A/N: Nakakaloka, baka mas mauna ko pang matapos to kesa sa FFMMM ah! Joke lang. Mamaya try kong iupdate yung isang story ko. Sana lang hindi ako kulitin ni parrot pagdating nya. ^___^
Hoy baby girl! Magtino ka! Susuntukin kita pag hindi ka tumino! Hahahahaha!
Maraming-maraming salamat po sa mga nagbabasa ng masalimuot na love story nila Klarisse at Justine. Sana po hindi ko kayo madisappoint sa bawat update ko.
Enjoy guys! I love you all!
=========================================================================
JUSTINE'S POV:
"Kuya yung totoo, anong nangyari after nung dinner sa bahay nila Klarisse?" seryosong tanong ko sa kakambal ko.
Kinausap ako ni Maybelle kanina. Ilang araw na daw na hindi lumalabas si Klarisse sa kwarto nya. Hindi rin daw nila alam kung anong problema nito dahil hindi naman daw ito nagsasalita. Iyak lang daw ng iyak habang kinakausap yung poster ni Kuya Jordan.
Feeling ko talaga may nangyari nung gabing yun eh. Nauna na kasi kaming naglakad non ni Maybelle. Tumawag kasi sakin non si Carlo.
Tapos naging busy kasi ako sa taping dahil tatanggalin na nga yung character ko sa teleserye kaya hindi ko nakakausap yung bestfriend ko. Yes bestfriend ko, hanggang dun lang yata talaga ko eh. -sa ngayon. ^__^
"Bakit?" takang tanong nito sakin.
"Sabi ni Maybelle, ilang araw na daw syang hindi lumalabas at walang ginawa kundi umiyak sa kwarto. Tell me, anong nangyari? Anong ginawa mo?"
"Sinabi kong gusto ko sya" sabi nito.
Nanlaki naman bigla yung mata ko. Papanong?
Kung sinabi ni Kuya na gusto nya si Klarisse eh di sana nagpa-fiesta na yung babaeng yon? Hello, alam naman nating lahat kung gano ka-deds kay Kuya yon no!
"O bago ka mag-isip ng kung ano, sinabi kong gusto ko syang maging kaibigan, wag kang mag-alala, hinding-hindi ko sya aagawin sayo" nakangiting sabi nito.
So yun pala. Na-friendzone din sya. Pero at least hindi ako kasing OA nya, nagpaka-busy na lang ako kesa umiyak ng bongga dahil sa kanya. Aish! Ibang klase talaga yung babaeng yon!
"Lakas talaga ng tama sayo no kuya?"
Natawa naman ito.
"Sabi ko naman sayo eh, ligawan mo na para makaget-over na sakin" tukso naman nito sakin.
"Wow parang ang dali naman non. Eto ngang hindi pa ko nanliligaw eh basted na ko agad, ano pa kaya kung bigla kong aminin. Baka iwasan na ko non"
"Ay sus, wala ka bang tiwala sa kagandahan mo?"
"Kuya, kung sa itsura ko lang, wala ng tanung-tanong. Sa sobrang ganda ko, mahihiya si Helen sakin"
"Wow!"
"Hindi lang yon kuya, bukod sa ubod na ko ng ganda, matalino pa ko, mabait, maaalahanin, magaling na artista, at..."
"Mayabang!"
Inirapan ko naman sya.
"Tse! Nagsasabi lang ako ng totoo."
Sasagot pa sana sya pero biglang nagring yung phone ko. Nakita nyang si Carlo yung tumatawag kaya agad syang pumasok sa kwarto nya. Napailing na lang ako. Ang hirap talagang magpalaki ng kakambal.
"Yes fiancé?"
"Hey! May gagawin ka ba later?" tanong nito.
"Hmm, wala naman bakit?"
BINABASA MO ANG
Under my spell
RomanceAno nga ba yung gayuma? -Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inih...