P. WITHSTANDER 11

6.3K 245 13
                                    

Chapter 11

Hindi alam ni Miggy kung matatawa ba siya nang mapansin na parang tinakasan ng hemoglobin ang dugo ni Casey dahil sa sinabi niya. He chose to hide the grin and continued to walk heading to the other room, opposite hers. Siya na ang mag-aasikaso ng tutulugan niya total nang i-check naman niya kanina ay maayos at may mga nakatambak lang na mga flushed toys na hindi na yata ginagamit. May isang single bed at kaya naman niyang papagkasyahin doon ang sarili niya. He had trained himself to be perfect in everything. Yes, he may be rich but he had undergone through the worst trainings. Ang lahat ng training na iyon na nagpahirap sa kanya ang nagtanggal ng lahat ng pagiging kilos mayaman niya noong kanyang kabataan. Kaya nga yata hindi siya pinili ni Denisse dahil bantay-sarado siya ng mga bodyguards at hindi siya mapakain kung saan-saan lang. Bukod doon ay napakamapili niya sa pagkain at isa na rin sigurong pinakadahilan ay dahil mas matanda iyon sa kanya.

He threw his bag into the closet after spreading its door widely open. Ni hindi man lang niya pinagkaabalahang ayusin isa-isa ang mga damit niya. He's a very organized person but not when it comes to folding his clothes and arranging them properly inside the cabinet. Bukas na lang niya itataktak ang lahat ng gamit niya mula roon. Pagkalapat niya ng pinto ng aparador ay binalikan niya sa ibabaw ng kama ang maliit na bag niyang may lamang baril at magasin. He had put his 45 caliber on the bedside table. Katabi noon ang isang Hello Kitty lampshade na nagkukulay pink. He can never be wrong, that belongs to Casey, maybe during her younger years. Bata pa naman talaga ang dalaga pero ibang-iba ang ayos ng kwarto nito ngayon dahil wala roon makitang mga pambatang gamit. Kahit na ang kulay ay totoong sa isang mature na babae na. Hindi niya alam kung tinakasan din ito ng kabataan matapos ang murder and rape case na iyon o sadyang maaga lang na nagdalaga. But the way she deals with him sometimes still shows a lot of chidishness. Parang mapang-asar din ito katulad ng Mommy niya at napakahusay na makibagay. He's not doubting why that lawyer is trying to fence Casey. Bukod sa maganda ay parang may kakaibang taglay na kagandahang panloob ang dalaga. Halata naman sa mukha na mabait at parang pinalaki nang maayos ni Denisse.

My Denisse... She's not his anymore and he had let go of that. Kung mayroon man ngayon na naiiwan sa kanya, baka pangungulila na lang dahil naghiwalay sila na hindi maayos ang pakikibagay niya sa babae noon. Iniwan niyang umiiyak dahil sa sobrang sama ng loob niya.

Kaagad niyang hinubad ang suot na t-shirt saka inilagay sa isang basket na nasa sulok ng kwarto. Kasasara lang niya sa pinto ng cabinet matapos kumuha ng panibagong damit nang marinig niyang may kumatok sa pinto.

"Knock! Knock!"

Si Casey ang nasilip niya pero hindi siya kaagad nito nakita. She's now changed into her pajamas. Maganda naman pala ang mga damit na nakita niyang naka-hanger kanina sa closet nito. Hindi naman masagwang tingnan kapag ito ang may suot kahit na maikli ang shorts at malalim ang neckline ng pang-itaas. Maybe because she's very wholesome, parang walang kalandian sa katawan at natural na natural lang kung kumilos.

"Tito Miggy?" Humaba ang leeg ng dalaga kaya lumabas siya sa may gilid ng aparador.

"I'm here." Aniya pero kaagad na tumalikod ito matapos manlaki ang mga mata.

At first thought, he thinks that she will run away. Nayakap pa nito ang mga bitbit na towel at isinara ang suot na roba.

"I... I brought you towels and robes. H-Hindi pa naman ginagamit. Do you mind?" She asked without looking back.

"No. I don't mind. You can turn around." Kunot noo siya dahil hindi naman siya hubad talaga pero bakit ganoon ang reaksyon nito?

"I don't want to turn around. Please get dressed." Parang halos manginig pa ang boses na sabi ni Casey.

Perfect Withstander✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon