Chapter 21

22.6K 514 17
                                    

AN: O sya sya, ienjoy nyo na lang tong chapter na to. ako'y matutulog muna dahil napagod ako kakarecord ng kanta. hahahaha!

Btw, I miss you Shin kahit alam kong hindi mo to mababasa. T_T

Loveyouguys! CIAO!

=============================================================================

JUSTINE'S POV:

"JT tawag ka ni direk" sabi sakin ng isang PA.

Napataas naman ang kilay ko sa narinig. Hindi naman ako late kanina ah. Ang aga ko pa nga dito, may kasalanan na naman ba ko kaya nya ko ipapatawag?

Kaagad naman akong sumunod dito. Pinuntahan ko agad si direk at umupo sa tabi nya.

"Justine, baka hanggang next week na lang yung character mo dito sa teleserye ng kuya mo" malungkot na sabi nya sakin.

"P-po? Bakit daw po? May mali ba sa character ko? Sa acting ko? Promise di na po ako magpapaka-late"

Umiling lang ito. Nalungkot naman ako bigla. Ano ba yan, supporting role na nga lang, macchugibels pa yung character ko.

"Kinausap ako ni Mr. M eh, hindi ka na daw kailangan sa teleserye na to dahil bibigyan ka nya ng sarili mong teleserye" masayang sabi nito.

Bigla namang nanlaki yung mata ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Sarili kong teleserye? Ako yung lead star? As in ako ang bida? Yung parang kanta ni Yeng? Ako si darna, ako ang dyosa, ako ang talang nagniningning sa kalangitan, ako si wonderwoman, ako ang superstar, akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi! OMG!!!!

"Seryoso po kayo?" diskumpyado pa ko eh. Baka ineetchos lang ako nitong si direk eh, para makaganti sa mga ginawa ko sa kanya.

"Oo naman, masyado ka daw magaling para maging supporting lang lagi sa kakambal mo" nakangiti pang sabi nito.

"Promise direk? Walang etchos? Walang camera dito para ma-wow mali ako?!"

Tumawa naman ito ng malakas.

"Wala! Hindi to prank. Totoong-totoo to Justine. Sinabi ko kasi kay Mr M. na malaki yung potensyal mo kaya yun, sabi nya sige daw, bigyan kita ng sarili mong teleserye."

Agad naman akong naglulundag at niyakap sya ng mahigpit.

"Thank you direk, thank you thank you thank you! I love you so so much!"

"Walang anuman. Malaki naman kasi yung tiwala ko sayo eh"

"Kelan po pala magsisimula yung taping non?"

"Next month pa, pero merong story conference and workshops at bawal ka ng magdahilan na hindi ka pwede dahil ikaw na mismo yung lead star don."

Hmmm, bago teleserye, ibig sabihin bagong director? Hindi naman sa ayaw ko kay direk, favorite ko naman sya kaya lang super strict nya eh. Lagi pa kong pinapagalitan.

"So direk, ibig sabihin hindi na kayo yung magiging director nung bagong serye? Busy kayo dito eh diba?"

Bigla naman itong ngumisi sakin.

"Asa ka Justine? Sakin binigay ni Mr. M yung project kaya sa ayaw at sa gusto mo, ako pa rin yung magiging director mo" yun lang at iniwan na nya ko para kausapin yung script writers.

Hmp! Hindi ko man lang natanong kung sinong makakasama ko.

Nakita kong nakatingin sakin si Kuya. Ahah! Parang gusto kong mantrip ngayon. Aartehan ko si Kuya. Bwahahahahaha!

Pinalungkot ko muna yung mukha ko bago ako lumapit kay Kuya. Nag-aayos na sya ng gamit namin, tapos na yung taping eh. Papunta na kami kila Klarisse.

"Ano napagalitan ka?"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon