16: WARNING (2)

78 6 1
                                    

♡Zane POV♡

Nakakainis namang Damong 'yon. Demonyo talaga sya sa buhay ko!


"Zane, kumalma ka nga. Sorry na, okay? Hindi ko naman alam na susunduin pala siya ni Damon eh." masungit na sabi ni Joy sa akin.


Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari. Alam ko naman na wala siyang kasalanan. Nagpapasalamat nga ako sa kanya eh dahil isinama niya ako sa lakad nato.


At least mababantayan ko si Sky sa Damon na 'yon. Pati na rin si Joy. Masama talaga ang kutob ko sa Damon na 'yon eh. Para bang may gagawin siyang masama kay Sky.


Pamilyar talaga sa akin ang mga kilos niya towards Sky dahil hindi ko man aminin, nagkaganyan din ang mga kilos ko noon.


"Hooy Zane! Nakikinig ka ba?" nahinto ako sa pag-iisip ng bigla akong kinalabit ni Joy.


"Pasensya na. Ano ba 'yong sinasabi mo?"  baling ko sa kanya.


"Kanina ko pa sinasabi na nauna na 'yong sasakyan ni Damon sa atin." 


"ANO??!" bigla akong napapreno sa sinabi niya at dali-daling lumabas para kompermahin na wala na ang sasakyan ni Damon sa likod namin.


Tanginaa! Wala na nga ang sasakyan ng loko!


"Ano ba Zane! Magdahan-dahan ka nga. May kasama kang babae oh tsk. Ayan kasi hindi nakikinig sa akin. Lutang pa more." nang-iinis na sabi ni Joy.


Inis na pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ito agad.


Anoo bang balak mo DAMON KA!


Hindi ko na pinansin ang bunganga ni Joy. Binilisan ko kasi ang pagpapaandar ko sa kotse. Humanda ka talaga sa'kin demonyo ka! kung may ginawa kang masama kay Sky.


Ilang minuto pa'y narating na namin ang bar.


Natatanaw na rin namin ang sasakyan ni Damon sa labas ng bar. Akala ko wala ng tao sa loob pero nandon pa rin sila. Nauna akong bumaba sa kaysa ni Joy at mabilis na lumapit sa sasakyan ni Damon.


Napahinto ako na matanaw ko kung anong ginagawa nila sa lood ng sasakyan o di kaya sabihin natin kung ano ang ginagawa ng demonyong Damon na 'yon kay Sky.


Nang mas nakalapit ako, biglang nagdilim ang paningin ko.


"HOYY!" hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero alam ko sa sarili ko na matinding galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.


Malakas kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Damon at hinila si Sky palabas nito.


TAANG**NA!! NIYAKAP NG DAMON NA 'YAN SI SKY!! AT SA AYAW KO SA LAHAT, 'YONG GINAGALAW ANG TAONG GUSTO KO!!

Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now