"Venice, kumain ka naman oh, kahit kunte lang." nag-aalala at umiiyak ng sabi sakin ni Hanna habang hawak2x ang kutsarang may pagkain. Nandito pa rin ako sa ospital. Pero this time, ako yung nasa hospital bed. Kahapon lang ng makita ko ang kalunus lunos na sinapit ng aswa ko. At nawalan pa ako ng malay.
Naalala kong nahilo ako sa harap ng kanyang katawan. At kanina lang, nakipag usapan sakin ang doctor.
"Mrs. Medina, please take good care of yourself. Hindi lang sarili mo ang aalagan mo, dalawa na kayo ng baby mo. Mrs. Medina, your three weeks pregnant." bigla akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Napaluha ako sa rebelasyong buntis pala ako.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot para sa batang ito. Hindi ko maexplain yung feelings ko. May halong galak naman sa puso ko kasi alam kong matutuwa si Jace dahil sa wakas magkakaanak na kami pero mas nangingibabaw ang lungkot kasi wala na siya. Wala na si Jace na magsisisigaw sa saya at hahalikan at yayakapin ako.
Wala na siya.
"Jace nagsinungaling ka. Nangako kang hinding hindi ka gagaya sa tatay ko diba. But look at what you did? Iniwan mo pa rin ako, kami ng anak mo." sabi kong napaiyak nalang ulit. "Ang nakakalungkot kasi umalis kang wala ng balikan. Kung nasan ka man ngayon, umuwi kana sakin. Hindi nako magagalit. Hindi nako mang aaway. Hindi nako magtatamad. Tutulong nakong magluto. Maghihintay ako sa pagdating mo. Diba sabi mo, uuwi ka ng alas otso? Nagluto nako ng paborito mong nilaga. Maghihintay ako sa bahay. Kaya umuwi ka na asawa ko." humagulhol na ako.
"Venice naman, huwag ka ng umiyak. Nakakasama yan sa baby." dalawa na kaming umiiyak ni Hanna. Nakatitig lang ako sa kawalan na parang kinakausap ang asawa ko.
"Asawa ko, magkakababy na tayo. Hindi ka ba masaya? Diba gusto ko mo ng 12 anak." ang sakit2x na ng puso ko. Parang hindi nako makahinga. "Kahit alam kong ridiculous yang hinihingi mo, sige bibigyan kita ng 12 anak." napalunok ako ng paulit-ulit. "Maghihintay ako sa pagbabalik mo."
Maghihintay ako habng buhay para sayo. Mahal kita Jace. Mahal na mahal kita asawa ko.
***
Four weeks has passed like a blur. Nailibing na rin si Jace. Four weeks ng walang katapusang iyakan. Marami ang nakidalamhati sa pagkamatay ng asawa ko. Marami rin naawa kasi nga buntis pa ako. Pero kulang tong paghihirap ko na to sa paghihirap ng asawa ko. Malaki ang pagkukulang ko sa kanya. Kahit isang saglit hindi ako naging isang mabuting asawa sa kanya.
Kung tutuusin, ako dapat ang namatay, ako dapat ang kinuha. Napakabuting tao ni Jace. Marami pa siyang maiinspire na ibang tao. Marami pa ang nagmamahal sa kanya.
Pero dahil malas akong tao kaya siya kinuha ni lord. Naisip rin niya siguro na mas lalong magdudusa si Jace kapag magtatagal pa siya sa piling ko. Kaya siguro kinuha siya sakin. Ang bad ko kasi.
Pero pinagsisihan ko naman ang lahat. Wala na bang second chance para maiparamdam ko naman siya na nagsisisi na ako at mahal ko siya?
Nandito ako sa Laguna. Sa dalampasigan kung saan nila natangpuan ang bangkay ni Jace. Ayokong maniwala na patay na siya. Kasi nararamdaman ko siya. Siguro nga tanga ako. Tama si Hanna. Alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko pero pinagdudahan ko pa rin siya.
Dahil takot akong iwan niya ako at sumama sa iba.
Pero ano ka na ngayon? bulong ng isip ko.
