"Hun, anon bang ginagawa mo dyan?! Akala ko ba magpapaturo ka sakin magluto?!" rinig kong sigaw ni Jace sa kusina. Ilang linggo na rin simula nung nakauwi na kami sa bahay niya. Hindi na niya kasi ako pinayagang umuwi sa bahay ko. Kaya binenta ko nalang yung properties. Sayang naman kung walang makikinabang.

Nasa sala naman ako at nanonood ng cartoon habang kumakain ng popcorn na gawa niya. Sunog kasi ang popcorn na ginawa ko. Like duh. Ang ingay2x niya. Totoo nga na nagpapaturo ako sa kanya na mgluto pero di ko naman inakala na ngayon niya na ako tuturuan. Busy kaya ako.

Dahil nagsisigaw pa rin siya sa kusina, nilakasan ko pa ang volume ng tv. Nagtagumpay namn ako kasi tumahimik na siya.

Enjoy na enjoy na ako sa pinapanood ko nang bigla siyang lumapit at bigla akong wisikan ng tubig sa tabo na hawak niya.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat.

"Bastos ka talagang lalaki ka!" galit na sigaw ko. Ramdam kong umuusok ang ilong ko sa galit. Walang modo talaga tong hinayupak na to!

"Hindi mo kasi ako pinapakinggan eh. Tsaka ikaw kaya tong bastos. Nagsasalita ako pero nilakasan mo pa ang tv." nayayamot pa niyanh sabi. "Wala ka na ngang ginagawa dyan eh. Lagi ka lang nakahiga." dagdag pa niya.

Hindi na ko sumagot at tinalikuran nalang siya. Padabog akong umakyat ng hagdan patungod kwarto.

"Ang bastos oh!" sigaw pa niya. Like duh. Bahala siya sa buhay niya.

Tamang-tama naman kasi biglang nag-alarm ang phone ko. Dali-dali akong nagtungo sa banyo kung saan tinago ang bote ng pills sa likod ng medicine kit. Hindi naman halata na pills ito kasi iniba ko ang lalagyan.

Naalala kong nagdiwang ako nang bigla akong dalawin ng buwanang regla ko. Like duh. Akala ko talaga nabuntis na ako. Kaya agad akong bumalik sa ob-gyne at hiningi ang contraceptive. Lumabas ulit ako ng kwarto at pumasok sa kusina na parang walang nangyari. Pagdaan ko sa sala patay na ang tv.

"Akala ko ba galit ka?" bungad niyang tanong.

"Eh sa nagugutom ako eh." nakakagutom talaga ang pills na binigay ni doctora. Palagi akong naghahanap ng kikisaping pagkain.

"Gutom ka na agad? Kakakain mo lang ng tatlong bowl ng popcorn ah." napatingin ako sa kanya. Talaga? Tatlong bowl na ang nakain? Oo nga pala. Kasi sa tuwing paubos na ang popcorn, kinukulit ko siyang lutuan ako ulit. "Naubos na rin lahat ng chichirya sa bahay. Kinain mo na ang ulam sana natin mamaya. Hindi mo pa nga pinatawad ang ice cream na alam mong paborito ko eh. Umamin ka nga sakin asawa ko." sabi niya sabay lingon sakin. Nagluluto pa kasi siya ng ulam namin dahil kinain ko na ang ulam na ginawa niya kanina. Pinaliit niya ang mata niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa reaction niya. "Buntis ka na ba?"

Natigilan ako sandali at napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. Seriously? Inisip niya talagang nabuntis na niya ako? Napahawak ako sa tiyan ko dahil sumasakit na ito. Pinapahid ko na rin ang pisngi ko kasi tumutulo na ang luha sa sobrang pagtawa. Like duh.

Kumunot naman ang noo niya. Haha!

"Hun, imposible yun. Alam ko kung anong nangyayari sa katawan ko. Siguradong wala." sagot ko habang natatawa pa. Mas lalo naman kumunot ang noo niya. Bigla naman akong naalarma sa pinagsasasabi ko. Gosh!

"Pano namang hindi? Araw-araw tayo---" hindi ko na siya pinagsalita pa at iniba ko na ang storya.

"Asawa ko, hindi pa ba luto yan nagugutom na kaya ang asawa mo." kunwaring paglalambing ko. Gosh! Ang sagwa! Agad namang nawala ang kunot sa noo niya at bumalik agad sa pagluluto.

"Malapit na asawa ko." sabi niyang todo ngiti pa.

Bumuntong-hininga ako at naparoll ng eyes. Akala kong pagdidiinan pa niya talaga na buntis ako. Sinabi ko pang imposible kasi imposible naman talagang magbuntis kung naka contraceptive ka.

***

"My gosh asan na ba yun?" gosh! Hindi ko siya makita.

