3: Rejected

193 10 30
                                    

♡Sky POV♡

Ilang araw na ang nagdaan at parati akong binibigyan ng bulaklak nung lalaking mahangin. Ewan ko kung ano ang pangalan nun. 


Hindi ko alam kung anong trip nung lokong 'yon. Feel na feel niya sarili niya.


"Sky, may bulaklak ka na naman doon sa locker mo. Ang tindi rin nung playboy na 'yon ha." bungad sa akin ni Joy. 


Ilang araw na rin ang lumipas, naging close na kami ni Joy. Siya 'yung palaging kumukuha ng bulaklak sa locker ko.


Akala ko yung lalaki nung first day ko sa school ang naglalagay sa locker ko ng mga bulaklak pero hindi pala.. Paano ko nasabi?? Isang araw kasi inabangan namin ni Joy sa locker yung lalaki and ayun, dun ko nalaman na yung mahinging ewan ang naglalagay.


Ewan ko ba sa playboy na 'yun. Akala siguro niya sasagutin ko siya.. 'Pwes nagkakamali siya. Ano ako loka-loka? Magpapauto lang sa kanya?? Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko sinabing ligawan niya ko noh.


"Oy Sky, wala ka bang balak sagutin 'yun? Baka nagbago na talaga ang lalaking 'yon." tanong ni Joy sa'kin. Napatingin naman ako sa kanya.


"Alam mo kahit anong sabihin niya na nagbago na raw siya, hindi ako magpapauto dun. Ganito kasi yan Joy, kung ano ka talaga sa simula, kahit balikarin mo ang mundong ibabaw, hinding-hindi mo 'yan mababago dahil 'yun yung kokompleto sa pagkatao mo--natin kaya huwag ka kaagad maniniwala sa isang tao na nagsasabi na nagbago na sila dahil kailanman, hindi nila mababago kung ano talaga sila." seryosong sabi ko.


"Wow Sky ang haba nun pero may point ka naman. Salamat ha at least ngayon aware na ako hahaahhaha."


"Pero tandaan mo, hindi lahat ng lalaki, hindi kayang magbago. Kung seryoso siya sa'yo, kahit nahihirapan siyang magbago, gagawin at gagawin niya pa rin alang-alang sa'yo." paalala ko sa kanya.


"Sky? Umamin ka nga? Brokenhearted ka ba o lalaki ka noon?? Ba't parang naging love expert ka ngayon or di kaya naging expert ka sa mga lalaki?" napatawa na lang ako sa reaksyon ng mukha ni Joy at sa mga tanong nito.


Dapat ba munang maging brokenhearted bago magpayo tungkol sa love-love na 'yan??


Hindi na ako nakasagot sa mga tanong niya dahil pumasok na 'yung prof namin. Sa dalawang subject kami magkaklase at isa ito sa mga 'yon.


Walang nagawa si Joy kung hindi ang makinig na lang kay prof pero sinenyasan niya ako na mamaya raw dapat sagutin ko 'yong tanong niya. Big deal ba talaga sa kanya 'yong sagot ko sa tanong niya??


___________________

Nang matapos na ang klase namin, agad akong nilapitan ni Joy.


"Ano na??" excited na saad ni Joy.


"Hindi ang sagot ko sa lahat ng tanong mo kanina. Kailan bang maging brokenhearted para maging expert sa love?? Hindi naman siguro ganun..." may sasabihin pa sana ako nang biglang may tumili sa labas ng classroom namin.

Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now