P. WITHSTANDER 30

6.3K 211 23
                                    

Chapter 30

Days passed and Casey’s waiting for her birthday. Napangiti siya pagkagising niya dahil tatlong araw na lang, birthday na niya. By that time, the society will call her woman and not a child anymore. Sana lang buhay pa ang mga magulang niya para maranasan man lang sana ng Dad niya na isayaw ang unica hija noon, pero hanggang sa panaginip na lang. Wala naman siyang celebration at alam din ng mga kaibigan niya na simula nang mamatay ang parents niya ay hindi siya nagsasaya tuwing birthday niya. Oo, may celebration pero hindi ganoon kabongga, sapat na ang kumain sila sa labas na magbabarkada at mag-jamming sa isang sikat na bar sa Manila na pag-aari ng kaklase ni Queen na si Keiro. Doon sila nagwawala, kumakanta siya kahit na wala sa tono, walang habas naman sa pag-drum si Dana, si Empress ay wala sa tono ang gitara at si Queen ay dakilang pianista. Pagkatapos ay doon naman sila sa mas mataas na stage at sumasayaw na parang mga pasyenteng nakatakas sa mental. Ganoon ang kalokohan nila tuwing birthday niya at sadyang inilalaan ni Keiro ang lugar para sa kanya. Ewan niya ngayon kung ganoon pa rin.

“Morning Mom, Dad, mga lola at lolo, Papa Jesus, Papa God.” Nag-antanda siya ng krus matapos na tumingala sa kisame. Pagkatapos ay tumayo na siya at inayos ang higaan. Napaisip siya kung gising na kaya si Miggy.

Nang mga nakaraang araw ay halos hindi sila mag-usap ng binata na masyado pero hindi naman sila magkaaway. Isang beses ay tumawag ang sekretarya nitong si Jemma at nagmamadali siyang hinila papunta sa Alonde Royalties kahit na nakapambahay siya. Tapos nang bumalik sila ay gabundok na papeles ang dala-dala. Hanggang nang nagdaang hapon ay busy pa rin. May ginagawa kasi ito, walang habas sa pag-dutdot sa MacBook habang ang mga sangkatutak na papeles ay nagkalat sa center table niya. Pasilip-silip lang naman siya sa may hagdan at kapag nakikita niya ang mukha nito ay kinikilig yata siya. Minsan nang silipin niya ay hubad at ang t-shirt ay nakasampay sa balikat habang dinudutdot ang aparato.

Whenever she passes by, she never speaks. And when she’s few steps away, she looks back; and there he finds him gazing at her. He was already looking at her, following her movements while tapping the keyboard. Tapos naririnig niya na nagmumura kasi mali-mali na raw ang type.

Napapahagikhik na lang siya nang lihim. At night he knocks at her door even she’s already asleep, hahalik lang pala sa noo niya.

Being adored feels so good.

Pakiramdam niya ay may nabuhay sa pagkatao niya simula nang nalaman niyang gusto siya ni Miggy. Walang kahit na sinong babae ang iisipin na malas kapag nagustuhan ng isang Miguel Alonde. Nakakailang man at nakakababa ng pagkatao, alam niyang kasama sa nagustuhan nito sa kanya ay ang mga bagay na wala siya. Alam niyang kung totoo ito ay tanggap nito kung ano lang siya.

Suot ang roba ay bumaba na siya habang susunod-sunod naman sa kanya si Cutie at walang tigil sa pag-ngiyaw. Malamang nagugutom na. Kahapon ay wala ang alaga niya at malamang ay nakipag-away na naman sa unggoy na si Bernardo. Ang layo pa naman ng bahay ng mga Cordova, siguro ay nasa limang minutong lakaran na bago marating.

Pag-ikot niya sa may sala ay walang anino ng isang Miggy. Malamang na tulog pa, naisip niya. Senenyasan niya ang pusa na maupo sa sofa at sumunod naman iyon makalipas ang apat na pay-pay ng kamay niya.

“I’ll get you food, okay.” Aniya sa alaga saka siya tuloy-tuloy sa kusina.

Napahikab pa siya at nag-inat saka siya yumukod para buksan ang pang-ibabang cabinet kung saan naroon ang pagkain ng alaga niya, pero napatigil siya nang marinig niya na parang may umungol kasabay ng pagmura.

Inay! May tao! Napaatras siya at natutop ang bibig. Sisigaw na sana siya pero nang marinig niya ulit ang isang panlalaking ungol ay parang nabosesan niya iyon.

Perfect Withstander✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon