P. WITHSTANDER 22

5.6K 237 28
                                    

Shoutout to Acetranauts12 hahaha. Thank you.

Chapter 22

Hindi malaman ni Casey kung saan niya ilalagay ang saya na nararamdaman niya. Kahit paano ay nabawasan ang bigat ng kalooban na dinadala niya habang papunta sila sa St. Martha. Kung hindi pa tinakot ni Miggy ang ate Sandi niya, hindi pa yata niya makikita ang kanyang lola. At ngayon madadalaw niya ang mga magulang sa musuleo ng mga Imperial kapag inilibing ang napayapang matanda. Sa sobrang tuwa ay humigpit ang yakap niya kay Miggy nang hindi niya namamalayan kasabay ng pagngiti niya. Pero naalala niya ang lalaki na nilapitan nito kanina. Parang kakaiba ang naging mood nito simula nang lumayas ang lalaking naninigarilyo sa may harap ng bahay ng Tito Tristan niya. Nang tanungin naman niya ay wala namang naging sagot si Miggy, umiling lang at hinalikan siya sa noo. Kahit paano naman ay nasasanay-sanay na siya sa closeness nila. She accepted the truth that something's binding them together. It's a strong connection that's so hard to deny, and whatever it is, it's making her smile and less worried.

Makalipas ang ilan pang minuto ng pagmamaneho ay nasa tapat na sila ng funeral home at saka dumiretso si Miggy sa designated parking area sa likuran noon, kabuntot pa rin ng kotse ni Alessandra.

At first she was hesitant to get down from the motorcycle but she did it somehow.

Napangiti siya nang bumaba ang Yaya Loring niya sa kotse ng kanyang pinsan at hindi na niya natiis na huwag salubungin ang matanda na kapag nagagawi sa Makati ay hindi siya nakakalimutan na puntahan.

"Yaya," Naiiyak na yakap niya roon na kaagad din naman na ginantihan siya ng yakap.

"Dhanie, Diyos ko. Isang taon na anak noong huli kitang makita. Ang ganda mo na sobra. Parang mas lalo kang gumaganda." Anang matanda at saka malambing na hinaplos ang mukha niya.

Napansin niya ang ate Sandi niya na pinaikot ang mga mata saka mataray na naglakad papasok sa may kalakihang gusali ng funeraria. Lumalagitik ang suot noon na high heels sa semento at wala siyang nagawa kung hindi habulin ng tingin ang nakatatandang pinsan na simula nang mamatay ang mga magulang niya ay naging malamig pa sa patay ang trato sa kanya. Hindi na naiwasan na makaramdam ng awa para sa sarili. Alam kaya ng mga tao na iyon kung gaano kahirap ang mag-isa? Tatlong taon na siyang napapanisan ng laway dahil hindi niya nakausap ni minsan man lang ang mga natitira niyang kamag-anak. Gusto niya sana ng isang Daddy sa katauhan ng Tito Tristan niya pero wala namang pag-asa.

She bows her head when she feels the heaviness inside her heart. She's missing her realtives and if those people only knew how much she wanted to fuse herself to the last few remaining people in her life, maybe they'd understand. Pero wala namang pang-unawa ang mga kapamilya niya na ipinagtatabuyan pa nga siya papalayo.

"Yaya, pinatay ko ba si Lala?" Tanong niya sa matandang kasambahay na nag-alaga rin sa kanya sa tuwing nagbabakasyon siya sa Angeles City, noong wala pang nangyayaring massacre.

"Hindi. Huwag mong sasabihin 'yan. Hayaan mo ang ate Sandi mo, alam mo naman kung gaano katabil 'yon. Mahal ka ng Lala mo at kahit na noong bago siya mamatay ay ikaw ang iniisip niya. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil walang may gusto ng nangyari. Balita ko ay may man haunt ang pulisya para sa dalawang lalaki na iyon na pumatay sa mga magulang mo. Pero tingin ko hindi na lang 'yon dalawa ngayon, anak. Ibang lalaki ang pumunta sa bahay at tumakot sa lola mo." Napatigil ang matanda nang humikbi siya. Kahit na anong marinig niya ay hindi pa rin maiaalis na sisihin niya ang sarili.

"Tahan na." Masuyong utos noon sa kanya habang pinapahid ang mukha niya, pero kaagad na natigilan at napatingala sa may likuran niya.

Casey felt a pair of warm hands that landed on her arms, and a hard chest on her back.

Perfect Withstander✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon