Bumalik nako sa trabaho at ang nakakatawa kasi dala2x ko si baby Jace. Wala kasing magbabantay sa kanya kasi nag aaral din si Tessa at dahil nagbebreastfeeding ako, dinadala ko na rin siya sa trabaho. Okay lang kasi game na game naman ang mga workmates ko na maging yaya sa anak ko lalo na si Hanna. Halos siya na ang laging kumakarga sa bata.
Like gosh. Hindi niya pinapakarga sa iba si baby Jace. Minsan sinasabihan ko siyang gumawa na rin siya ng sarili niya at kakawa ang anak ko dahil lagi niyang minomolestiya. Hahaha echos!
Nakakagigil naman kasi si baby Jace. Ang taba2x ng namumula niyang pisngi. Sarap pakpakin! Para lang si Jace.
Kuhang kuha niya talaga ang mukha ng daddy niya. Hindi mo talaga maipagkakailang anak siya ng asawa ko. Nang ipost ko yung picture niya sa instagram, marami ang nag follow at nag love reaction. Lahat sila nagsabing kamukha siya ni Jace.
"Laguna na naman kayo bukas?" tanong ni Hanna habang nagmemeryenda kami sa canteen at nagpapadede ako kay baby Jace. Pag naging ina ka na, matututo ka ng mag multi task. Para magagawa mo ang lahat ng dapat mong gawain.
"Oo naman. Routine na namin yan." sagot ko pa habang umiinom ng gatas. Napatango nalang siya at di na kumibo.
***
"Tessa! Pakibantayan si baby Jace ha! Sa palengke lang ako. Bibili lang ako ng diapers ni baby." sabi ko kay Tessa habang nagsusuot ng favorite kong cardigan.
"Ako nalang po bibili ate." sabi pa niya napatingin sakin habang nakikipaglaro siya kay baby Jace.
"Ako na, hindi mo pa naman kabisado ang bayan." sabi ko dahil probinsya kasi itong kinalagyan namin at medyo malayo pa ang bayan, sabay lapit kay baby Jace at hinalikan siya sa noo. Humagikhik ito at nalusaw ang puso ko sa tawa ng munti kong prinsepe. "Alis muna si mommy ha, kasi bibilhan kita ng maraming diaper." at tumawa na naman ang bata na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Sumakay na ako ng kotse at nagpunta na sa palengke sa bayan. Napatingin ako sa mga toniladang preskong isda na binababa mula pa sa isang maliit na barko. Pinapanood ko ang mga mangingisda na magbuhat sa mga mabibigat nilang isda at naisip kong bumili ng isda at ipapaluto kay Tessa. Gumive up na kasi ako sa pagluluto. Naisip kong hindi na talaga ako makakapagluto ng masarap, pwera nlang sa nilagang baka na halos magkalasa na sa luto ng asawa ko.
Papasok na sana ako sa wet market ng mamataan ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatalikod sakin habang may binubuhat na balde ng isda.
Medyo tan ang kulay ng balat niya at medyo mahaba ang buhok na nakapusod sa likod.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng lumingon ito at nagkalapat ang aming mga mata. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko ng makipagtitigan din siya sakin.
"Jace?" mahinang sambit ko sarili habang isa isang nagsabuyan ang mga luha ko sa galak kasi sa wakas buhay siya. Napakunot naman ang noo ko ng kumunot din ang noo niya. Nanlaki ang mata ko ng tumalikod na ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Napatakbo naman ako para habulin siya. Hindi ako masyadong makausad sa paglalakad kasi nababangga ako ng mga taong may bitbit rin ng isda. Medyo nangangamoy na sa isda ang damit ko pero wala nakong pake makalusot lang. Nagpalinga2x ako sa paligid at napayuko ako sa dismaya kasi hindi ko na siya nakita.
What was that? Minamalikmata lang ba ako? Pero sigurado ako sa nakikita ko. Kahit biglang nagbago ang hitsura niya, alam kong si Jace yun.
Sigurado ka ba talaga na si Jace yun? bulong ng napakakontrabidang utak ko.
Napabuntung hininga nalang ako. Siguro nga minamalikmata lang ako sa kagustuhan kong makita muli si Jace.
Pero lord kung sign yun na buhay pa siya please please lord please gusto kong makita siya muli.

BINABASA MO ANG
Love You Across The Sea
RomanceCompleted - Unedited Its true na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kung wala na ito sa tabi mo. Kwento ng pag-ibig ng kanyang asawa na susubukang turuan si Venice kung pano muling magmahal. Pero ang kanilang pag-iibigan ay biglang magbabago...