14: Hadlang

74 4 0
                                    

♡Damon's Tito POV♡

Matinding takot ang naramdaman ko kahapon.


Buti na lang at hindi sinaktan ni Damon ang sarili niya. Kailangan ko na siguro siyang dahil sa hospital at mapatingnan ulit pero sigurado naman akong hindi agad papayag 'yon.


"Ba't ba nagkakaganito ang anak mo Daniel? Ang hirap controlin. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari lalo na sa babaeng gustong-gusto niya." kausap ko sa larawan ng kapatid ko na nasa akong harapan.


Nagpakamatay siya dahil sa depress. Hindi ko alam ko kung bakit o anong bagay ang nagpadepress sa kanya.


Nakita na lang namin na nakahiga siya sa sahig na bumubula ang bunganga. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matukoy kung ano ang ininom niya.


Sinabi kasi ni Damon na ilibing na lang siya agad kaya ayun, matapos malinis ang katawan ay inilagay agad ito sa kabaong. 11 years old lamang si Damon ng mga panahong 'yon.


Napapansin ko na matanda na kung mag-isip si Damon ng mga panahon na 'yon at ilang araw lang ang nakalipas ng mapansin kong parang maoobsess siya sa isang bagay.


Hay Damon. Isa lang talaga ang dapat kung gawin. Ang ilayo si Ms. Marquez sa'yo.


Ikaw mismo ang magiging malaking hadlang para mailayo ko siya sa'yo pero gagawin ko talaga ang lahat para mailayo ko sa iyo si Ms. Marquez. Sana maintindihan mo ako Damon sa gagawin kong ito. Ginagawa ko lang ito dahil natatakot ako sa maaari mong gawin sa akin at sa sarili mo kung sakaling mangyari 'yon.


Bukas na bukas din... kakausapin ko mismo si Ms. Marquez.


♡Zarina POV♡

Nakakainis! Ba't ba lapit nang lapit si Damon kay Sky? Andito naman ako eh. Pasalamat ang babaeng 'yon dahil hindi ko pa siya tinutumba.


Alam ko naman na wala siyang gusto kay Damon pero 'tong si Damon na 'to, meron! Ano bang meron sya na wala ako ha?! Sa katunayan, mas maganda ako sa babaitang 'yon!


KUMALMA KA MUNA PWEDE!


Kailangan mailayo ko na agad ang babaeng 'yon pero paano! Kung si Damon din ang hahadlang sa balak ko. Dapat siguraduhin ko muna na distructed siya sa isang bagay o di kaya sa isang tao.


"Ahh! Bwesit! Magdahan-dahan ka nga!" sigaw ko sa lalaking bumangga sa akin.


"So-Sorry Ms. Za-Zarina!" nauutal na sabi niya. Napatingin ako sa kanya dahil sa pangungutal niya.


Wait a minute... Ito yong lalaking palapit rin sa babaeng 'yon! Sa pagkakaalam ko, may gusto to sa babaeng 'yon!


"Excuse me.. Art ba pangalan mo? Di ba close kayo ni Sky? Ha?!" pagtataray ko sa kanya.


"O-Oh, Ba-Bakit?" napatayo sya ng maayos at kitang-kita kong natatakot sya sa akin.


Battle of OBSESSION (Disorders Conflict) #RosesAwardsJune2019 | ❌Where stories live. Discover now