Chapter 5

32.9K 693 118
                                    

A/N: Ok, dahil wala pa kong maisip sa FFMMM and CMIF, eto muna ulit yung iuupdate ko. Matutulog muna ako para mapanaginipan ko si Coco Martin.

Enjoy guys :) CIAO!

=============================================================================

KLARISSE'S POV:

"Klarisse! Klarisse! Klarisse!" narinig kong tawag ni mama. Napatakbo agad ako sa labas!

Hawak-hawak ni mama yung dibdib nya at humihingal ng makita ko sya.

"Ma! Bakit po? Anong nangyari? " nag-aalalang tanong ko dito.

"S-si Maybelle—" hindi ko na sya pinatapos. Umiyak na agad ako sa harap nya. Oh my gosh! Kahit naman lagi kong inaaway yung pinsan ko na yon, mahal ko pa rin naman yon! Hindi ko ata kakayanin pag nawala sa buhay ko yung parrot na yon. Sino na lang yung sasaktan ko? Yung sisigawan ko? Yung uutusan ko?

Nanghihinang napaluhod ako sa sahig.

"Ma anong nangyari kay Maybelle? Patay na ba sya? Anong oras dadalhin dito yung katawan nya?" umiiyak pa rin na sabi ko dito.

"Huh?" naguguluhang tanong ni Mama. "Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Sabi nyo po patay na si parrot?"

Sukat don ay bigla akong pinaghahampas ng nanay ko. Ngayon alam nyo na kung kanino ako nagmana?

"Aray naman Ma! Bakit po ba? Nalulungkot lang naman kasi ako"

"Hindi naman kasi yun yung ibig kong sabihin eh. Pinatay mo naman agad yung pinsan mo"

"Eh bakit po ba ang OA ng sigaw nyo tapos humahangos pa po kayo papunta sakin"

Bigla namang nagliwanag yung mukha ng nanay ko.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko anak" sabi pa nito.

Bigla ko naman itong tinalikuran.

"Hoy Klarisse! San ka pupunta?"

"Sa kwarto ko po. Eh sabi nyo po hindi naman ako maniniwala sa sasabihin nyo, so bakit pa po ako makikinig?" Tama naman ako diba? Kung hindi rin naman pala kapani-paniwala, wag na lang pakinggan. P.S. ganito lang po talaga kaming mag-usap ng nanay ko pero mahal na mahal ko po yan. Kami na lang kasing dalawa yung magkasama ngayon. Yung Papa ko, sumakabilang bahay na, ewan kung nasan na sya ngayon pero kebs ko. Basta masaya kaming dalawa ng nanay ko ngayon.

Pinaghahampas na naman nya ako ng mga dala nyang gulay. Umiwas lang ako ng hawakan nya yung upo. Aba masakit yun no!

"Makinig ka kasi muna sakin." sabi pa nito. "Si Maybelle kanina, kasama si Jordan Martinez sa bakeshop natin. At napag-alaman ko din na sila pala yung nakatira dyan sa dating bahay ng mga ninong mo" masayang sabi nito.

Tumingin lang ako sa kanya. Yun na yon?

Takang-taka naman itong tumingin sakin. Siguro ineexpect ng nanay ko na magtatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi nya. Hindi ba nya alam na ilang beses ng pumunta sa bahay namin yung kambal? Sabagay, di ko naman talaga nakkwento sa kanya eh.

"Wala ka man lang reaction?" tanong nito.

"Ah ok" tumango-tango pa ako.

"Yan lang? Si Jordan Martinez yun anak, yung magiging son-in-law ko" sabi pa nito. Oh diba? sabi ko naman sa inyo eh, ako talaga ng magiging asawa ni Jordan. Kitams, pati nanay ko bet na bet.

"Ma naman kase, huli na kayo sa balita, ilang beses na po kasing nakapunta dito si Jordan. At dalawang beses na din po akong hinimatay sa harap nya"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon