Thump thump
Thump thump
Sobrang lakas ng heartbeat ko. Parang gusto na niyang lumabas sa matagal na niyang lungga. Napahawak ako sa puso ko.
"Venice, hun? Please marry me?"
Patuloy na umaalingawngaw ang sentence na yun sa utak ko. Those five words and seven syllables.
Thump thump
Sosyalin yang heartbeat ko na yan.
"Shit." mahina kong sambit matapos magsink in sila ng tuluyan sa utak ko.
"What?" tanong niya na ikinagulat ko at nanlaki ulit ang mata ko. Napatingin ako sa paligid, sa mga taong ngiting nakatingin sa amin habang hinihintay ang isasagot ko. I know for myself that im not yet ready for another level up. Heck, hindi ko pa maramdaman na mahal ko siya eh. Now he wants to marry me?
But. I dont want to disappoint Jace and the people around us. Kasi alam kong laman si Jace ng mga balita at ayokong masira ang reputasyon niya.
Unknown girlfriend of Jace Medina, turned down his marriage proposal!
Naiimagine kong headlines sa tv, radyo at newspaper pag nagkataon.
So i stared at him in the eyes for seconds. Debating kung tama ba ang gagawin ko. Bahala na nga si super inday!
At pikit-mata akong tumango "Yes."
Napadilat ako muli nang maramdaman kong niyakap ako ni Jace at nagpaikot2x kami bitbit ako sa ere kasabay ng malalakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao.
I sighed once my feet landed on the ground. Napatitig ako sa masaya at nangungusap niyang mata. Ngumiti nalang ako with a plan in my head.
"Hindi mo to pagsisisihan hun. I'll be the best husband you will ever have." sabi niyang sobrang ngiti. Hindi ba niya gets ang reaction ko? Patuloy pa rin sa pghihiyawan ang mga tao at cinongratulate kami.
Titirisin ko siya mamaya kapag natapos na siya sa pang-eechos niya. Talagang nasurprise ako at wala pa talaga akong choice. Magpropose ba naman sa maraming tao at live pa. My ghad.
Lagot ka sakin hinayupak ka! bulong ko sa isip ko habang nakangiti ng ubod tamis sa kanyang pagmumukha.
***
Habol ko ang hininga ko na para bang tumakbo ako ng napakalayo. Hawak ko ang dibdib ko habang patuloy na pinapakalma ang sarili.
Nandito ako sa loob ng bridal car and shit! Nasa tapat na ako ng simbahan. Hindi pa ako ready lumabas at salubungin ang mga nakangiting tao sa labas ng simbahan at mga camera man na nakapalibot sa buong simbahan na busy sa pagkukuha ng pictures at videos sa mga taong kasali sa entourage at ibang celebrities na dumalo habang inaantay ang paglabas ko.
Yung dream kong solemn wedding na kukunte lang ang bisita ay mistulang may shooting na ginaganap. Hanggang panaginip nalang yun mangyayari dahil kabaliktaran ang nangyayari ngayon. Hindi ko mafeel yung excitement na sinasabi nila kapag kinakasal ang babae. Instead I felt surprisingly down and scared. Scared of what future lies ahead. Ang lagi kong tinatanong ay magiging masaya kaya ang aming buhay mag-asawa? Matututunan ko kaya siyang mahalin ng lubos? Paano kung hindi naman talaga ako sasaya sa piling niya? Makakaya ko bang pakisamahan habang buhay si Jace? Ito ay ilan lamang sa mg maraming tanong sa aking isipan.
It only took two months to prepare. Gusto niyang magpakasal na kami agad2x. Nagulat ako ng may wedding organizer na pala kami. Pinaghahandaan niya na pala ang kasal as if papayag ako agad.
![](https://img.wattpad.com/cover/144897740-288-k708220.jpg)
BINABASA MO ANG
Love You Across The Sea
RomanceCompleted - Unedited Its true na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung wala na ito sa tabi mo. Kwento ng pag-ibig ng kanyang asawa na susubukang turuan si Venice kung pano muling magmahal. Pero ang kanilang pag-iibigan ay biglang magbabago...