P. WITHSTANDER 47 - FINALE

10.4K 323 117
                                    

A short message for all my readers, silent or not. I'm so grateful na binigyan niyo po ng pansin ang first romance novel ko sa watty. Alam ko po na hindi ganoon kahusay at kaganda pero sa mga totoong nakaka-appreciate, I just want to extend my "thank you". To all the people who motivated me and the people who had been my inspiration, you know who you are. My Team BFF Beauties, Kontessa's Angels and the people who believe in my dream. I love you all. I'll be glad to see you voting and commenting on my next stories. Te Quiero! Muchas gracias.

#TEAMYOURHIGHNESS

Chapter 47

Naalimpungatan si Casey nang makarinig ng mga babaeng nag-iingay sa paligid niya. Lutang yata siya o kung ano pero parang laman ng panaginip niya si Miggy. Nag-uusap daw sila at nagpaalam daw sa kanya na aalis ng dalawang araw para pumunta sa kampo. Dalawang araw na siya sa ospital at wala naman silang pinag-usapan pa na kung ano. Niyayakap lang siya at paulit-ulit na hinahalikan.

"Beshy!" Tili ng tatlo nina Empress, Dana at Queen. Kasama rin ng mga iyon ang Mommy ni Miggy na ang lawak ng ngiti.

"Hello..." namamaos na bati niya. "Hi, Mi-Tita." Bati niya rin kay Jesusa.

"Oh my unica hija. I'm so glad to finally see you. Noong isang araw ko pa kinukulit si Miggy para pumunta ako rito, ngayon lang ako pinayagan kung kailan naman umalis siya."

Umalis siya?

Nalusaw ang ngiti niya. "S-Saan pumunta?" bakit iniwan na naman siya?

"H-Hindi mo ba alam?" Tanong ng senyora saka nagkatinginan ang mga iyon.

Pumangit ang tabas ng mukha niya at naiiyak na siya kaagad.

"N-Nagpaalam sa'yo, anak." Sagot ng yaya niya habang sinusuklayan noon si Cutie.

"Hindi!" She cried. Parang kumulo bigla ang dugo niya sa inis. "He never said goodbye! It was just a dream." Hikbi niya.

Napanganga ang Yaya niya at natigil sa pagsuklay sa pusa. "Magkausap kayo bago ka nakatulog kagabi. Nagpaalam sa'yo at nagpakuha ng isang batalyon ng security, nandyan sa labas ng kwarto. Aba, dinaig mo pa ang isang Presidente ng Pilipinas na dapat bantayan." Anaman ni Loring.

Pumiksi siya at marahas na pinahid ang luha. "Ayoko ng isang batalyon na bantay. Gusto ko siya lang. Palagi na lang niya akong iniiwan." Masama ang loob na ibinaling niya ang tingin sa kabilang side ng kwarto, papaiwas sa mga tao.

"Malinaw naman ang pag-uusap niyo. Um-oo ka pa nga at niyakap mo." Sagot namang ng yaya niya.

Basta hindi niya alam. Kapag nagiging siya ay parang umiikot pa rin ang pakiramdam niya at parang hindi niya halos alam kung nasaan siya. Lagi rin siyang nagugulat kahit na tulog kaya napapamulat siya bigla dahil madalas para siyang nahuhulog. Epekto yata 'yon ng stress pero hindi naman niya alam, baka dahil na rin sa pagbubuntis niya at may mga gamot din na itinuturok sa kanya.

"Hindi ko alam na um-oo ako, yaya. Pauwiin mo na siya." Pakiusap niya.

"Hintayin mo na lang. Lalabas na rin tayo ngayon kaya maya-maya pwede ka nang tumayo. Uuwi rin 'yon bukas."

"Ayoko yaya. Gusto ko si Miggy. Hindi ko alam na umalis siya. Akala ko panaginip lang 'yon." She weeps and rubs her eyes like a child.

Parang ninenerbyos naman ang Mommy ni Miggy habang nakatingin sa kanya. Walang imik sina Dana na umupo sa magkabilang side ng hospital bed at inalo siya.

"Hindi siya makakabalik. Ngayon ang dating ng Presidente at inaasahan na siya ang haharap doon, hija para sa dagdag na pondo sa kampo nila at sa benefits ng Philippine Navy. Miggy was assigned by his commanding General. He's doing it as his last duty in the Military. Aalis na siya pagkatapos nito." Paliwanag ni Jesusa.

Perfect Withstander✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon