13: Pwedeng Ceasefire Muna?

62 7 0
                                    

♡Joy POV♡

Grabe 'yon kahapon. Nakakatense.


Kasi naman 'tong si Sky hindi man lang nakakaramdam kaya ayan tuloy parang sasabog ang isang lugar kapag kasama namin sila Zane at Damon.


"Sky, grabe ka. Hindi mo ba talaga napapansin?" tanong ko sa kanya habang nag-aaral kami sa library.


"Ang Alin?" walang ganang sagot niya. Talaga studies ang priority ng bruhang 'to.


"Na may gus-"


"S-Sky" sabay kaming napatingin ni Sky sa nagsalita.


Alam naman namin kung sino 'yon kasi iisa lang naman ang kaibigan namin na nauutal. Ewan ko ba anong problema ng isang 'to. Sabi niya palagi daw siyang kinakabahan.


Siguro maraming kape ang nainom ng nanay nito noong ipinagbubuntis pa siya sa tiyan hahhahah lol XD


"Oy Art. Mag-aaral ka ba?" nakangiting bati ni Sky sa kanya. Ang bata nyo namumula. Hahahah isa pa 'to eh. Obvious na obvious na may gusto kay Sky.


"O-Oo. Okay lang ba ku-kung sasabay ako sa i-inyo?" nahihiyang tanong niya.


"Okay na okay. Hali ka na." natutuwang sagot ni Sky.


"Wow Sky. Laki ng tulong ko ngayon noh?" natatawang sagot ko. Istorbo lang ata ako sa kanya dito.


"Mag-aral ka kasi dyan."


"Ewan ko ba. Tinatamad ako ngayon eh. Mamaya lang siguro." sabi ko sabay yuko sa mesa para matulog. Malapit na sana akong matulog nang may dumating.


"Sky" aba naman, sabay pa talaga ang dalawa kaya ayan tuloy ang sama ng tingin sa isa't-isa.


"Wow sabay ha." natatawang tukso ko sa kanila.


"Gaya-gaya kasi ang isang 'to." turo ni Zane kay Damon.


"It's not me. Ikaw ang asungot dito." tugon ni Damon.


Ayan na naman magsisimula na sila.


"Hoy! Magsitigil nga kayo. Para kayong mga bata." naiinis na sabi ni Sky.


Tiklop sila kay Sky. Sabay pa nga silang napairap sa isa't-isa. Masyadong silang obvious.


"Zane, okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Sky.


"Oo naman. Okay na Okay." nkangiting sabi ni Zane.


"Ang ibig kong sabihin, okay ka na ba tungkol sa kapatid? Tanggap mo na di ba?"


Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now