KLARISSE'S POV:
"O tapos ngayon, sisilip-silip ka dyan! Matapos mo syang itulak palayo sayo"
Tiningnan ko ng masama si parrot. Bakit ba ang aga-aga eh nandito na naman sya. Makikikain na naman sya ng almusal dito sa bahay, tapos ano? Kung anu-ano na naman yung sasabihin nya dahil sa ginawa ko kay Justine. Bakit? Tama naman yung ginawa ko diba?
"Pwede ba parrot, kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang! At wala akong sinisilip, hinihintay ko lang yung nagdedeliver ng gatas"
Bigla naman itong natawa.
"At kelan ka pa uminom ng gatas Klang?"
"Well, hindi yung gatas yung hinihintay ko, yung nagdedeliver!" pagdadahilan ko dito.
"Huh? Yung manong na kalbo saka yung bungal? Sya na ba yung bago mo ngayon? Kadiri lang Klang ha! So pagkatapos ni Jordan at Justine, si manong naman yung gusto mong jowain?!" diring-diring sabi nito sakin.
At dahil sadista ako, binatukan ko lang sya. Ang daming tanong! Ang ingay-ingay! Ang lakas pa ng boses. Papano kung marinig sya ni, ugh nevermind. Ayoko ng banggitin yung pangalan nya, nasasaktan lang ako.
"Alam mo Klang, nakalimutan na ni JT lahat, ilang araw na rin nung ininom nya yung antidote diba?"
Lalo naman akong nasaktan sa huling sinabi nya. Oo nga, nakalimutan na siguro ni Justine na minahal nya ko. Nakalimutan na nya yung sinabi nya sakin na hindi nya ko iiwan. Oh well, kasalanan ko din naman, ginusto ko to, dapat pangatawanan ko.
"Hindi ko alam parrot. Hindi ko alam kung kaya ko pa syang harapin pagkatapos ng nangyari"
"Dahil mahal mo sya? At masasaktan ka kapag narinig mo mula mismo sa kanya na wala na syang nararamdaman para sayo?"
"Psh! Nah! Wala akong pakelam kahit wala na syang gusto sakin. Eto naman talaga yung gusto ko eh. Para makapagfocus na rin ako kay Jordan!" Oo na, ako na denial queen. Walang basagan ng trip!
"Wooshoo! Jordan ka dyan! Eh lagi kang niyayaya nung tao para makipagdate sa kanya, ikaw naman si tanga, lagi mong sinasabi na masama yung pakiramdam mo!"
"Eh masama naman talaga yung pakiramdam ko non!"
"Tatlong beses ka nyang niyaya, tatlong beses ka ding nagdahilan?!"
"Pwede ba parrot tumahimik ka na lang! Ang dami mong alam!"
"Pano naman kase, sasabi-sabihin mo na ibabaling mo kay Jordan yung nararamdaman mo, pero hindi mo naman ginagawa. Puro Justine Justine Justine pa rin yung nasa isip mo. Aba, nagulat nga ako na tinanggal mo na yung human-sized poster ni Jordan sa kwarto mo tapos napalitan na ng poster ni JT!"
Agad ko namang isinubo sa kanya ang isang buong tinapay. Ang dami kasing sinasabi. Kanina pa ko naririndi sa kanya.
"Kumain ka na lang parrot! Wag ka ng magsalita!"
"Ong sodosto mo nomon!" halos nabubulunan na sabi nito.
"Dapat lang yan sayo para tumahimik ka! Ang dami mong satsat!"
Sabi ko sa kanya at pagkatapos ay sumilip ulit sa may bintana.
Ganun na lang yung kabog ng dibdib ko ng makitang papalabas na sa bahay nila sila Jordan at Justine. Nagtatawanan yung dalawa kaya napangiti ako ng makitang masaya si Justine. Well nakakalungkot lang na hindi ako yung dahilan kung bakit sya masaya ngayon pero at least, masaya sya. Ok na sakin yon.
Nagulat ako ng biglang mapatingin sakin si Jordan at kumaway.
"Hi Klarisse" nakangiting bati nito.
"Hello" sabi ko na lang dito.
BINABASA MO ANG
Under my spell
RomanceAno nga ba yung gayuma? -Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inih...