P. WITHSTANDER 24

5.8K 196 20
                                    

Dedicated to my ate marcia728 . lovelots po.

Chapter 24

Casey sleepily yawned when she felt her neck was aching. Kinakalabit siya ng yaya Loring niya sa tuhod kaya nagising siya.

"May mga pulis na bagong dating." Anang matanda sa kanya kaya kaagad siyang napamulagat.

Napalinga siya sa paligid at hinanap kaagad ng mga mata niya si Miggy. Nawawala ang binata samantalang nasa tabi lang niya bago siya mapaidlip. Halos lahat ng tao sa loob ay tulog na sa mga kanya-kanyang upuan at ang yaya na lang niya ang gising.

"S-Si Tito Miggy?" Kaagad niyang tanong at kaagad din na gumaralgal ang boses niya. Baka iniwan na siya nito at hinayaan na mag-isa. Natatakot siya at ngayon lang sa paglipas ng tatlong taon siya natakot nang husto sa pag-iisip na wala na ang isang defender na katulad nito.

"H-Hindi ko nga alam kaya ikaw ang ginising ko." Anang yaya niya kaya napatayo siya kaagad.

"Tito Miggy!" Sigaw niya at wala siyang pakialam kung magising man ang mga tao na natutulog.

"Yaya baka umalis na siya." She shakes the old woman's hands. Ang isipin pa lang na umalis na si Miggy ay hindi yata niya matanggap.

"Tito Miggy!" She called him with her quacking voice. Tears served her in an instant and did no justice to her already swollen eyes. "Tito Miggy!"

Napatingin siya nang marinig ang glass door sa may tagiliran ng inuukupa nilang parte ng gusali. Pumasok doon si Miggy at saka initsa ang sigarilyo. Kita sa mukha nito ang pagmamadali at pag-aalala.

"I'm just here." Anito at saka malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya. He immediately wrapped his arm around her shoulder and gently rubs her.

"Nagpahangin lang ako." Paliwanag pa nito kaya tumango naman siya. She never speaks. Ayaw niyang magmukhang nakadepende na lahat dito ang buong lakas niya at hindi niya alam ang gagawin kung aalis na lang ito basta.

She looks up at him and opens her mouth to speak, but the thoughts instantly ran out of shape when her Ate Sandi came in, right from where Miggy came up.

Kaagad na parang nakaramdam siya ng kung anong bumikig sa kanyang lalamunan nang parang buong pagnanasa na tumingin iyon sa bulto ni Miggy. Parang ang titig na iyon ay bersyon ng babaeng rapist.

Kumurap siya nang may kung anong imahe ng kalaswaan ang naisip niya tungkol sa dalawa and the image is skanky that's why she gets rid of it in an instant. Ayaw niyang mag-hysterical at makakita ng kabastusan sa isip niya dahil rape scene ang pumapasok doon.

When Miggy noticed that she held back her words, he tilted his head and gazed at Sandi, and then he looked at her again.

"Casey," gising nito sa pagkatulala niya pero tinatamad na naupo ulit siya at hindi tiningnan si Miggy. Parang ang sakit ng loob niya na maisip na baka nag-usap ang dalawa sa labas at katulad ng banta nito kahapon ay hinalikan na nga ang Ate Sandi niya. There's something inside her that wants to freak out. Naiinis siya kasi sa mga oras lang na iyon siya nakaramdam na parang gusto niya itong balutin sa sako at huwag ipakita sa kahit na sinong babae.

Nagseselos ba siya?

Walang ibang pwedeng itawag sa nararamdaman niya kung hindi selos. Parang gusto niya itong sapakin dahil lumabas ito roon samantalang dapat ay siya ang binabatayan nito.

"Are you okay, baby?" Usisa nito sa kanya at sinilip pa siya sa mukha pero pasimple siyang umirap at humalukipkip. Pati ang baby nitong tawag sa kanya ay parang nakakatulig sa tainga na lalong nagpapuyos sa kalooban niya. Crush nga niya ito talaga kaya siya nagseselos.

Perfect Withstander✔️(inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon