Naya wynter Lou's Point of view
"Baby girl"
Simula kanina bukang bibig na ng dalawang ito ang baby girl maging ang mga kapwa namin estudyante dito sa tren , sumandal ako sa katabi kong si Allison kahit uminom ako ng kape kanina ay walang epekto sa katawan ko inaantok parin ako magdamag kasi kaming nag review para sa dadating na final exam .
"Alli bakit ganiyan yung dalawang yan? Parang hindi nauubusan ng energy" habang nakatingin kila Chloe at Pau na kapwa tutok sa cellphone tapos pag nagkataon bigla na lang titili.
"Una sa lahat hindi naman nag review yung dalawa na yan kagabi at kanina natulog lang yan parang hindi mo kilala yung mga yan , Pangalawa umaasa sila umaasa sila na sila yung baby girl ni Cai Xukun" paliwanag ni Allison natawa ako sa naging reaksyon niya nung sabihing umaasa yung dalawa para kasing hindi niya kaibigan kung makapagsalita.
Pinikit ko na ang mata ko pero kahit pagod at inaantok na hindi ko parin magawang makatulog at pilit sumisiksik sa isip ko yung sinabi ng isa sa mga trainee kanina , hindi naman niya ako fan para isipin yung baby girl na sinasabi niya tiyaka hindi ko naman siya crush sa totoo nga nun eh crush ko si PD Zhang tiyaka si Mentor Jackson . Hanggang sa makababa na nga kami sa station kung saan kami baba naghiwalay narin kami pagkatapos , mabilis kong tinahak ang daan papunta sa aming bahay gusto ko na rin kasi humiga at matulog .
"Apo" naabutan ko si Lola na nagsisilong ng sampay tumakbo kaagad ako sakaniya at nagmano .
"Yung mama mo hinahantay ka sa loob gusto kang makausap" nawala ngiti di ko pa man din nakakausap si mama alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa akin .
"Anak ilang ulit ko ba sasabihin sayo na hindi ka ubrang umuwi ng probinsya---"
"Ma gusto ko pong mag-aral ng college sa probinsya gusto kong tuparin yung pangarap na eskwelahan ng papa para sa akin"
"Mamili ka-- diyan ka mag-aaral at susuportahan kita o sa probinsya at ni isang singko wala akong bibigay sayo" ramdam ko ang panggigilid luha sa aking mata , bakit hindi niya ako maintindihan--gusto ko mag-aral sa probinsya bakit hindi nalang niya ako suportahan?
BINABASA MO ANG
Cai Xukun's Baby Girl
FanfictionCai Xukun is one of the most popular trainee in idol producer. One day he had the opportunity to find his long lost childhood sweetheart (Baby girl) in the variety show. Your friends ( You as Naya Wynter Lou) point you out , that you are the baby...