Bumuhos ang malakas na ulan habang naglalakad kami ni Lucas palayo. Sumilong naman kami sa isang waiting shed. Hindi parin mawala ang aking panginginig. Pinasuot ni Lucas sa akin kanina ang jacket niya, wala naman kasi akong suot na damit dahil sa ginawa ni Ali kanina, hayop siya, binaboy niya ako.Nang makasilong na kami ay niyakap ko si Lucas, natatakot akong baka maya-maya'y dumating nanaman si Ali at gahasain niya ako, hindi maaari, hindi. Patuloy parin akong humahagulgol, nanginginig at natatakot dahil sa nangyari.
"Huwag kang mag-alala, Agnes, nandito ako, hindi kita iiwan." wika ni Lucas habang tinatapik-tapik ang likod ko.
Bumitiw na ako sa pagkakayakap at tumitig naman sa mga mata ni Lucas. "P-Pasensya na sa inasal k-ko, Lucas," naiiyak kong wika, "Sa pag-iwas sa iyo. Sorry, talaga, Lucas."
Umiling naman si Lucas, "Hindi lmo kailangan humingi ng tawad, naiintindihan ko, Agnes." wika niya at niyakap naman niya ako.
"Mali kasi ako. M-Mali iyong pinaniwalaan ko... maling iniwan kita at si Ali ang pinalit kong maging kaibigan.." wika ko na puno ng paghihinayan.
"Ang bobo ko, bobo, bobo!" wika ko at pinalo-alo ang aking sariling ulo. Pinigilan naman ako ni Lucas.
"Bobo, Agnes, ang bobo mo!" ulit ko habang umiiyak.
Upang matigil ang ginagawa ko ay niyakap na lamang ako ni Lucas hanggang sa tumahan ako.
Nang humina na ang buhos ng ulan ay napagpasiyahan kong sabihin lahat ng mga sinabi ni Ali sa akin tungkol kay Lucas, lahat ng mga paninira ni Ali, lahat-lahat.
"Tama nga sila, maganda boses mo." wika ni Ali at kumunot ang noo ko.
"Huh?" naguguluhan kong wika, tumawa lamang siya sa aking winika't nagpatuloy sa paglalakad.
"Magkapareho kaya tayo ng paaralang pinapasukan." wika ni Ali habang ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang mga bulsa. Nagulat naman ako sa kaniyang sagot dahil hindi ko pa siya nakikita sa paaralan namin.
"Ano na bang baitang mo?" tanong ko habang sumusunod sa kaniya. "At pangkat?"
"Baitang 12 pangkat Carnelian." sagot niya at natigilan ako, ibig sabihin magkaklase sila ni Lucas?
"Bakit?" tanong ni Ali sa akin nang natigilan ako sa kaniyang sagot, "Malayo naman din kasi ang gusali ng kagawaran ng baitang 11 at 12 kaya hindi tayo gaanong nagkikita-este hindi talaga tayo nagkita."
"Nagkikita nga kami ni Lucas-" wika ko subalit pinutol ito ni Ali.
"Teka, Lucas? Tama ba ang pagkakarinig ko? M-Magkaibigan kayo?" tanong ni Ali at tumango naman ako.
"Kaibigan mo iyong gagong iyon-"
"Huwag mo nga siyang murahin!" sigaw ko kay Ali. "Ano bang problema mo?!"
"Nakikipagkaibigan ka sa gagong iyon? Adik yun-" sambit ni Lucas ngunit sinigawan ko nanaman siya.
"Sabi ng huwag mo nga siyang murahin!" galit na galit kong sigaw subalit galit din si Ali.
Hinila ako ni Ali at dinala sa lugar ng walang katao-tao dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Naguguluhan na ako, Ali, bakit mo ba siya ginaganyan?" kalmado kong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Kaibuturan ng Mundo [COMPLETED]
Non-FictionIsinulat ni Jannen Lomanta Date Started: August 15, 2020 Date Finished: September 15, 2020 DISCLAIMER Ang kwentong ito ay gawa lamang ng kathang-isip ng may-akda at hindi ito hinango sa tunay na buhay o karanasan. Ang mga pangalan, tauhan, negosyo...