18: What Ifs?

32 6 1
                                    

♡Sky POV

Ano kaya ang nakalimutan ni Joy? Sa totoo lang, ngayon lang niya ako hindi hinatid sa part-time job ko. Concern siya sa'kin eh. Nag-aalala lang siguro 'ron dahil sa mga nangyayari sa school. 


Sana lang talaga hindi malaman nila dad and mom 'yong mga nangyayari sa school kung hindi, sigurado akong may gagawin sila.


What if ipapasara niya ang school na 'to? What if hindi na sila papayag sa kagustuhan kong mamuhay ng mag-isa kasama si 'nay Nancy? 


Hayy nako... puro na lang ako what if. Magfocus mo na ako sa trabaho ko ngayon nang sa gayon makauwi na ako ng maaga para makapag-aral ng kunti.


Mahigit dalawang oras din akong nagtratrabaho rito. Actually madali lang naman kasi kukuha lang ako ng mga order ng mga customers minsan din naghahatid ako ng mga order. 


"Sige po boss. Mauna na ako. Kailangan pang mag-aral eh. Alam n'yo na." paalam ko sa may-ari ng mini cafe. 


"Oh sige hija. Mag-ingat ka ha. Ako ang malalagot kapag hindi." tumango lang ako at ngumiti bago umalis. Ang weird lang kasi hindi ko masyadong narinig 'yong huli niyang sinabi. Masyadong mahina eh baka nagpasalamat lang si madame.


Malapit lang sa bahay namin ang pinagtratrabahuan ko kaya napagdesisyunan ko na maglakad na lamang. Wala naman sigurong mangtritrip sa akin. Sana nga uhuuhhuh...


 Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko na parang may nakasunod sa akin. Wrong timing naman oh... wala akong pangdefense ngayon. 


Sana magbago ang isip ng sino mang sumusunod sa akin. Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral uhuuhuhuh...


Todo dasal na ako habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. 


Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Ano ba 'to? Napakadelikado na talaga ng mundo pero Lord gabayaan niyo ako at ilayo sa mga masasamang elemento at tao.


Natuwa ako ng marating ko ang bahay namin na hindi napapahamak. 


"WOOH... Grabe. Hanggang ngayon kinakabahan ako." dali-dali ko naman nilock ang pinto.


"Oh i-"


"Ayy kalabaw!" napasigaw naman ako biglang ng may magsalita sa likod ko.


"Naku 'nay pasensya na po kung nasigawan kita. Kayo kasi eh, bigla na lang kayo sumulpot dyan sa likod ko." sabi ko kay 'nay Nancy. Nakonsensya ako sa pagsigaw ko sa kanya. 


"Ano ka ba ija... Bakit pawis ka ata? May humahabol ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni 'nay Nancy sa akin habang iniikot ako. 


"Ang weird kasi po 'nay. Parang may sumusunod sa akin habang papauwi ako kaya ayun halos takbo-lakad na ang ginawa ko." paliwanag ko. Baka kung anong maisip ni 'nay Nancy at ayokong mag-alala siya sa akin.

Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now