"Hun! Hindi ka pa ba tapos mag general cleaning?" rinig kong tanong ni Jace sa pinto ng kwarto namin. Nilinis ko na ang buong sala, kusina at kasalukuyan akong naglilinis sa kwarto namin. Naabutan pa niya akong nakatuwad at sinisilip ang ilalim ng kama namin. "Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong pa niya nang hindi ako sumagot. Puno na ng agiw at alikabok ang buhok at katawan ko.

"Wala wala. Lumabas ka muna. Malapit nako." sabi ko pa habang sinisinyasan siya. At tumalikod na siya.

Ang akala talaga ni Jace ay nag gegeneral cleaning ako pero ang hindi niya alam hinahanap ko talaga ang nawawalang wedding ring ko. Kanina pa akong umaga naghahanap sa lintik na singsing na yun. Sigurado akong mag-aapoy siya sa galit pag nalaman niyang nawala ko yun.

Natapos ko nang halungkatin ang buong kwarto pero hindi ko pa talaga makita ang singsing.

I give up. Sasabihin ko nalang ang totoo. Gusto ko rin namang hindi na mkita yun.

Kumakain kami ng ginawa niyang pizza at fresh juice sa labas ng bahay. Puno na ng agiw ang buhok at pekpek shorts ko.

"Tapos ka na ba mag general cleaning hun?" tanong niya bigla.

Napabuntong hininga ako at dahan-dahan kong pinakita ang madumi kong kamay. Napatingin naman siya dun na nagtataka. "Tingnan mo." sabi ko pa. Hinawakan niya naman ang kamay ko tinitignan yun ng todo.

"Wala namang sugat ah." sagot niya. Gosh! Bakit ang slow niya!

Nanlaki ang mata ko nang nanlaki rin ang mata niya.

"Nasaan ang wedding ring mo!" sigaw niya. Napapikit ako at nagkunwaring papaiyak.

"Hinanap ko na pero di ko makita." explain ko. Totoo naman.

"Hindi to maaari." sabi niya sabay tayo. "Malas kapag tuluyang mawala ang singsing mo. Halika! Lets find it." wala na akong nagawa kasi hinila na niya ako patayo. Gosh!

Makaraan ang ilang oras, gumive up na kami. Hindi pa rin namin makita ang lintik na singsing na yun kaya hininto na namin ang paghahanap kaya lang hindi na niya ako pinansin. Galit pa rin ata siya kasi hindi yun nahanap.

Tahimik lang kami kumain. May dumaan kaso na anghel. Ang dinner namin hotdog at ham, pang almusal lang. Gosh! Ganito ba siya magalit? Hindi niya ako pakakainin ng masarap?

Nauna na siyang natapos at pumasok sa kwarto para maligo. Naiwan naman ako para maghugas ng pinggan. Katatapos ko lang maghugas ng bigla siyang magsisisigaw.

"Hun! Hun!" sigaw niya. Bigla naman akong naalarma kasi baka napano siya. Nagulat naman ako kasi tumatakbo siya habang basang basa pa ang buhok. "I found it! Nakita ko to sa ilalim ng bowl. Mabilis akong naligo para maibigay na to sayo." masigla niyang sabi at kinuha niya ang kaliwang kamay ko at siya na mismo nagsuot ng singsing sa daliri ko.

Napatitig ako sa singsing. Parang bigla akong nalungkot nang bumalik na siya sa kamay ko. Like duh.

Bumalik na ulit siya sa pagiging masayahin niya kaya okay nalang. Baka pakainin nalang niya ako ng hotdog at ham araw-araw.

***

"Hun bilisan mo! Ang bagal2x mo namang kumilos." pag-iingay niya. Bata lang? Excited masyado mag swimming? Saturday ngayon at pareho kaming day off kaya naisipan naming maligo sa beach. Nagcheck in kami sa isang resort. Ika-6 months namin ngayon bilang mag asawa at nagpakulo pa ang ugok na magbakasyon kami, 2 day vacation lang.

Tumatakbo siya papuntang dagat at naiwan naman akong naglalakad lang. Hindi ako tulad niya na tanga no. Like duh.

Nagtatampisaw na ang damulag at tawa pa ito ng tawa.  No rush lang ang beauty ko.

Nakita kong may lumapit sa kanyang dalawang babaeng nakabikini. Napatingin ako sa suot ko at tinalbugan pa nila ang suot ko. Bigla namang kumulo ang dugo ko kasi nakipagpicture sa kanya ang babae at game naman siyang ngumiti. Nakapeace sign pa ang ugok. Gosh! Ginagalit talaga ako ng lalaking to.

Lumapit ako sa kanila at sinamaan ko sila ng tingin. Natakot naman sila at lumayo na. Like duh. Asawa ko yang nilalandi niyo! Gosh! Ang sagwa.

Natigilan ako nang bigla akong yakapin ng hayup. "Ito naman, selos agad." sabi niya sa mahinang boses. Siya naman ang sinamaan ko ng tingin. "Sabi ko nga joke lang." tapos sinabuyan niya ako ng tubig at nagsabuyan kaming dalawa. Like duh?

Love You Across The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon