Chapter 12

25.2K 547 45
                                    

A/N: Hay salamat, nakabuo din ng update ngayong araw. Kala ko hindi ako makakapagpost eh.

Enjoy guys! Labyu all!

=============================================================================

KLARISSE'S POV:

"Ready ka na Klang?" tanong sakin ni Maybelle habang may hawak na lagari.

"Para san yan?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Ano na naman kayang kashungahan yung pumasok sa isip nito ngayon.

"Eh diba sabi ni lola, kailangang patakan ng dugo mo yung gayuma?"

"O anong konek non sa hawak hawak mong lagari?"

"Malamang eto yung gagamitin natin para masugatan ka" sabi pa nito with a 'duh' expression.

Ngumiti naman ako sa kanya at unti-unti ko syang nilapitan.

"Oo nga naman, ang tanga ko lang eh no? abot mo na sakin yan bilis" nakangiti ko pa ring sabi sa kanya.

Nakangiti naman nyang iniabot sa akin.

"Ngayon, umalis ka muna sa harap ko" sabi ko pa sa kanya.

"At bakit naman?" mataray nyang tanong.

"Kase baka hindi ako makapagpigil at mapaslang kita gamit tong lagaring to! Leche ka! Ang sabi ni lola, tatlong patak ng dugo lang, tapos eto gagamitin mo sakin?"

"Huh? Eh sabi mo kase ikuha kita ng matalas na bagay eh"

"Oo nga, pero sana ginamit mo yang utak mo at naisip mo na daliri ko lang naman yung susugatan ko at wala naman akong balak lagariin yung buong braso ko!"

"Ah, hindi mo naman kasi agad sinabi sakin"

Nakakagigil talaga tong parrot na to. Minsan ok syang mag-isip, minsan naman parang abnoy lang! Eh kung gamitin ko kaya tong lagaring to para gilitan sya ng leeg?!

"Umalis ka muna sa harap ko at ikuha mo ko ng blade sa labas, dahil pag hindi ka pa umalis ngayon, uuwi ka sa inyo ng walang ulo"

Pagkasabi ko non ay agad naman itong nanakbo palabas. Napahawak naman ako sa noo ko. Nakakaloka talagang parrot! Imbes na makatulong sakin, nakakaperwisyo pa.

Agad ko namang hinanap yung papel na inabot sakin ni lola ganda. Sabi nya, kailangan ko daw basahin tong orasyon na yon habang pinapatak ko yung dugo ko.

Enebenemen to! hindi ko maintindihan.

Iniabot agad sakin ni Maybelle yung hawak nyang blade pagpasok nya.

Napapikit ako sa hapdi nung sinugatan ko yung daliri ko.

"Masakit couz?" nakakastress na tanong ni parrot.

"Ay hindi sya masakit parrot, halika lumapit ka, lalaslasin ko yang pulso mo" patience Klarisse, patience.

"Tse! Nagtatanong lang eh"

"O sya tumahimik ka na, kailangan ko ng tapusin to bago ko maubusan ng dugo."

Agad ko namang binuklat yung papel ng orasyon.

"NEMINE TRITARUM ADITA CHRISTUM SUMATUS TUISUT. Susunod ka sa lahat ng nais ko, ako ang laging nasa isip mo at ako ay iyong mamahalin habang buhay. ESAELE ERKIMI SAULO KIMI SAULO." Sabay patak ng unang dugo.

"DEUS DEUS SERCUM DATE MATAM ICUMHIS OMINOS BENITE BENIT ADME MULLEP EGOSUM OPIO MABITAMARI NOT NOM NON NIAC AC BIAC." Pangalawa.

"ACTUM ACTUM ERIGO LITIM ISUM KRISTUM LIVERA MIA MALO EGOSUM. Amen. +++" pangatlo.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon