Kabanata 13

11 5 0
                                    


Ipinaliwanag ng aking ina sa akin kung ano ang dahilan ng pagpunta namin sa resort kahapon, aniya, sa kadahilang pabagsak na ang negosyo ng aking ama pati narin ang kompanyang pinagtratrabahuan nina ninang ay nag-alok si Antonio Medina na maging kasosyo ang aking ina, ama, tiyuhin, tiyahin pati na ang aking ninang sa kanilang negosyo.

Medyo masaya ako sa aking narinig dahil may tumulong sa aming makabangon ngunit hindi ko parin malilimutan ang ginawa ng aking ina, sila parin ba? Hiniwalayan niya na ba iyong Emmanuel na iyon? Kung hindi, napakawalang-hiya talaga nila.

Hinatid ako ng maaga ng aking ina't ama sa aming paaralan. At sa nakasanayan, tumungo ako sa kanluran subalit nang mapansin kong wala si Lucas dito ay tumungo nalang ako sa timog.

Ang nasa kaliwang hawla'y nakakulong parin ang ibon dito habang ang nasa kanan naman ay malayang lumilipad.

Umupo ako sa bangkito at huminga ng malalim, pinagmasdan ko ang ganda ng karagatan. Maya-maya lamang ay naalala ko ang nakakaulayaw na pangyayari sa amin kahapon ni Ali. Napakawalang-hiya kasi n'ong insekto.

"Nahulog ka ba agad?" wika ni Ali matapos akong lumayo sa kaniya at umirap ako sa kawalan.

"May topak talaga yung lalakeng iyon." wika ko sa aking sarili at tumawa.

Pagkatapos ng ilang minutong paglilibang sa timog ay tumungo na ako sa silid ng repertoryo ng Alpas.

Oo, napag-isipan ko na ito ng maayos. Napagtanto kong may kalayaan ako, may karapatan ako, karapatan kong pumili ng naaayon para sa akin at walang makakapigil.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng silid nila at ilang segundo lamang ay pinagbuksan na ako ng isang miyembro ng repertoryo ng Alpas at pinapasok ako.

Tumungo ako sa sulok kung saan naroroon si Mersedes Meneses, ang presidente ng teatro ng aming paaralan.

Nang umupo na ako sa tapat ni Mersedes ay nginitian ko siya at gayundin siya.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" magalang na wika ni Mersedes at tumango naman ako.

"Oo at tinatanggap ko na ang inyong alok." sagot ko at mas lumapad ang ngiti ni Mersedes sa akin.

"Talaga?" magiliw niyang wika at tumayo sabay abot ng kaniyang kamay sa akin. "Maligaya kaming tanggapin ka, Agnes." Tinanggap ko naman ang kamay niya't ngumiti.

Pagsapit ng club time namin ay tumungo nanaman ako sa silid ng Alpas Repertory, hindi ko inaasahan na ganito pala kami karami. Pangiti-ngiti lamang ako sa aking mga kasamahan subalit ang totoo'y nahihiya at kinakabahan ako.

"Settle down, everyone!" panimula ni Mersedes at nagsibalikan na kami sa aming mga pwesto.

"Ngayong araw na ito ay may bago tayong kasamahan." wika ni Mersedes at nagsipalakpakan ang lahat habang ako nama'y nakangiti lang.

"Naigagalak kong ipakilala sa inyo si Agnes De Mesa." dagdag ni Mersedes at pumunta naman ako sa harapan.

"Agnes De Mesa? Ikaw iyong palaging nanalo sa Press Conference diba?" wika ng nasa harapan ko.

"Oo nga pati iyong may pinakamataas na GWA ng buong baitang 11, nawa'y lahat." wika nanaman ng isa at nagsimula na silang magbulung-bulongan.

Hanggang sa Kaibuturan ng Mundo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon