26: Her Future

46 3 1
                                    

Long update piipsss~ 😁 Enjoy! LOVELOTS  ❣

- Miss Nik😘


♡Art POV♡


Hindi ko maalis sa aking isipan yung nabasa ko sa papel.


Totoo ba 'yun?? (⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)


Kanino galing 'yun?? Kay S-Sky ba??


"*pheww* Huwag kang mag-asume Art. I-Impossible naman n-na galing yun ka-kay S-Sk-Sky." kausap ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway.


Tapos na naman ang mga klase ko ngayon. Pupunta na ba ako dun??


T-Te-Teka di naman siguro ako e-excite-ted?? 


Tinignan ko ang relo ko at maaga pa naman. Siguro di pa tapos ang klase ni S-Sky?


Nggiieeks... wag ka sa-sabing mag-asume eh??
(>﹏<)


Makapunta na nga lang sa Library. Magbabasa na lang ako ng mga lessons namin para may maisagot ako kung magsurprise test yung prof namin.


Kakarating ko lang sa Library na pansin ko na maraming estudyanteng papasok sa loob.
May klaseng bang nagaganap sa loob??


"Oyy ART!" napatingin ako sa tumawag sa akin.


S-Sky?? °_°


Kumakaway siya s-sakin!! ♡//♡


Kakaway na sana ako nang bigla siyang pumasok sa loob ng Library. Ang bagal mo kasi ( ̄  ̄|||)


Papasok na sana ako sa loob ng biglang may naramdaman akong tumama sa ulo ko.


Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong maliit na bato sa sahig.


Sinong nagbato nito?? Si Damon ba??


Pero impossible... nagkaayos na kami magmula nung natalo ko siya sa chess.


Pero kung hindi si Damon, sino??


Palinga-nga ako sa paligid para hanapin ang nagbato pero wala akong mahanap na tao na kakilala ko. Sabagay kunti lang naman talaga ang mga kakilala ko dito.


Hindi siguro sinasadya nung taong nakabato nito kung sinuman siya.


Hayyy.... Makapasok na nga lang.


Hihiram na lang ako ng books na related sa lessons namin at dun na lang ako sa bahay mag-aaral.


Malapit na rin kasi mag 6. May imemeet up pako mamaya.


Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now