A/N: Dahil hindi ako makatulog ngayon, bigla kong naisip iupdate to. harhar. Medyo maikli nga lang kase eto lang yung pumasok sa isip ko. Basta basahin nyo na lang.
Enjoy guys! CIAO!
=============================================================================
KLARISSE'S POV:
"Goooooooood morningggggggggggg !" bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nya.
Oh yes! Maganda talaga yung umaga ko ngayon. Bakit? Dahil magkakaron na ko ng boyfriend mamaya. Excited na kong makita si Jordan para malaman ko din kung tumalab na yung ininom nya na gayuma. Sabi kasi ni lola ganda, isa hanggang dalawang araw bago daw yung umepekto.
"Wow naman, maganda yata ang gising ngayon ng anak ko ah" nakangiting sabi sakin ni Mama.
"Masaya lang po ako Ma."
"At bakit naman?"
"Dahil malapit na pong matupad lahat ng mga pangarap ko."
"Kayo na ni Jordan?" excited na tanong nito habang nanlalaki yung mga mata.
"Hmm, hindi pa Ma, pero nararamdaman ko na malapit na"
"Talaga? Eh diba sila pa ni Kath?" takang tanong nito.
"Sa ngayon ma, sila pa, pero mamaya o bukas, magbbreak din yang dalawang yan dahil marerealize ni Jordan na ako talaga yung mahal nya."
"Lakas ng fighting spirit ah anak! Pero sige kung dyan ka masaya, susuportahan kita ng bongga! Basta bigyan mo agad ako ng apo ha"
"Kahit ilan pa yung gusto mo Ma!"
"Sige lang anak! Push mo lang yan!"
"Sige na Ma, puntahan ko lang si parrot sa bahay nila" paalam ko dito.
"Sige, mag-iingat ka ha! Baka maligaw ka"
Natawa naman ako sa sinabi nito. Papano ko maliligaw eh tatlong bahay lang mula dito samin eh bahay na nila Maybelle.
Excited naman akong lumabas ng bahay. Sinilip ko muna kung nandyan yung sasakyan ni Jordan.
Wala pa si mylove. Baka may taping pa. Nagmamadali naman akong pumunta kila Maybelle.
"Klang! Ano? Nakausap mo na si Jordan? Kayo na ba? mahal ka na daw ba nya?" sunud-sunod na tanong nito.
"Teka, hinay-hinay lang sa tanong parrot, parang mas excited ka pa sakin eh" natatawang sabi ko dito.
"Excited kase kong malaman kung umepekto yung gayuma."
"Ako nga din eh, kaso wala pa sya, nasa taping siguro. Kinakabahan nga ako eh, papano kung hindi gumana?"
"May tiwala ka ba sa gayuma ni lola ganda?"
"Oo naman! Malaki yung tiwala ko kay lola ganda"
"Eh di pag hindi umepekto, ibig sabihin, mahal ka ni Jordan!"
Bigla namang nagliwanag yung mukha ko sa sinabi nya.
"Mahal ako ni Jordan.."
"Or, hindi sya yung nakainom ng gayuma"
Bigla naman akong napatingin sa kanya. Oh my gosh! Papano nga kung hindi si Jordan yung nakainom non? Papano kung kung sinu-sino lang? Kailangan kong malaman.
"Pero diba sabi mo sakin kagabi, sigurado ka naman na si Jordan yung nakainom diba? sabi mo sakin, nandun ka nung ininom ni Jordan yung juice na may gayuma"
"Ah eh"
"Oh no! don't tell me hindi mo nakita kung si Jordan talaga yung uminom"
"Sya lang naman kasi yung nasa table non eh"
BINABASA MO ANG
Under my spell
RomanceAno nga ba yung gayuma? -Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inih...