Pumasok akong walang kagana-gana. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin, naguguluhan na ako sa mga magulang ko. Hindi nanaman ako nakapag-aral kagabi sa kadahilanang nawalan ako ng pokus dahil sa mga pangyayaring nasaksihan ko.Nais kong pumunta sa lugar kung saan masasagot ang mga tanong ko. Hindi na ako makapagtimpi, matagal ko nang gustong malaman ang mga sagot sa aking mga tanong.
"What are the documents usually completed by an entity for one accounting cycle?" tanong ng aming guro habang ako nama'y nakatulala.
"Ms. De Mesa? Do you have an answer?" tanong niya ngunit nakatulala parin ako. "Ms. De Mesa!" ulit niya at inihulog sa sahig ang librong kaniyang hinahawakan.
Nagulat ako sa kaniyang ginawa kaya ako'y nabuhayan. "A-Ah, financial statements po, ma'am." wika ko at malakas na humalakhak ang aking mga kaklase.
Lumingo-lingo ako sa aming silid-aralan at nakapokus silang lahat sa akin. Ano ba, Agnes, magpokus ka nga, wika ko sa aking sarili.
"Napakatalino talaga ng anak ni Amelia kahit nakatulala ay alam parin kung ano ang isasagot." pahayag ng aming guro at tumawa nanaman ang buong klase, ako lang siguro ang hindi.
"Iniisip niya siguro si Herrera." pang-aasar ng isa kong kaklase at tumili naman ang lahat ng kaklase ko pati narin ang aming guro. Umirap lamang ako sa kawalan, pati ba naman sila mga malisosyo't malisosya?
Malalim akong napabuntong-hininga nang matapos na ang aming klase, nakakainis sila, mga mapang-asar!
Paglabas ko sa aming silid-aralan ay bumungad sa akin ang isa kong kamag-aral, pamilyar siya.
"Hi! Ikaw si Agnes De Mesa, diba?" tanong niya sa akin sabay abot ng kaniyang palad. Kumunot naman ang too ko dahil sa pagtataka. "Ako pala si Mersedes Meneses, presidente ng Alpas Repertory."
"A-Alpas R-Repertory?" tanong ko. "Iyong pangalan sa teatro-sa tanghalan ng paaralan natin?" dagdag ko at tumango naman siya habang nakangiti.
Mas lalo siyang gumaganda kapag nakangiti, pareho sila ni Lucas na may biloy, ang cute at nakakaakit tingnan.
"Ah opo, ako si Agnes De Mesa. Bakit ho?" tanong ko pagkatapos ay inabot niya sa aking ang isang liham.
"Basahin mo iyan kapag wala ka ng pinagkakaabalahan at bibigyan ka namin ng oras upang makapag-isip. Sige, una na ako, Agnes, salamat." wika niya tsaka umalis kaagad.
Gulong-gulo na ako, dumagdag pa si Mersedes. Ano ba kasing laman ng liham na ito?
Itinago ko ang liham sa aking bag at tumungo sa cafeteria. Sa nakasanayang pamumuhay namin dito sa paaralan, npakaraming tao sa cafeteria, buti nalang at mataas ang pasensya kong pumila.
Napansin kong wala na ang tatlong kaklase kong gumawa ng krimen noong nakaraang linggo, mabuti nga iyon sa kanila, mga maldita't nangongopya kasi sila.
Pagkatapos kong umorder ng pagkain ay tumungo ako sa bakanteng lamesa, inilapag ko ang aking pagkain at kinuha ang liham na ibinigay ni Mersedes kanina. Binuksan ko ito at sinimulan ng basahin.
Magandang araw, Agnes De Mesa!
Nais naming ipaalam sa iyo na namangha ang ALPAS Repertory sa iyo noong nakaraang musical play ng baitang 10 pangkat Lysithea.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Kaibuturan ng Mundo [COMPLETED]
Non-FictionIsinulat ni Jannen Lomanta Date Started: August 15, 2020 Date Finished: September 15, 2020 DISCLAIMER Ang kwentong ito ay gawa lamang ng kathang-isip ng may-akda at hindi ito hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo...