Chapter 8

24.7K 526 35
                                    

A/N: Eto na guys! Kahit wala ako sa mood magsulat, pinilit ko pa ring mag-update ngayon. Pero UMS lang muna. Bukas na yung updates sa CMIF and FFMMM.

Ey @kaizz1417, nilagay ko dito yung line na sinabi mo sakin kanina nung nasa rooftop ako. hahaha! sabi ko naman sayo, isisingit ko eh ^__^

Bawi na lang ako next chapter guys ha!

Iloveyou all!

=============================================================================

KLARISSE'S POV:

GAYUMA. GAYUMA. GAYUMA.

Parrot parrot?! Paulit-ulit?! Unli-unli?!

Lintek! Bakit ba kagabi pa hindi maalis sa isip ko yang gayuma na yan. Kasalanan to ng mahaderang parrot eh! Bakit ko naman kailangang gamitan nyan si Jordan? Nararamdaman ko naman na pwede nya din akong mahalin? Siguro ngayon kaibigan lang yung tingin nya sakin, pero san ba nagsisimula yung lahat? Sa pagkakaibigan naman diba? Saka gusto ko, kung magiging sakin man si Jordan, dahil mahal nya ko. Naniniwala pa rin naman ako sa kapangyarihan ng pag-ibig. Ok ang corny ko na, hindi na nakakatuwa.

"Klarissaa!!!" tawag sakin ng nanay ko.

Ano na naman kayang kasalanan yung nagawa ko at ganun na lang yung pagkakatawag nya sakin.

Agad naman akong bumaba at lumapit sa nanay kong nanonood ng tv.

"Yes mudrabels, anong maipaglilingkod ko sayo?" nakangiting tanong ko dito.

"May interview yung son-in-law ko sa  'DABAS', panoorin natin bilis" excited na sabi nito.

Nakakatawa tong si Mama, talagang mas excited pa sya kesa sakin ha. Pero para saan kaya tong interview na to ni Jordan? Bat walang nababanggit sakin si Justine?  Hmm, baka dun sa upcoming movie nila nung babaeng hindi naman kagandahan. (oo na, ako na yung bitter!)

"Ma, OA ka, mamaya pang 4pm yung interview o. Alas tres pa lang, saka bat ba nandito ka? Bat wala ka sa bakeshop?"

"Pasensya na PO anak, linggo PO kasi ngayon, so meaning, si Maybelle PO yung tao dun sa bakeshop PO"

Oo, ako na yung walang galang. Parang nakalimutan ko lang gumamit ng PO, niratrat na ko ng pagkadami-daming PO!

"Sige Ma, dun na lang ako sa bakeshop manonood. CIAO!"

"Sige PO anak, mag-iingat PO ikaw ha."

Kumaway lang ako dito bago tuluyang lumabas ng bahay. Mas gugustuhin ko pang kasamang manood ng interview ni my love si parrot kesa sa nanay ko. Magpapaka-OA na naman ng bongga yon.

Papalabas na sana ako ng pinto gate namin ng makasalubong ko si Justine.

"Hey bespren, taray ah, pusturang-pustura! May date ka?" bati ko dito.

"Yep, naglambing si Carlo eh. Wala na daw kasi kong oras sa kanya"  nakangiting sabi nito.

"Ang sweet naman. Bagay talaga kayo girl"

Hay, kami kaya ni Jordan, kelan magdedate?

"Yeah I know, kaya nga kami magpapakasal diba?"

"Oo pagkatapos nyo kami naman ng kuya mo" sabay kindat ko dito.

Bigla namang umilap ang mata nito at hindi ako sinagot.

"Oy! Anong problema mo?" tanong ko dito.

Umiling lang sya sakin. Aish! ang gulo talagang kausap ng babaeng to. Ang moody!

"O sya, sige na, mag-enjoy ka na lang sa date mo. Una na ko" paalam ko dito.

"San ka pupunta?"  narinig ko pang tanong nito.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon