A/N: Nasa mood ako eh. nakagawa ulit ako ng isa pang chapter. Pero wait lang dun sa FFMMM and CMIF ha. wala pa talaga kong maisip eh.
=============================================================================
KLARISSE'S POV:
Oo naman, gustung-gusto kitang maging kaibigan
Oo naman, gustung-gusto kitang maging kaibigan
Oo naman, gustung-gusto kitang maging kaibigan
Parrot parrot parrot! Paulit-ulit na lang. Ilang araw na ba buhat nung na-friendzone ako? Hindi ko na alam. Wala akong pakialam.
Napatingin ako sa human-sized poster ni Jordan sa kwarto ko.
"Kaibigan? Hanggang kaibigan lang ba talaga ko? Ang dami-dami ko ng kaibigan eh, wag ka ng dumagdag. I want you to be my boyfriend, my husband, the father of my children. Ayokong hanggang kaibigan lang Jordan, ayoko" umiiyak na sabi ko dito.
At siguro kung may makakakita sakin dito, iisipin talaga nila na baliw talaga ko. Sino ba naman kasing matinong tao yung makikipag-usap sa poster habang umiiyak? Lumalabas na naman yung pagiging bipolar, schizophrenic, at kung anu-ano pang ibang definition ng kabaliwan ko.
Oo baliw ako. Baliw na baliw ako kay Jordan.
Halos ilang araw na din akong nandito sa kwarto ko at nagpaplano kung papano mapapasakin si Jordan, pero wala. Wala akong maisip. Dahil paulit-ulit yang voice over na yan sa pagsasabi na hanggang kaibigan lang ako ni Jordan.
Hindi ko rin naman makausap si bespren kase busy sila sa taping. Si parrot naman walang kakwenta-kwentang kausapin kaya ayoko syang papuntahin dito. Baka mas lalo lang akong mabaliw at mapatay ko pa sya.
Naramdaman ko na biglang may nagbukas ng pinto ko kaya nagtago ako sa likod ng pinto.
"RIsse" si Justine. Bakit sya may susi ng kwarto ko? Si Mama! Aish! Kung kani-kanino binibigay yung susi ng kwarto ko. Papano na lang kung masamang loob pala yung nabigyan nya ng susi? Papano na ko?
"Risse" tawag pa ulit ni Justine.
Kinulbit ko sya. Dahil wala ako sa mood magsalita.
Biglang nanlaki yung mata nya ng humarap sakin sabay sigaw.
"EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! Sino ka? Anong ginawa mo kay Risse?"
Ang sakit sa tenga ng boses nya ha! Mas malakas pa sa boses ni parrot.
"Sino ka sabi eh!" sigaw pa nito.
Binatukan ko nga! Ang OA eh. Akala mo naman malaki yung pinagbago ng itsura ko.
"Ang oa mo bespren! Ako to! Alam kong magaling kang artista kaya wag mo kong artehan ng ganyan!"
"Makabatok ka naman! Masakit yun ha!"
"Eh ano na naman ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Gusto mo ba padala ko na yung gamit mo dito? Nawiwili ka eh!"
Sumimangot naman bigla ito.
"Hoy! Wag mo kong artehan dyan bespren! Wag kang magpout, hindi ka na bata! Hindi na bagay sayo"
"Eh bat kasi ganyan yung itsura mo?"
"Ano namang mali sa itsura ko?"
"Mukha kang aswang!"
Wow ha! Hindi man lang ako dinahan-dahan ni bespren. Straight to the point agad.
"OA! aswang agad!"
"Tumingin ka na ba sa salamin?"
"Hindi ko kailangan ng salamin. Ayokong makita yung babaeng sinabihan ni Jordan na gusto nyang maging KAIBIGAN" naiiyak na sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
Under my spell
RomanceAno nga ba yung gayuma? -Ang Gayuma o love potion ay kilala din bilang isang uri ng black magic. Ito ay ginagamit upang makapang-akit at mapa-ibig ang isang tao, gayong hindi naman ito gusto ng taong ginagayuma. Ang panggayuma ay ay kadalasang inih...