Natapos na rin sa wakas ang kainan at kunteng programa. Isa-isa nang nagsiuwian ang mga bisita. At nagsimula na rin akong mangati sa suot kong gown.
Pag minamalas ka nga naman. Naabutan naming sira ang elevator na sasakyan namin papunta sana sa 8th floor ng hotel na kung saan din ginanap ang reception. Dito kami magsta-stay ng ilang araw para sa aming honeymoon. Gosh!
Like duh. Wala pa bang mas sasama pa sa araw na to? Gosh! Palalakarin nila akong nakaheels patungong 8th floor? Mind you nasa 2nd floor kami.
Arggggh!
"Pano na ngayon yan?" naiinis kong sabi sa asawa ko. Gosh! Ang sagwa!
Napakamot rin siya sa ulo niya at napahawak naman ang isang kamay sa bewang niya.
Sa postura niya ngayon, mukha rin siyang naiinis din sa nangyayari habang nakikipag-usap sa management.
"Sorry po sir. Pero ito lang po ang elevator namin. I suggest maghagdan nalang po muna kayo. Oh kung gusto niyo maghintay nalang po muna kayo." sabi naman ng lalaki.
Like gosh! Paghihintayin pa kami? Like duh kelan pa kaya sila matatapos sa pag-aayos ng sirang elevator na yan? Ihulog ko kaya siya sa bintana ng building na to? Kainis!
Bumaling naman sakin si Jace." Hun, mukhang maglalakad talaga tayo nito papunta sa floor natin." sabi niya sa mahinahong boses dahil takot siyang mag ala dragon ako at sunugin ko ang mukha niya.
I rolled my eyes and sigh. "Ano pa bang magagawa natin? Edi maglalakad." mataray kong sabi at napahawak sa bewang ko. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang magtungo sa exit door kung nasaan ang hagdan. Sumunod naman siya at napakamot ulit sa ulo niya.
Like gosh! Ang haba pa ng gown ko. Kelangan ko pang kargahin iyun para hindi ako mahirapang maglakad. Buti nalang gentleman ang asawa ko kaya siya na ang nagpresentang magdala habang nakabuntot siya sa likod ko.
Nasa 4th floor pa kami and I was like gosh! Hinihingal na ako at masakit na rin ang paa ko. Ang ginawa ko, tinanggal ko ang shoes ko at itinapon yun somewhere around the stairs. Nilingon ko si Jace at pinagpupulot niya naman ang sapatos kong binato sa kung saan habang bitbit niya pa rin ang mahabang laylayan ng gown. Nagmumukha tuloy siyang alipin sa ginagawa niya. Echos!
Nakahinga naman ako ng maluwag kasi dirediretso na ang paglalakad ko kahit pa nakapaa lang.
And thanks to the gods kasi nakarating na rin kami sa 8th floor. Pagod na pagod na kaming dalawa kaya sabay kaming napatalon sa kama. Tagaktak pa ng pawis ang katawan ko. At basa na rin ng pawis ang buhok ni Jace.
Like duh. But we both laughed at our misfortune.
Ilang sandali pa bumangon nako at sinabihan siyang mauuna nakong maligo. Pumasok agad ako sa bathroom at nilock yun, mahirap na baka gapangin niya ako bigla. Like duh.
Binilisan ko na ang pagligo kasi baka mainip siya kakaintay. Gosh! Ganito na ba ang buhay may asawa? Iniisip mo na rin ang kapakanan ng iyong kabiyak? Gosh! Ang sagwa!
Dahil nakalimutan kong kumuha ng damit pamalit bago ako pumasok sa banyo. Pinagtyagaan ko nalang ang tuwalya at ipinulupot sa katawan ko bago ako lumabas. Nakita kong nakatopless ang kumag habang namimili ng damit niya sa closet.
Thump
Lumingon siya sakin and gosh bigla naman akong kinabahan. Lumapit ako sa kanya kasi nandun din naman ang mga gamit ko.
"Maligo ka na nga." mataray kong sabi just to cover up the nervousness I was feeling inside. Like duh.
Tumawa naman siya at humarap sakin. Napatitig ako bigla sa abs niya na hindi ko inakalang meron pala siya. Tumawa na naman siya kasi nakita niyang nakatitig ako dun. Like duh.
"Bawal ba tignan? Edi hindi na mauulit. Arte nito." pagtataray ko.
Mas lalo lang lumakas ang tawa niya at napailing nalang bago siya pumasok sa banyo.
Mabilis akong nagpalit at tumalon muli sa kama at binuksan ang tv. Napapahagikhik ako sa pinapanood kong Mr. Bean cartoon.
Like duh. Ang tanga niya kasi. Haha no harse!
Bigla naman bumukas ang banyo at lumuwa doon ang isang diyos. Like duh. Naka topless lang, diyos na?
Wala sa sariling natulala na naman ako sa katawan niyang ubod ng tikas. Gosh! Bakit ba pinagpala talaga ang lalaking ito. Masarap na magluto, masarap na humalik at maganda pa ang katawan. Wala kasi akong ibang maipintas eh. Like duh.
Hindi ko napigilang bumaba ang paningin ko sa nakaumbok niyang bagay. Gosh! Hindi ko mapigilang magka goosebumps sa nakikita ko. Pasimple akong pumikit dahil parang nagdedeliryo ang paningin ko.
Gosh! This is our first night together as officially married. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag gagawin na namin ang gawain ng mag asawa.
Naramdaman ko nalang na lumapit na siya sa kama namin at tumabi ng higa sakin. Like duh. Itutulog ko nalang to. First time naming magtabi sa kami. Like gosh! Goosebumps.
Naaamoy ko pa ang shampoo niya. And i was like bakit ang bango niya? Like duh. Ang init2x pero naka on naman ang aircon. Gosh!
Pahamak ka talagang nostrils ka! Kaya tinakpan ko ang ilong ko at sa bibig ako huminga. Nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita.
"May mabaho ba?" napamulat ako bigla at nanlaki ang mata ko nang halos maduling ako sa lapit ng pagmumukha niya.
Parental Guidance is required.
Nagising ako kinabukasan. Gosh! Umaga na pala. Anong oras ba kami nakatulog kagabie? Napalingon ako sa tabi ko pero bakante na ito. Napahawak ako sa mukha ko kasi namumula ito. Iniisip ko pa lang gosh! Nakakahiya ka talaga Venice.
I was like omigosh! Hindi ko akaling ganun pala pag first time. Kakaiba ang first time. Like duh.
Hindi ko rin akalin na hindi lang magaling magluto si Jace, hindi lang magaling sa paghalik, magaling din siya sa kama. Cha!!
Hindi ko akaling magagawa niyang mapaungol ako ng malakas kagabie. I think nakadalawa kami last night Gosh! Ang sagwa!
Bumangon nalang ako kahit ramdam ko pa ang sakit ng balakang ko. Dumiretso nako banyo kahit alam kong nakahubad ako. Like duh. Wala namang nakakita.
Habang naliligo ako napatitig ako sa sarili ko sa salamin at bigla akong kinabahan. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko.
Walang dapat mabuo. Bulong ko sa sarili ko. Hindi pwedeng mangyari ulit sakin ang nangyari noon.
Nang malaman ng nanay ko na nabuntis siya, iniwan lang siya sa ere ng walang kwenta kong ama. Nang isilang ako, dahil hindi makayanan ni nanay na palakihin ako, iniwan niya ako sa bahay ampunan dahil hahanapin niya ang bastardo kong tatay. Mula nun hindi na nila ako binalikan. At pag nabuntis ako, mangayayat, malosyang, sigurado akong iiwanan rin kami ni Jace. Kaya hindi ako pwedeng magbuntis.
Nang matapos akong maligo I already had a plan. Pag uwi namin, makikipagkita ako sa isang ob-gyne.
Right.
Lumabas nako at naabutan ko ang asawa ko na nagluluto. Asawa ko. Gosh! Ang sagwa!

BINABASA MO ANG
Love You Across The Sea
RomanceCompleted - Unedited Its true na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung wala na ito sa tabi mo. Kwento ng pag-ibig ng kanyang asawa na susubukang turuan si Venice kung pano muling magmahal. Pero ang kanilang pag-iibigan ay biglang magbabago...