindi makapaniwala sa tinatanong ko. “Silent means yes” nakangiti kong sabi bago sumubo ng ramen.
“Kahit jejemon yung mokong na ‘yon kaunti nalang crush ko na—“
“Tss bilisan mong kumain, pagkatapos umuwi kana”
“Kaunti nalang crush ko na fashion taste niya” gusto kong matawa sa reaksyon niya. Simula non hindi na niya ako kinausap, mukhang nainis ata sa akin.
“Salamat sa pagkain, promise na busog ako”
“Ako na magliligpit niyan, umuwi kana” malamig niyang sabi. Tumaas ang sulok ng labi ko.
“Bakit atat kang umuwi ako?”
“Umuwi kana”
“Sino nagsabing uuwi ako? Dito ako matutulog” mukhang nasamid siya sariling laway. “Seryoso?” Tumango ako. Bakit mukha ba akong nagbibiro?
“Ayos na ako sa sala— oy teka ibaba mo ko” ginawa ba naman akong kaban ng bigas? Binuhat niya ako hanggang sa makalabas kami ng apartment niya.
“Umuwi kana”
Nilingon ko yung kotse ko na nasa likuran ko lang. “Ayaw mo ko sa loob matulog? Ah ok dito na lang ako sa sasakyan matutulog basta pahingi ako ng unan”
“Ano ba hindi malinaw sa ginawa ko Wynter?”
“Sabi ko dito—“
Napahilamos siya at inis na kinamot ang ulo. “Nilayuan na kita, hindi na nagpakita sayo ng pitong taon. Ano ba malabo dun Wynter? Hindi ba malinaw sayo na ayaw na kita makita? Na ayaw na kita makasama? Akala ko ba matalino ka? Bakit ang tanga tanga mo at hinanap mo pa ako?”
Hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako ng ganiyang mga salita. Siya paba si Xukun na kilala ko? Yung batang kaibigan ko? Yung taong ginusto ko?
“Umalis kana! Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin”
BINABASA MO ANG
Cai Xukun's Baby Girl
FanfictionCai Xukun is one of the most popular trainee in idol producer. One day he had the opportunity to find his long lost childhood sweetheart (Baby girl) in the variety show. Your friends ( You as Naya Wynter Lou) point you out , that you are the baby...