P. WITHSTANDER 8

7K 228 11
                                    

Chapter 8

Casey's having second thought if she'll hop out of the car or will stay inside it. Nakasilip siya sa bintana ng kotse ni Miggy at nakatanaw sa pagkalaki-laking bahay na parang pakiramdam niya ay nasa tuktok na ng isang bundok. Walang ibang makikita sa ibaba kung hindi ang napakalawak na private golf court at sa kabilang side ay walang kasing lawak na taniman ng mga iba't ibang kulay ng mga lilies. Kung mansyon ang tawag niya sa bahay na ipinagbili niya noon na pag-aari ng mga magulang niya, ano ang dapat niyang itawag sa bahay ni Lt-Gen. Miggy? Palasyo? It was painted white, the glasses were sparkling green and the accent color was oak. May pagkalaki-laking swimming pool na parang nakalutang sa ere at may isang gazeebo na korteng kalabasa ni Cinderella.

Hinabol niya ng tingin ang binata na papalayo na pero nabawi niya ang mga mata at pasimpleng umayos ng upo nang pumihit ito pabalik.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ng kotse sa side niya at nakabaluktot na ito roon, sinisilip siya sa suot na sunglass. Ano bang meron sa sunglass na iyon at hindi yata nito matanggal-tanggal kahit na wala na namang araw. "Don't you wanna come inside?" Pormal na tanong nito sa kanya.

Umiling siya. "No thanks. Nakakahiya naman. Dito na lang ako at hihintayin kita."

"Mas nakakahiya na alam ng Mommy ko na may babae akong kasama pero ayaw siyang makilala." Awtomatikong nagbungguan ang mga kilay nito kaya napabuga si Casey ng hangin. Lumipad tuloy ang ilang hibla ng bangs niya na bahagyang tumatakip sa mga mata.

"Okay, fine." She did a full eye roll as she hopped out of the car. Tiningnan pa niya ang sarili dahil ni hindi siya nagbihis. Kanina pa niyang umaga suot ang damit niya. Mabuti sana kung si Miggy lang ang makakaamoy sa kanya, ay haharap daw siya sa ina nito. Bakit ba kasi kailangan na humarap siya?

"'Wag na nga kaya akong pumasok. Hindi pa ako nagbibihis kasi." Kulang ang salitang napangiwi siya habang pinapagpag ang sarili. Naka-sipit siyang tsinelas na goma at naka maong na short. Nakakahiya ang hitsura niya.

Napaurong pa siya nang ilapit ni Miggy ang mukha sa may ulo niya at sininghot siya. "The last time I checked, you still smell good. And Mom won't smell you dahil wala kaming lahing aso." Anito sabay tulak ng pinto ng sasakyan at talikod.

Bwisit ka!

Napilitan siyang maglakad papasunod dito kahit na parang nag-sink in na sa utak niya ang sinabi nito na mabango raw siya. Compliment ba iyon? Compliment na may kasamang pambubwisit.

"Quick." Anito sa kanya kaya halos takbuhin niya ang distansya nilang dalawa. It's his naturalism to walk with colossal steps and his movements match his physique. Tama lang naman na malalaki ang hakbang nito dahil napakalaki nitong tao.

Pagdating nito sa may main door na parang tatlong metro ang lapad ay itinulak nito ang kulay berdeng salaming pintuan at tinaasan-baba siya ng mga kilay, senyales na pumasok na siya.

She looks down on her slippers and tries to remove them but Miggy speaks. "Don't try it. Just get in. May vacuum cleaner si Mommy." Anito sa kanya kaya marahan naman siyang tumango at napakagat labi. Nag-atubili pa siya na tuluyang humakbang at lumagpas sa pintuan pero nakapasok na siya, wala ng bawian.

Her mouth hangs open when she finds out how elegant the mansion is. Tapos ang may-ari noon ay tumatayo lang ngayon na security niya at libre pa? Nakakahiya pala talaga. May karapatan naman pala talaga ang lalaki na pagsungitan siya at mag-inarte na hindi kumakain ng de lata.

Kaagad siyang napalingon nang tumayo sa may likuran niya si Miggy. "Have a seat. We'll have dinner here and so you must expect that we aren't leaving too soon." Anito sa kanya at naramdaman na lang niya na tumatango na pala siya. Wala siyang naging pagtutol dahil ngayon sa totoo lang ay nanliliit siya. Higit pa sa inakala niyang yaman ang mayroon ang isang Alonde, tahimik nga lang na gumagalaw sa mundo ng alta-sociedad pero hindi rin talaga matatawaran ang yaman na taglay ng pamilya nito.

Perfect Withstander✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon