Sabado ngayon. Sa nakasanayan, naghanda ako ng aking maisusuot para sa hapunan mamaya sa karinderya na aking tiyahin. Subalit, sa sabadong ito ay makakasama namin ang mga Medina sa hapag-kainan.Hindi ako mapakali, makikita ko nanaman si Ali ngunit dapat maayos ako tingnan sa harapan niya. Inilabas ko lahat ng magagandang bestidang mayroon ako. Hindi ako mapakali, alin ba rito ang pipiliin ko?
Pagkalipas ng ilang oras ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa aming paboritong pwesto ng karinderya kasama ang aking ina't ama at sa kanilang panlabas na anyo ngayon ay tila'y wala ni isa ang nagtaksil sa kanilang dalawa.
Ilang minuto lamang ay napatalon ang aking puso nang biglang tumayo ang aking ama't ang kaniyang mga tingin ay nasa labas. Dumating na ang mga Medina. Lumingon ako upang sila'y silayan at bumungad naman sa akin ang makisig na dating ni Ali, siya'y nakasuot ng kulay bughaw na polo, maayos na pantalon at sneakers, nakasuot din siya ng airpods, nawa'y lahat airpods.
"Nandito na pala kayo." wika ng aking ama't inalalayan sila sa kanilang pag-upo.
Kompleto ang mga Medina, pati ang ina ni Ali ay kasama nila at ang ganda niya'y pilipang-pilipina, kutis niya'y morena ngunit nagmana parin si Ali sa kaniyang amang si Antonio na malaporselana ang kutis at singkit. Sa tingin ko'y nagmana ang labi't ilong ni Ali sa kaniyang ina, naku, halong-halo, Medinang-medina.
"Magandang gabi, Rena." magiliw na bati ng aking ina sa ina ni Ali't nagbeso-beso sila habang ang aking ama at si Antonio nama'y nagsihawakan ng kamay.
"Agnes!" tawag sa akin ni Ali habang suot-suot ang kaniyang matatamis na ngiti.
"Ali!" sagot ko sa kaniya't ngumiti nang may konting hiya, dalagang pilipina yeah.
"Buti at nakarating kayo!" dagdag ko at si Ali nama'y tumabi sa akin. Nagsimula nanamang bumilis ang tibok ng puso ko, bakit ba ganito?
Nagsiupuan na kaming lahat at magiliw na kumakain ng hapunan.
"Nagagalak kong isipin na tayo'y nagsama-sama ngayon." wika ni Rena at ngumiti naman ang aking ina sa kaniya.
"Oo nga, napakagandang simula nito para sa ating negosyo." sagot ng aking ina at ako'y natigilan.
Hindi ko pa kasi alam ang buong konteksto ng negosyong sinasabi nila.
"Speaking of negosyo," singit ni Antonio sa pag-uusap ni Rena at ng aking ina. "Maaari na natin itong ibahagi sa ating mga anak."
Nagsitinginan kami ni Ali at tila pareho kaming walang kaalam-alam sa mga pangyayari.
"Ang dalawang hektaryang pinagmamay-ari natin, Agnes, ay hindi na para sa baboyan." panimula ng aking ama at nagulat naman ako.
"P-Po?" nauutal kong tanong at nabitiwan ang tinidor na hawak-hawak ko.
"Ang mga natitirang baboy natin ay ibinenta na namin, pati narin ang mga puno ng mga prutas." dagdag ng aking ama habang si Rena't Antonio nama'y tumango-tango.
"Paano na po si m-manong? Yung iba ho nating tauhan? Wala na po silang ibang mapagkikitaan–"
"Agnes, anak, hindi naman sila mawawala sa atin." wika naman ng aking ina. "Babaguhin lang naman natin ang negosyo natin at kahati't katulong natin ang mga Medina."
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Kaibuturan ng Mundo [COMPLETED]
Non-FictionIsinulat ni Jannen Lomanta Date Started: August 15, 2020 Date Finished: September 15, 2020 DISCLAIMER Ang kwentong ito ay gawa lamang ng kathang-isip ng may-akda at hindi ito hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo...