11: Shoulder To Cry On

81 6 0
                                    

♡Zane POV♡

Maaga akong nagising kasi gusto kong agahan ang pagpunta ko sa school at nagbabasakaling may makita ulit akong ebidensya sa pagkamatay ni Heart.


Pero kahapon talaga, puro muntik na. Muntik ko ng matulungan si Heart sa kaso niya pero nabigo ako.


Muntik na rin ako kahapon kay Sky at Damon. Ewan ko baka natriggered lang dahil kay Damon. Basta! Huwag na nating pag-usapan.


Pero hindi ko talaga titigilan ang kaso ni Heart.


Gusto kong malaman kung ba't o sino ang pumatay sa kanya. Ang bagal kasi ng mga police. Hindi ko naman kayang maghintay na lamang. Kapatid ko 'yun at namatay siya ng dahil sa akin.


Sorry talaga bunso. Hindi kita na tulungan *sobs*. Tae naman nito, naiiyak na naman ako.


Nakarating na ako sa school at nagsimula na naman akong maghanap ulit na maaaring makatulong sa kaso ng kapatid ko.


Habang naghahanap ako, nakita ko na kararating pa lang ni Sky. Nakita ko naman na paparating siya sa gawi ko.


"Oh Zane ang aga mo ngayon ha. Ano bang ginagawa mo diyan?" huminto muna ako saglit at hinarap siya.


"Ahh naghahanap lang ako sa paligid ng mga ebidensiya na maaaring makatulong sa kaso ng kapatid ko." itinuloy ko na ang ginagawa ko.


"Nasabi na rin sa akin ni Art ang nangyari kahapon. Tulungan na lang kita." tumango naman ako sa alok niya.


"Sino kaya ang naglinis noon?" nagtatakang tanong ni Sky. Siguro 'yong dugo ang tinutukoy niya.


"Hindi ko nga alam eh. Ang bilis naman ata nalinis noon. Humanda talaga sa akin ang may gawa nito sa kapatid ko!" naramdaman ata ni Sky na nagalit ako kaya ayun siya hinahagod ang likod ko para makalmahin ako.


"Kumalma ka Zane. Sigurado ako na malulutas din 'yang kaso ng kapatid mo. Wala ka bang napansin na parang may sumusunod o nagmamasid sa'yo kahapon habang naghahanap ka ng ebidensiya?" napaisip naman ako sa tanong ni Sky.


"Wala naman akong napansin na may nakamasid sa akin. At isa pa, bakit naman may magmamasid sa akin?"


"Ewan ko baka may alam 'yong taong nagmamasid o sumusunod sa'yo sa nangyari sa kapatid mo pero sabi mo nga di ba? Nawala namang nakamasid sa'yo kahapon." may punto si Sky. Wala nga bang nakasunod sa akin kahapon? Baka naman meron pero hindi ko lang pinansin.


"Zane..." nakakainis talaga! Pabaya talaga akong kuya! Hindi man lang ako nakiramdam sa paligid kong may sumusunod sa akin o nakamasid.


"ZANE!" napatigil ako at napalingon kay Sky.


"Mamaya na lang natin 'to itutuloy. May klase pa tayo oh. Pangako tutulungan ka namin ni Joy at pwede rin natin isali si Art at Damon para mas malaki ang tyansa natin na makakita ng clue o di kaya mga ebidensya na makakatulong para mahuli ang pumatay sa kapatid mo." napatango na lang ako sa sinabi ni Sky.

Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now