Chapter 34
Hindi matahimik si Casey sa kwarto niya habang iniisip ang sinabi ni Miggy na aasawahin daw siya. Hindi na siya nakasagot pa kanina nang sabihin nito na magiging misis siya. Ganoon kabilis at ganoon kaaga para sabihin nito sa kanya na pakakasalan talaga siya sa tamang panahon, kaya nang magkita sila kanina ni Ronnie ay nasabi na niya sa lalaki ang tungkol sa estado nila ni Miggy. Katulad ng sinabi ni Queen na walang label pero nararamdaman niya na masaya siya, walang kasing saya. Na alam niya na hindi iyon panakip butas lang sa pinagdaanan niyang kalungkutan, kung hindi talagang kailangan niya sa buhay niya ang ganoong uri ng kasiyahan, at si Miggy lang ang nakapagbigay noon sa kanya.
Kita niyang halos maluha si Ronnie kanina at hindi siya manhid para hindi makaramdam ng awa para sa lalaki. Pero hindi naman niya maaatim na magpanggap na gusto niya iyon dahil lang sa awa. Pero nakakabilib dahil totoong mabait ang abogado at natanggap naman ang sinabi niya. Susubukan daw noon na tanggalin na ang anumang nararamdaman at ibabaling na lang sa pakikipagkaibigan.
And what that man said, napakaswerte raw ni Miggy sa kanya.
Hindi niya alam kung totoo ba iyon pero sa pagkakakilala niya sa sarili niya, mukhang mabuti naman nga siyang tao talaga.
Nabibilisan lang siya sa lahat pero hindi naman siya nagdududa sa kanyang sarili. Miggy is kind, very kind. She knows he'll make a perfect husband. Seloso pero hindi naman ganoon kasama ang ugali kapag nagseselos, kaya niyang intindihin at parang bata naman kasi, iba naman ang pamamaraan.
Sa tamang panahon Casey. Paalala niya sa sarili. Ibig sabihin ay hindi naman siya minamadali kaya bakit naman niya poproblemahin? She must be even so proud about it. Nakakuha siya ng isang lalaki na seryoso sa kanya at hindi siya pinaglalaruan lang. Kung ang iba ay halos lumuhod na para lang pakasalan, siya naman ay nakatakda na sa oras na magdesisyon siya. Wala na sigurong mas suswerte pa sa kanya. Iyon na siguro ang lahat ng bunga ng paghihirap niya at kalungkutan, ang makasumpong ng isang lalaki na mamahalin habambuhay at ganoon din sa kanya.
Bata pa kasi siguro siya kaya hindi niya maintindihan. Samantalang si Miggy ay sigurado sa lahat ng bagay na ginagawa at sinasabi.
Napatayo siya at nagsuot ng tsinelas nang makaramdam ng uhaw. Didiretso na sana siya sa ibaba nang makaramdam siya ng takot. Kahit na nahihiya siya kay Miggy ay kumatok siya sa pintuan ng binata nang lumabas siya sa kanyang kwarto. Hindi na rin siya nag-abala pang takpan ang kanyang sarili. May kontrol naman si Miggy at tingin niya ay hinihintay naman siya kung kailan siya papayag sa gusto nitong mangyari.
"Miggy?" She soflty called him and pressed her ear against the door. "Miggy, bababa ako. Natatakot ako. Are you still awake?" Katok ulit niya.
Bumukas naman ang pinto at walang ibang suot ang binata kung hindi itim na boxer's short. Gulo ang buhok nito at halatang nagising niya. Saglit pa silang nagkatitigan pero inaantok na ngumiti ito.
"Hi baby." Bati pa nito sa kanya habang hindi halos maimulat ang isang mata. Pinilit niyang huwag mapasulyap sa gitnang katawan nito dahil baka iba ang maramdaman niya. Masyado pa namang nakakaakit ang matandang bakulaw.
"I wanna go to the kitchen. I'm sorry." Aniya dahil halatang antok pa ang hitsura nito. Mag-aala una y medya na kasi nang huling tumingin siya sa wall clock kaya alam niyang mahimbing na ang tulog ni Miggy.
"Don't be. It's okay." Bumalik ito sa loob at dinampot ang baril na nasa may unan. Isusuksok na lang sana nito sa baywang ay parang bigla pa itong natigilan at kaagad na tumingin sa bintana. Tila ba nawala ang antok nito at biglang natuwid ang likod saka iniliyad ang dibdib.
Kaagad siyang kinilabutan at malalaki ang hakbang na pumasok siya sa loob ng kwarto nito.
"B-Bakit?" Nanginginig niyang tanong. Tumatayo ang mga balahibo niya sa batok at braso at lalong nadagdagan nang senyasan siya nitong huwag maingay.
BINABASA MO ANG
Perfect Withstander✔️(inc)
RomanceWarning!!! Some parts are missing and can be read in the PW Book. Thnk you. Introduction Casey is in need of a defender. Lumaya galing sa kulungan ang pumatay sa kanyang mga magulang at sa takot niya na maulit sa kanya ang nangyari sa mga magulang n...