19: Stay Away

46 6 1
                                    

♡Zane POV♡

Halos takbuhin ko na ang comfort room dahil sa sakit ng ulo ko. Tang*na bakit ngayon pa?!


Alam ko talaga sa sarili ko kung ba't ako nagkakaganito at hindi ko hahayaan na mas magiging malala pa to sa mga susunod na araw.


Ba't ngayon ka pa bumalik ha?! Wrong timing ka talaga bwisitt!!


Nilock ko agad ang pinto ng cr para walang makapasok na iba.


"Tumigil ka!" madiin na sabi ko sa sarili ko. Kitang-kita ko siya. Bumalik talaga siya.


"Akala ko wala ka na! Ba't ka bumalik?! Ha!"


"Dahil may nagugustuhan ako at wala ka ng magagawa. Gagawin ko ang lahat para mabakuran ko siya!"


"AAHHH! Tumahimik ka! Ako lang ang pwedeng magdikta sa katawang 'to!" kainis naman! Sana hindi na ako bumalik dito.


"Ang katawang ito pero hindi ako! Kung ako sayo Zane, just stay away from this mess dahil hindi ako titigil sa pagbabakuran sa kanya. Huwag mo kong kalabanan. Wag mong kalabanin ang sarili mo." halos mainis ako sa taong nasa salamin. Naiinis ako sa mukha niyang nagsmismirk tsk.


"Gagooo kaa!! Ikaw ang lumayoo sa amiinnn!! Hindi ka kailanman mag-eexist sa mundo 'to!" sigaw ko ng matindi sa kanya. Hinagis ko sa salamin ang nahawakan kong maliit na vase kaya ayon nabasag. Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa nagawa ko.


"Sir? Sir ayos ka lang po ba? Ano po 'yong nabasag??" tawag ng staff sa akin.


Bumuntong-hininga mo na ako bago lumabas.


"Sorry nabasag ko 'yong salamin niyo. Magbabayad na lang ako sa ginawa ko." sabi ko sabay bigay ng pera. Hindi naman nakaimik si ate.


Diri-diritso akong lumabas sa Cafe Shop na 'yon. Narinig ko pa ngang tinawag ako ni Joy pero hindi ako nakinig.


"Hoy CARTER!" napalingon ako bigla sa sigaw ni Joy.


"Kupal ka talagang lalaki ka! Iiwan mo na lang ako ganun?! Okay lang naman na sa akin na iwan mo ko pero dapat nagpaalam ka tsk. Wow lang ha... parang hindi tayo magkaibigan hmph." pagsusungit niya sa akin. Nahiya naman ako bigla sa inasal ko sa kanya.


"Pasensya na Joy. Nagmamadali lang ako baka kasi hinahanap na ako ni mama. Alam mo na natruama na ata sa nangyari sa kapatid ko." paliwanag ko sa kanya. Nakta ko naman na nagbago ang expression ng mukha niya na parang naaawa sa nanay ko.


"O sige. Mag-ingat ka ha." paalam niya sa akin.


"Ikaw din. Mag-ingat ka." tumalikod na ako pagkasabi ko nun.


Kailangan ko talagang mag-ingat, hindi para sa sarili ko kung hindi para na rin sa mga taong malapit sa akin, mga kaibigan ko at laong-lalo na si Sky.

Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now