Naisip kong okay lang kahit iwan ako ni Jace at sumama sa iba kasi alam kong makikita at makikita ko pa rin siya, kaysa ganito na hindi ko na siya mahahawakan at hindi ko na siya makikita kahit sa malayo man lang.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hinahanap pa rin ni nanay si tatay. Kasi kung nagmamahal ka, magagawa mong magpakumbaba, magagawa mong magmakaawa, magagawa mong magsakripisyo para sa minamahal mo.
Kaya nay kung nasan ka man ngayon, pinapatawad na kita. Alam kong ayaw mo talagang iwan ako sa ampunan. Naiintindihan ko na kung ganu mo kamahal si tatay. Sayo naman tay, nagpapasalamat pa rin ako kahit hindi kita nakita kasi ikaw yung dahilan kung bakit ako nandito, nabubuhay, humihinga. At dahil sayo natagpuan ko ang lalaking minahal ako ng sobra2x. Ang lalaking nagparamdam sakin na kahit ang babaw2x ko, handa siyang umintindi, handa niyang ibigay lahat ng gusto ko, handang magsakripisyo at handang pangitiin ako kapag tinotopak ako. Kulang ang balde baldeng luhang nailabas ko. Hindi ito makakatumbas sa mga panahong sinaktan ko ang asawa ko, mga panahong binabalewala ko ang pagmamahal niya.
Naglalakad ako sa dalampasigan habang nakatanaw sa malawak na dagat. Dinadala ng malakas na hangin ang luha ko. Hawak ko ang sinapupunan ko. Kahit anong mangyari, bubuhayin ko siya sa alaala ng anak ko.
Ilang araw na akong nandito. Hiningi ko ang permiso ng mga inlaws ko na tumira sa resthouse nila sa Laguna. Malapit lang ito sa dagat kaya araw2x akong nandidito. Araw2x kong hinihingi sa langit na sana magmilagro at bumalik sakin si Jace.
Lagi akong nagsusulat at isinisilid ko ito sa mga bote at pinapaanod sa dagat. Hanggang saan kayang maabot ng dagat ang sulat ko. At lagi kong hinihingi na sana kung nasan man siya ngayon, mabasa niya sana ang sulat kong ito. Sulat ng pagsusumamong bumalik siya sa piling ko.
Ngayon nakatambay ako sa isang puno ng ipil ipil, magsusulat ulit ako at ipapadala ko ulit sa dagat at umaasa akong maihatid niya ito sa pinakamamahal kong si Jace.
Dear Jace,
Walang isang saglit na hindi ka nawala sa isip ko. Hinahanap hanap ko ang yakap at halik mo. Namimiss ko na ang matatamis mong ngiti, ang tunog ng iyong halakhak. Namimiss ko nang makita ka lagi sa kusina natin. Namimiss ko na ang mga luto mo. At miss na miss na kita asawa ko.
Asawa ko, magkakababy na tayo. Sa wakas kumpleto na tayong pamilya. Ikaw nalang ang hinhintay namin ni baby. Kaya kung mabasa mo to, maghihintay ako sayo. Kahit kumulubot na ang balat ko pumuti pa ang buhok ko, hihintayin ko ang pag uwi mo.
Asawa ko, sorry hindi mo narinig ang mga katagang matagal mo ng gustong marinig. Alam mo bang mahal kita? Oo, nagtagumpay kang mahalin kita. Kaya kung inaalala mong mag ala dragon na naman ako, wag kang mag alala hindi na kita aawayin, hindi nako magagalit. Hindi nako magtataray. Ako na ang magluluto araw2x. Alam kong hindi parehas sa luto mo pero promise gagalingan ko. Promise this time, magiging isang mabuti asawa ako sayo at ina sa magiging baby natin.
Mahal na mahal kita Jace. At hihintayin kita para masabi ko sayo na mahal na mahal kita.
I love you Jace Medina, my husband, my life.
Patuloy na maghihintay,
Venice
![](https://img.wattpad.com/cover/144897740-288-k708220.jpg)
BINABASA MO ANG
Love You Across The Sea
RomansCompleted - Unedited Its true na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung wala na ito sa tabi mo. Kwento ng pag-ibig ng kanyang asawa na susubukang turuan si Venice kung pano muling magmahal. Pero ang kanilang pag-iibigan ay biglang magbabago...