Third Person's Point of view
"Woahhhhhh hindi ko akalaing magte trending yung paghahanap mo sakaniya" manghang-mangha sabi ni Zhengting habang pinapakita sa kay Xukun na abala rin sa kaniyang cellphone.
"Ngayon na i broadcast mo na mapapadali na yung paghahanap mo sakaniya" tumingin si Xukun kay Ziyi.
"Tingin mo?" Parang nag-aalangan pa ito .
"Oo naman , ngayon di lang kami makakatulong sayo pati narin yung mga fans" singit ng bagitong si Justin natawa naman sakaniya si Fancheng dahil sa pag-aakto nitong matanda di nagtagal ay nabulunan na rin ito sa kinakain nitong burger.
"Kanina mo pa kasi kinakain yang burger nayan eh" reklamo ni Justin habang hinimas ang likod ni Fancheng.
"Anong kanina bago na yang kinakain ni Fancheng , pangatlo na niya yan" Fen na nakihimas narin sa likod ni Fancheng , iiling-iling na tumatawa si Xukun dahil sa mga kaibigan niya lalo siyang ginahan sa paghahanap sa taong hinahanap niya.
Tumabi sakaniya si Nongnong para bigyang suwestiyon ang paghahanap ni Xukun sa taong hinahanap nito.
"Meron kabang picture ni baby girl? Tingin ko kasi mas mapapadali pag hahanap natin kung ipopost mo yung picture niya"
Napagisip-isip ni Xukun na wala pa pala siyang na-iibigay na pangalan o kahit man lang na konektado sa taong hinahanap niya . Dali-dali niyang kinapa ang wallet sa bulsa at inilabas ang isang lumang litrato , matagal na ito sakaniya ipinagkaingatan pa niya ito para lang hindi masira o madumihan .
"Si baby girl ba ito?" Hinablot kaagad ni Xiao Gui ang litrato sa kamay ni Xukun , nakaagaw pansin rin ito sa iba pang trainees kaya lumapit sila kay Xiao Gui at pinagkaguluhan ang picture.
"WOI WAG NIYO AKO PAGKAGULUHAN ALAM KONG GWAPO AKO" pagmamayabang ni Xiao Gui kahit hindi naman talaga siya ang pinagkakaguluhan.
"Amin na nga baka malukot , tiyaka taken na siya-- taken na siya sa akin" hirit ni Xukun sa mga kaibigan . Astig,cool kapag nagpeperform sa gitna ng stage yaan ang una mong maiisip kapag narinig mo ang pangalang Cai Xukun pero sa mga oras na iyon hindi lubos maisip ng kaniyang mga kaibigan na magiging ganiyan siya dahil sa isang babae.
"Kun parehas pala tayo ng taste sa babae" pang-aasar ni Yanjun tinitigan siya ng masama ni Xukun na akala mo'y kakainin ng buhay si Yanjun.
"Joke lang hindi ka naman mabiro BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Hahahahaha" natawa si Nongnong hindi dahil natuwa siya sa joke ni Yanjun kung hindi sa tawa nito.
"Alis na ako may bibilin pa pala ako sa labas"
"Sama ako"
"Ako din kasuya si Yanjun"
"Tara Justin hotpot nalang tayo"
Natira nalang sila Yanjun, Linong, at Xukun sa practice room habang ang dalawa ay tumatawa parin . Sinimulan ng tumutok ni Xukun sa kaniyang cellphone ramdam niyang makikita na niya si baby girl ngayong madami ang tumutulong sa paghahanap.
Nagsimula ng magtanghalian ang mga trainees , lahat ay gutom at pagod sa nangyaring practice kanina . Puwera lang ata sa isang tao na walang sawa at walang pagod na pag scroll sa cellphone niya halos hindi na niya magalaw ang kaniyang pagkain ganun nalang katuwa ng katabi niyang si Zhangjing dahil may pagkakataon siyang dukutan ng ulam si Xukun.
Tumunog ng makailang ulit ang kaniyang cellphone hindi narin siya magugulat rito dahil sa mga fans na pilit nagpapakilalang sila ang Baby girl na hinahanap ni Xukun , pero isang message ang pumukaw ng atensyon niya hindi siya nagdalawang isip na buksan ito at basahin ang nakalagay sa message.
From: asgsh__lyn
Xukun tingin ko kaibigan namin ang hinahanap mo nasa baba yung picture niya.
Hindi maexplain ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pakiramdam niya ito na yung hinahanap niya . Pinindot niya ang link na sined hindi nagtagal ay nakita na ang imahe ng isang babae.
"Naya Wynter Lou" mahinang bulalas nito sa kaniyang sarili . Napatayo kaagad ito at dali-daling lumapit sa isang staff para kunin ang susi niya ng motor . Tama nga ang pakiramdam niya makikita niya narin si Baby girl na matagal na niyang hinahanap , hindi nabigo sa pagkuha ng susi dahil pinagbigyan siya kaagad ng staff samantalang nagtataka ang naiwan niyang mga kaibigan sa inakto niya.
Nagpunta siya sa eskwelahan saan nag-aaral ang nasabing baby girl nagsend din kasi ng details yun fan na nagsend sa kaniya ng picture . Suot ang sombrero at mask na itim para hindi siya madaling makilala at pagkaguluhan ng mga taong nakakakilala sakaniya , malapit ng madilim madalang narin ang paglabas ng tao sa gate.
Tama kaya ang school na napuntahan ko?
Tiningnan pa niya ang address na binigay nung fan pero tama naman ang kaniyang napuntahan.
Baka naman hindi pumasok?
Kung ano-ano nalang ang kaniyang naiisip dahil sa pag-iintay pero kahit na ganon ay hindi parin siya umalis hanggang sa lumabas ang isang babae na napaka familiar sa kaniyang mga mata , hindi pa siya lumapit dito at pinagmasdan pa ng maigi hindi niya na halos makilala ang babaeng nakikita niya ngayon sobrang dami na ng kaniyang pinagbago.
Huminto ito at kinuha ang cellphone dito na tumakbo pa palapit si Xukun balak niya sana mag pakilala pero sa sobra ata niyang tuwa ay hindi na niya nagawa bagkus ay yumakap ito sa likod ng nasabing baby girl.
"Baby girl....."
BINABASA MO ANG
Cai Xukun's Baby Girl
FanfictionCai Xukun is one of the most popular trainee in idol producer. One day he had the opportunity to find his long lost childhood sweetheart (Baby girl) in the variety show. Your friends ( You as Naya Wynter Lou) point you out , that you are the baby...