"Bagay rin ito sa iyo, anak" wika ng aking ina sabay abot sa akin ang isang damit pang-CPA. Pagkatapos nito ay naghanap nanaman siya ng ibang damit.
Hindi parin mawala sa isipan ko ang ginawa ng aking ina kaya hanggang ngayon ay naiilang parin sako sa mga kilos niya. Alam kong bumabawi lamang ang aking ina upang hindi siya magsalita ukol sa mga kababalaghang ginawa niya na nasaksihan ko.
"Ito mas maganda, anak, bagay na bagay sa kurbado mong katawan." wika ng aking ina habang ako nama'y nakatitig lamang kawalan ."Isukat mo nga, anak!"
Dahan-dahan naman akong kumilos at kinuha ang inihandang uniporme ng aking ina. Kitang-kita ko sa mga mata ng aking ina ang pagtataksil na ginawa niya. Huminga na lamang ako ng malalim at tumungo na sa silid-bihisan.
Pagkalipas ng ilang oras.
Pagpasok ko sa aming paaralan ay bumungad ang aking mga kaklase na abala sa pagbibihis at pag-uusap ukol sa kanilang mga ninanais na propesyon.
"Oh, Agnes, bakit hindi ka pa nagbibihis?" tanong ng kaklase ko sa akin habang ang ako naman ay walang inilalabas na emosyon sa aking mukha, tila'y wala akong gana.
"Gusto niya siguro maging estudyante lang habang buhay." biro ng isa kong kaklase at nagtawanan sila.
"Pero sayang! Si Ellena na ang pinili ni ginang Estrella para sa kulminasyon, ang tagal mo kasing dumating, Agnes." wika naman ng isa at umupo na ang dalaga sa kaniyang pwesto.
Nagdadalawang-isip parin ako kung susuotin ko ba ang inihanda ng aking ina kahit hindi ko naman talaga pangarap ang propesyong public accountant.
"Oy! Punta na daw tayo sa Libra Hall!" sigaw ng kaklase ko at nagsilabasan naman sila.
"Magbihis ka na, De Mesa!" wika ng kaklase niya at tumango naman ako at pilit ngumiti.
Sumilip ako sa kabilang gusali, sa gusali ng STEM strand. Kadalasan sa kanila'y nakasuot pangdoktor, ihinyero, nars at iba pa. Sa kabilang gusali naman ay ang HUMSS strand at nakapang-guro, pulis, mamamahayag at iba pa sila.
Nakaalis na ang lahat ng kaklase ko at ako na lamang ang naiwan sa kanilang silid-aralan.
"Susuotin ko ba talaga ito?" tanong ko sa aking sarili at umirap sa kawalan.
–
"Objection your honor!" biglang sigaw ng isang kalahok at nagsitawanan ang mga manonood.
"Iyan ang aking bibigkasin pagkatapos ng ilang taon!" wika nito, "sa kadahilanang nais kong bigyang hustisya ang mga pinatay, napagbintangan at ang mga nangangailangan nito."
"Nais ko silang ipaglaban!" dagdag nito at nagsihiyawan ang mga manonood. Pagkatapos nito ay pumasok na ang isang kalahok mula sa baitang 11.
"Nais kong," panimula ng kalahok, "maging isang entrepreneur paglaki." dagdag nito at nagsibulung-bulongan ang lahat.
"Responsibilidad nito ang pagpaplano para sa direktang operasyon ng isang kumpanya. Gumagawa ito ng polisiya, bumubuo ng layunin, nakikipagpulong sa mga kliyente at namumuhunan." dagdag nito. "Binabantayan naman ng isang entrepreneur ang lahat ng mga aktibidad na kasangkot sa mga produkto at serbisyo ng kumpanya, kabilang ang marketing, pamamahagi at pagbebenta."
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Kaibuturan ng Mundo [COMPLETED]
Non-FictionIsinulat ni Jannen Lomanta Date Started: August 15, 2020 Date Finished: September 15, 2020 DISCLAIMER Ang kwentong ito ay gawa lamang ng kathang-isip ng may-akda at hindi ito hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo...