12: Love War?

70 6 0
                                    

♡Sky POV♡

These past few days parang kakaiba ang ikinikilos ni Zane. Hindi ako sigurado kung tungkol na naman ba 'to sa kapatid niya pero kasi..... ahhh basta.


Parang.... ewan ko lang kung tama ako ha pero parang nagtatagisan sila Zane at Damon.


"Sky, masarap 'to promise. Tikman mo." sabay lagay ni Zane ng pagkain sa plate ko.


"Sky Masarap din 'to at makakatulong pa sa kalusugan mo." napalingon naman ako kay Damon na may nilagay din sa plate ko.


"Hindi Sky. Mas masarap 'yong binigay ko kanina." sabi ni Zane at kinuha ang pagkaing inilagay ni Damon sa plate ko.


"Nope. You should try this." may kinuha na namang bago si Damon. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila pati ata 'tong si Joy.


"Teka nga! Awat mo na kaayo boys ha. Hindi siya---I mean, hindi kami makakain ng matino dahil sa inyo. Pwede hayaan nating si Sky ang kumuha ng sarili niyang pagkain? Pwede? Hmmm... Pwede?" natawa ako sa pagsabi  ni Joy nun.


Nagkalingunan naman sila Zane at Damon.


"Pwede naman/Of course" sabay na sagot nila.


"Buti. Ngayon, happy eating *-*" nakangiting sabi ni Joy. Buti naman at tumigil silang dalawa. Hay!


Ilang minuto pa niyan, nararamdaman ko na tinatawag ako ng kalikasan.


"Ahmm... guys, excuse me lang ha. MagC-CR lang ako saglit."


"Samahan na kita." sabay na sabi nila Zane at Damon.


"Ano kayo? Loko-loko? Pupunta sa CR si Sky. CR ng mga babae?! Tumigil nga kayo dyan." napairap na lang si Joy.


"Joy, tama na. Zane, Damon, stay put lang kayo dyan. Kaya ko na, ok? Sige una nako." naku naman lalabas na. Tumakbo na lang ako papunta ng CR.


Hay Salamat nakaabot ako. Lumabas na ako sa cubicle at naghugas kamay nang marinig ko na may papasok.


"At last na solo rin kitang babae ka!" napalingon ako sa nagsalita. Sino 'to?


"Ahh bakit miss? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya. May galit ba 'to sa'kin?


"You don't know me? Seriously?!" dahan-dahan akong tumango. Ano bang problema ng isang 'to?


"Oh dear, let me introduce myself to you. I'm Zarina Flores, the one and only future wife of Damon." ow si Damon? Kaano-ano na naman  'to ni Damon?


"Tapos?" mahinahon kong tanong.


Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now