Nakauwi na kami sa bahay and gosh! Tatlo araw na akong hindi nakakainom ng pills. At nagsimula na akong kabahan. Like gosh. Bigla kasing nawala sa bag ko yung bote simula nung nag beach kami. Ayoko namang itanong sa kanya kung nakita niya kasi baka magtaka siya. Tiningnan ko na sa banyo kasi baka nandun pero huling naalala ko dinala ko talaga siya pero nawala nalang sa bag ko. Baka nahulog! Gosh!
Napatitig ako kay Jace. Wala namang kakaiba sa kinikilos niya. Hindi naman siguro niya nakita noh? Like duh. Hindi naman yun naghahalungkat ng gamit ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang magduda. Alam kaya niyang umiinom ako ng contraceptive?
Sigurado akong papatayin na ako ng lalaking to pag nagkataon. Echos!
My gosh! Wala sa sariling napahawak ako sa puson ko. We had sex the last night and the other. Shit! Like duh. Hindi na ako nakahindi. I cant resist kasi from his touch. Gosh! Ang sagwa!
Kaya ngayon nakaupo ako sa sofa habang tulala pa rin sa harap ng tv. Malayo ang paningin ko, hindi ko maintindihan ang pinapanood ko, hindi rin ako natawa. Walang reaction ang mukha ko.
Iniisip ko pa rin kung saan ko huling nakita ang boteng yun. Like duh. Puntahan ko kaya yung ob-gyne? Posible kayang mabuntis kapag hindi nakainom ng contraceptive sa loob ng tatlong araw?
Naalala kong nung naghahapunan kami, nagkukwento siya kung ilan ang gusto niyang anak.
"Hun, bakit hindi ka pa nabubuntis? Magpatingin na kaya tayo sa doktor?" Kelangan na daw magkaanak na kami agad kasi nga we're not getting older. Baka daw mahirapan na akong manganak Like gosh. 12 anak daw gusto niya. And I was like "Are you fucking serious?" Hindi ko naman masabisabi sa kanyang ayaw ko talagang magbuntis.
Napatayo ako bigla. Hahalungkatin ko ulit yung mga bag ko kasi baka nandun lang yun at hindi ko lang nakita. Nagsimula ko nang ilabas ang lahat ng bag ko na lagi kong paglagyan. Nagpapalit palit kasi ako ng bag.
Nagulat ako at napatigil ng biglang pumasok si Jace.
"Ito ba hinahanap mo?" sabi niya sabay bato ng familiar na plastic ng bote sa kinalalagyan ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita kong yun nga ang nawawala kong pills. Pinulot ko ito at nalaman kong wala na itong laman.
Biglang umakyat ang dugo ko sa mukha dahil wala na itong laman. "Nasan ang laman nito?" bahagyang inis na tanong ko.
"Ano bang laman ng boteng yan! Para saan yang gamot na yan? Ha?! Venice tinatanong kita!" napayuko ako kasi galit na galit na siya. Alam na nga niya.
Kaya napatitig ako sa kanya with the same intensity ng galit niya.
"Bat di mo sinabing umiinom ka ng lintek na contraceptive na yan ha?!" umiiyak na niyang sigaw.
"Bakit Jace? Pag sinabihan ba kita matutuwa ka?!" balik tanong ko. Hindi ko na rin mapigilan ang galit ko.
"Kung ayaw mo palang magbuntis edi sana sinabi mo agad sakin! Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pa! Pero bakit kelangan mong maglihim!" bigla naman bumigat ang dibdib ko.
"Ayokong magbuntis! Okay?! Ayoko! Hindi ako dapat mabuntis. Ayokong manganak!" sigaw ko pa habang umiiyak na rin ako. Nakaupo pa rin ako sa sahig habang nasa pintuan naman si Jace. "Nasan ang laman nito Jace?! Nasan na! Hindi ako pwedeng mawalan nito." naghihysterical ko ng sabi habang hawak2x ang bote.
"Nalunod na sa toilet bowl! Bakit?! Dahil ba hindi mo pa rin ako mahal Venice? At ayaw mong mabuntis para madali na para sayong mong iwan ako at babalikan mo ang ex mo, ganun ba?!" natigilan ako sa sinabi niya.
Umiiyak na kaming dalawa. Napaluhod naman siya sa harap ko. Patuloy lang sa pagdaloy ang luha ko.
"Pinakasalan na kita diba? Di ka pa ba masaya na sayo ako napunta." sabi ko pa. Oo nga hindi ko pa siya mahal pero hindi pa ba sapat yun s akanya? Wala na nga akong mapuntahan eh. Babagsak at babagsak pa rin ako sa kanya. "Ayokong magbuntis dahil pag manganak ako mangayayat ako at pag losyang na ako iiwanan mo rin ako. Maghahanap ka ng mas bata mas maganda at yung di pa losyang at madali lang yun sayo dahil sikat ka pa! At pag nabuntis ako iiwan mo rin kami ng anak mo gaya ng ginawang pag iwan sakin ng wala kwenta kong tatay!" sigaw ko at pumiyok pa ang boses ko sa huling salitang binitawan ko habang malabo na ang mata ko sa mga luhang patuloy na pumapatak. Patuloy naman ako sa pagpahid pero hindi pa rin sila tumitigil. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pag-iyak. "Wala kang alam kung ganu kahirap ang pinagdaanan ko kasi mayaman kayo at kumpleto ang pamilya mo! May tatay kang nasilayan ka pagsilang mo. May nanay kang nagpalaki sayo. Ako! Wala! Dahil mahirap kami at palalamunin pa niya ako kaya iniwan na naman ako ng nanay. Mag-isa akong nabuhay. Kuntento nako dun pero dumating ka pa damulag ka!"
BINABASA MO ANG
Love You Across The Sea
RomanceCompleted - Unedited Its true na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung wala na ito sa tabi mo. Kwento ng pag-ibig ng kanyang asawa na susubukang turuan si Venice kung pano muling magmahal. Pero ang kanilang pag-iibigan ay biglang magbabago...