Kabanata 22

2 4 0
                                    


"Pagpahinga ka muna sa kwarto ko, sa sala naman ako." wika ni Lucas at umiling naman ako.

"H-Hindi. Ako nalang sa sala." sagot ko ngunit umiling din si Lucas.

"Agnes." malamig niyang wika sa akin at sumang-ayon na lamang ako, wala akong magawa, condo niya ito, nakikituloy lamang ako.

Ang ganda ng condo, malaki at eleganteng-elegante ang dating. Pinagmasdan ko ang ganda ng bawat sulok.

"Sa auntie ko ito," wika ni Lucas habang pinapanood ako sa ginagawa ko, natigilan naman ako, " nangako akong babayaran ko ang lahat ng naitulong niya kapag nakapagtapos na ako."

"Siya rin ba nagpapaaral sa iyo?" tanong ko at umiling nanaman siya.

"Huh? Asan ang tulong doon?" wika ko, at napakagat ako sa dila ko nang mapagtanto kong hindi maganda ang tenor of discourse ko.

"Napakalaking tulong na nitong pinapatuloy niya ako sa condo niya." wika ni Lucas. "Ang nagpapaaral naman sa akin ay ang pagbabanda."

"Pagbabanda?" naguguluhan kong wika.

"Iyong kaibigan kong nagbigay sa akin ng gitara." wika ni Lucas.

"Ah iyon? Naalala ko pa siya, diba ina niya yung may-ari ng resto?" sagot ko at tumango naman si Lucas.

"Kalahati lang sinusweldo niya sa akin." wika ni Lucas at napadabog ako bigla.

"BAKIT KALAHATI LANG?" sigaw ko at tumawa lamang si Lucas.

"Easy! Kalma!" natatawang niyang wika, "Yung kalahati kasi ay para pang-araw-araw kong pagkain, pamasahe. Yung kalahati naman ay siya na ang magbabayad ng tuition ko pati narin ang miscellaneous fees sa paaralan natin."

Napakamot naman ako sa ulo ko at napapeace sign kay Lucas.

"Kaya pala, ang bait naman." wika ko at umupo sa kama ni Lucas.

Ngumiti lamang si Lucas. At ilang segundo lamang ay nagpaalam na siya sa akin, lalabas na raw siya sa kwarto upang bigyan ako ng oras upang makapagpahinga at makapag-isip sa lahat ng nangyari. Ang bait ni Lucas, sobra.

Nanghihinayang ako dahil nauto ako ni Ali sa lahat ng mga salitang binitawan niya sa akin. Tila ito'y isang napakagandang bulaklak pero napakabaho naman pala.

Napahiga ako sa kama at tumitig sa kawalan.

"Napakalupit talaga ng tadhana," wika ko, "pero nagpapasalamat parin akong hindi ako pinabayaan ng Diyos, ginawa niyang instrumento si Lucas upang maging isang anghel sa buhay ko, ewan ko ba, ayaw kong maniwala sa malas na sinasabi nila. Despite of the shits I've encountered, I'm still beyond blessed, salamat kay Lucas lalong-lalo na sa Diyos."

"Makakalipad din ako sa tamang panahon," dagdag ko, "makakalipad ka rin, Agnes De Mesa."

-

Pagsapit ng gabi ay inihatid ako ni Lucas pauwi sa bahay namin.

"Hanggang dito na lang siguro ako, Agnes." wika ni Lucas nang makaabot na kami sa kanto ng street namin sabay abot sa bag ko. Tumango naman ako sa kaniya at tinanggap ang bag.

"Salamat talaga, Lucas, ha." wika ko at niyakap siya.

-

Lucas Herrera's Point of View.

Suhestiyon ni Agnes na maglakad na lamang kami papunta sa bahay nila kaya pumayag narin ako dahil makulit siya.

Nang tahakin na namin ang kabilang ibayo ng daan ay hinawakan ni Agnes ang aking kanang kamay at tinahak na namin ang daan.

Hanggang sa Kaibuturan ng Mundo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon