10 Finale

39 2 2
                                    

Ilang araw na ang lumipas pero hindi na bumalik si Jace. Nakalimutan na niya siguro kami ni baby Jace. Pero kahit ganun, araw2x pa rin ako sa dagat nagbabasakaling maratnan ko siyang naghihintay samin ni baby Jace.

Bumalik na rin ako sa trabaho. Hindi naman kasi pwedeng habang buhay na ako magleave, baka habang buhay na rin ako mawalan ng trabaho. Pinababalik na rin kasi ako ni boss bukas. May business trip siya at dapat kasama ako bilang secretary niya. Hindi ako pwedeng tumanggi kasi ako lang naman ang nag iisang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa mga business trips.

Kaya nandito na naman ako sa dalampasigan at nagsimulang magsulat para sa asawa ko. Gusto kong matanggap niya ang sulat na to kaya hindi ko na ipapaanod sa dagat kaya iiwan ko to dito sa punong kahoy.

Gusto kong ipaalam sa kanya na matagal pa bago kami makakabalik muli dito. At bibigyan ko siya ng time na makapag isip. Alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan at sana pagbalik ko maalala na niya ako.

Two months later...

Gosh! Namiss ko ang Laguna. Namiss ko ang samyo ng hangin sa Pilipinas. Pagdating namin kahapon mula Singapore ay agad akong pumunta dito kasama si baby Jace. May klase pa rin kasi si Tessa kaya kami nalang dalawa ng anak ko ang nagpunta sa Laguna.

Bitbit ko si baby Jace habang naglalakad ako sa dalampasigan. Nilulubong ko sa tubig dagat ang paa ko. Humahagikhik naman si baby Jace habang kumakanta ako ng pangbata na napanood ko sa mga kiddy show. Nililipad ng hangin ang makapal ng buhok ni baby. Gosh! 3 months na pala si baby Jace. Tandang tanda ko pa noong bago ko pa lang siya isilang, he was so small nung una ko siyang kargahin. So cute!

Ngayon ang bigat2x na niya, mas lalong tumaba ang pisngi niyang masarap kagat kagatin. Pinupugpog ko ng halik ang buong mukha ni baby habang tawa ito ng tawa. Gosh! I just cant get enough of his cute little laughter that sounds like music to my ears.

"If only daddy can see you laughing like this anak." napabuntung hininga ako at napatitig sa anak ko na malawak na ngiti na nakatingin sakin. "You are my stress reliever, my power motivater and my love source. Sabay nating hintayin si daddy ha. Love ka ni daddy Jace, love ka rin ni mommy Venice. I love you Jace." nangingilid na luha kong sabi habang nakatitig sa mukha ni baby na kamukhang kamukha ng asawa ko, lalong lalo na yung mata niya na half awake. "Kelan pa kaya tayo magiging kumpleto?" naluluha ko ng sabi habang niyayakap ang anak namin ni Jace. Pero may namutawi namang ngiti sa labi ko habang sinasayaw ang anak ko sa kantang ako lamang ang nakakarinig.

"Venice." napamulat ako ng mata at lumingon sa likod. Natigilan ulit ako nang makita ang taong gusto kong makita. Lumapit siya samin. Napansin kong nagpagupit siya ng buhok at wala na rin ang balbas niya sa mukha. Siya nga ang asawa ko. "Akala ko hindi mo na ako babalikan." medyo may pagtatampo na sabi niya. Galit ba siya sakin?

"Akala ko hindi ka na magpapakita." sagot ko nalang habang titig na titig sa kanya.

"Siya na ba ang anak natin?" nangingilid na rin sa luha ang mata niya habang tinitignan ang anak namin.

Tumango ako ng ilang beses. "Si Jace Valeign." mahina kong sagot.

"Pwede ko ba siyang mayakap?" tanong niya. Tumango ako at lumapit siya sakin at kinuha niya naman si baby Jace.

Tuluyan ng tumulo ang luha niya habang nakatitig sa anak niya. Humagulhol na siya nang yakapin niya ito. Tila naiintindihan rin ng bata ang nangyayari kasi umiiyak na rin ito. Lumapit ako sa kanilang dalawa at niyakap sila. Napaluhod kami sa buhanginan.

"Im sorry asawa ko nanganak kang wala ako." biglang sabi niyang humihikbi. Napatingin ako sa kanya.

"Naalala mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko maitago ang ngiti habang naluluhang nakatingin sa kanya.

Love You Across The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon