Chapter 37

21.9K 582 26
                                    

A/N: Shanshananan!! Sabi ko naman sa inyo ittry kong mag-update eh. O eto na, pagkagising ko, nag-isip agad ako ng pwedeng iupdate ngayon. Buti na lang may pumasok sa isip ko, hahahaha!

Salamat din pala sa mga laging nagbabasa at bumoboto sa story ko na to, grabe, paggising ko kanina, #16 na sya sa humor at #30 sa romance! Yehey! Dahil yun sa inyo guys! Salamat ha :)

O sya sige, ienjoy nyo na lang tong chapter na to. Sa wakas, makakapagbreakfast na ko. hahahaha!

Enjoy guys! I love you! CIAO!

=================================================================

KLARISSE'S POV

"O tapos na kayo?" mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanilang tatlo.

"Actually, hindi pa, naawa lang kami sayo" nakangiting sabi naman ng hinayupak kong girlfriend.

Sukat don ay tiningnan ko silang tatlo ng masama.

Oo, halos 30 minutes nila kong kiniliti. Feeling ko kanina, mamamatay na ko sa kakatawa at kakaiyak. Mukhang baliw lang. Halos hindi na nga ako makahinga kanina pero sige pa rin sila ng sige sa pagkiliti. Ilang beses akong nagmakaawa na itigil na nila pero wala eh, para silang mga walang naririnig kanina. Tapos ngayon, habang naiiyak ako, tumatawa lang sila?

Saka bat ako ba yung ginaganito nila? Dahil takot sila sa nanay ko? Dapat si Mama yung kiniliti nila no! Si Mama naman yung nanakot sa kanilang tatlo eh. Hindi ko naman kasi inakalang ganun yung gagawin ni Mama, ang sabi ko lang sa kanya kanina, baka pwedeng kunwari ayaw nya sa relasyon namin ni Justine, gusto ko kasing malaman kung ipaglalaban nya ko. Maarte ako eh, bakit ba?! Eh ang kaso mo si Mama, ayun, ang galing umarte, parang 'Gina Alajar' lang ang peg. At may palayas-layas epek pa ha!

"Anong nginingiti-ngiti nyo dyan? Masaya na kayo?"

"Sino bang nauna?" tanong ng mahaderang si Maybelle.

"Nagsorry na nga ako diba? At saka sinabi ko lang naman kay Mama kanina, magkunwari lang na hindi sya payag sa relasyon namin ni Justine. Wala akong sinabing takutin nya kayo ng ganon. Dapat nga sya yung kiniliti nyo eh!" inis na sagot ko sa parrot.

"Aba naman anak, sakin mo pa binunton yung sisi ha" sabi ni Mama. Aba nandito pala sya at nanonood lang pala sa ginagawa sakin ng tatlo.

Nakakaiyak talaga yung concern sakin ng nanay ko. Halatang mahal na mahal ako at ayaw akong masaktan eh. Syempre may pagkasarcastic yon.

"Pano kase Ma, hindi mo naman sinabi sakin na nagworkshop ka pala sa starmagic!"

Bigla naman itong natawa.

"Tsk tsk tsk Klarisse, hindi ka naman kasi nagtatanong eh. Bago kita ipanganak non, naging extra-extra ako sa mga pelikula"

"Weh?" syempre hindi ako naniniwala. Nanay ko yan eh, alam kong palabiro din yan.

"De joke lang! Pero guys, sorry kanina ha, lalo na sayo Justine. Hindi ko naman alam na may angking kagalingan pala ko sa pag-arte eh." O diba, ang humble din.

"Ok lang po yun Tita." Nakangiting sagot ni Justine.

Wow ha, pag kay Mama, tiklop sya, parang anghel na walang gagawing masama. Samantalang halos mapatay na nila ko kanina. Tssss!

"O hala, kainin na natin yung mga bi-nake ni Klarisse para sa inyo. Anak, tulungan mo kong maghanda dito bilis"

"Ma, hindi na daw sila magdedessert, uuwi na sila" sabay tingin ng masama sa tatlo.

Nang mapansin kong nagkatinginan na naman sila at nagtanguan, agad na kong tumayo at lumakad papunta kay Mama.

"Oo na! Dyan lang kayong tatlo! Tse!"  inis kong sabi sa kanila.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon