17: Observation

43 5 1
                                    

♡Zane POV♡

Dahil sa mga nangyari kahapon sa bar, mapapansin mo talaga ang pag-iwas ni Sky kay Damon.


Umuwi kasi agad kami nong gabing 'yon para makapagpahiya na si Sky sa kanila.


Buti na rin nagising na si Sky sa katotohanan na hindi mabuting tao sa Damon. Hindi ko rin naman siya masisisi na kaibigan ni Damon dahil una pa lang mabait na ito sa kanya.


'May chance ka na kay Sky. Wala ka ng karibal sa kanya.'


"No!" napasigaw ako sa narinig kong bulong sa sarili ko.


"Zane? Ayos ka lang?" napatingin ako sa tanong nagtanong sa akin. Napatingin din ako kay Joy na parang naghinhintay na sagutin ang tanong ni Sky.


"Oyy ayos ka lang ba?" tumango lang ako sa mga tanong niya.


"Maiba ako. Girl buti iniiwasan mo na 'yong Damon na 'yon. Grabe ang lakas pa lang ng tama niya sa'yo. Kung nahuli pa kami ng dating ni Zane, baka kung ano ng nangyari sa'yo sa kamay ng gagong 'yon." mahabang sabi ni Joy sa amin habang kumakain.


Nandito kasi kami ngayon sa canteen ng school kumakain ng lunch.


"Thank you talaga sa inyong dalawa ni Zane pero Zane, ano bang nangyari sa inyong dalawa ni Damon nung pumasok kami sa loob ng bar?" biglang tanong niya sa akin.


"Oo nga Zane. Bago kami pumasok sa bar, ang tense na ninyong dalawa ni Damon sa labas. Ano? Nagsuntukan ba kayong dalawa?" excited na sabi ni Joy sabay tingin sa akin.


Psh... kung nagkataon na umabot kami sa suntukan, kawawa ang mokong na 'yon *smirk*


"Wala. Hindi ako nagpadala ng masyado sa galit ko noh baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Pamangkin pa naman siya ng Dean dito." kalmadong sagot ko sa kanila.


"Buti naman Zane. Sige na bilisan na natin baka malate pa tayo sa mga klase natin." sabi ni Sky bago niya tinapos ang kinakain niya.


Nang aalis na kami, biglang sumulpot si Damon sa mismong harapan ni Sky.


"Sky, Can we talk? Pleasee just a minute." napatingin naman bigla si Sky sa amin ni Joy na parang humihingi ng tulong.


Kapal ng mukha ng lalaking 'to! Ang lakas ng loob talaga ng gag*ng 'to! Naku... umiinit ang ulo ko nito sa wala sa oras.


"Bahala ka na dyan girl." rinig na bulong ni Joy kay Sky.


Magkatabi lang kasi kami ni Joy kaya narinig ko siya. Bumaling naman sa akin si Sky. Siguro nga kailangan nilang mag-usap.


'Huwag! Ba't mo hahayaan ha?! Baka maaga-'


Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now