Nagpraktis ako nagpraktis. Binili ko na ang lahat ng karne ng baka sa grocery. Like duh. Lahat naman ng naluto ko masarap man o hindi ay ibinigay ko sa mga street children. At sa wakas, nakuha ko na rin ang lasa. Almost. Like duh.

Iba talaga pag nagluluto ka with love kasi masarap. Gaya ng pag nilulutuan nako ni Jace laging masarap kasi puno ng pagmamahal. Cha!!

Gosh! 6 pm na. And I was like so freaking excited kasi uuwi na ang asawa ko. Sabi niya by 8 nandito na siya. Sabay daw kami magdidinner. Ang hindi niya alam, nagluto ako ng paborito niyang nilagang baka. Cha!

Nagligpit na ako at naghugas habang pakanta2x pa. Hayaan niyo na, inlababo si wife eh. Gosh! Like duh.

Naligo na ako. At nagpalit ng damit. Talagang nagpasexy ako. Nagsuot ako ng short na napakaikli at tshirt na maluwag at nilagyan ko ng pin sa likod para fit sa tiyan ko. Naalala ko kasi nagagalit siya pag nagsoshort ako, gusto niya kasi siya lang ang susuotan ko ng short. Cha!

Nag apply ako ng perfume. Yung perfume ko na paborito niyang singutin pag nasa kwarto kami. You know na! Gosh!

Sinet ko na ang dining table. Naglagay ako ng flower vase at candle sa gitna. For my dinner surprise for my husband.

7:30 na and I was like kinakabahan ng sobra. Ngayon lang kasi ako nag kaganito sa asawa ko. Para akong teenager na excited makakita ng celebrity. Nag-init nako ng ulam tsaka hinain ko na ang kanin. May isa nalang talaga akong hinihintay.

Yun ay ang napakagwapo kong asawa.

Nagtambay muna ako sa sala at nanood ng tv. Ganitong oras kasi showing yung cookong show niya. Recorded nalang yun pinapalabas. 2 weeks dapat sila tatagal sa Italy pero minadali na nila kasi naisip ng asawa ko na baka raw masyado nakong nasanay sa freedom ko at baka nag-iisip nako ng planong iwan siya.

Like duh. Maglalayas pa ba ako? Tinawanan ko nalang yung joke niya pero tinotoo niya talaga. Kaya nawindang ako sa pagluluto.Haha

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa. Naka on pa ang tv kaya pinatay ko na. Napatingin ako sa phone ko, 9 pm na. Bakit wala pa siya? Wala rin akong natanggap na message galing sa kanya.

Kaya nisipan kong tawagin siya. Pero gosh! Hindi ko siya macontact. Lobat kaya?

Oh baka maypakulo na naman ang lalaking yun. Naexcite tuloy ako sa naisip. Cha!!

Ilang sandali pa nagring ang phone. Agad ko namang sinagot. "Hello? Hun?" bungad ko.

"Venice si Hanna to. Nasan ka ngayon?" sabi niya sa nag-aalalang boses.

"Nasa bahay lang. Hinihintay ko pa nga si Jace. Bakit ba? Para kang timang dyan." sabi ko to lighten up the mood.

"Venice oh my god." sabi pa niya.

"Ha? Bakit? Bakit?"

"Nanonood ka ba ngayon ng tv"

"Hindi, sandali lang. Io on ko muna. Ano bang nangyayari?" tanong ko kasi nakakahawa yung nag-aaalalang boses na parang natatakot. "Anong meron sa tv?"

"Ven, sa balita. Ano bang sinakyan ni Jace pauwi sa Pilipinas?"

"Ano, yung cruise ship nila. Bakit ba gaga? Kinakabahan nako sa pinagsasasabi mo!" kinabahan ako bigla at nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa remote.

"Ven, sumabog ang cruise ship na sinasakyan nila Jace at lumubog pa." mabilis na pagkakasabi ni Hanna. Hindi ko na siya masyadong narinig kasi sa balita ako nakafocus.

"...Nasunog ang sinasakyang cruise ship ng sikat na chef na si Jace Medina at mga kasamahan nito sa isang cooking show na Chef J. Ayon sa mga witnesses, namataan nila ang barko na naglalayag sa karagatan na nasasakop na ng Pilipinas. Bigla raw itong sumabog at nahati sa dalawa. Lumubog naman ang kalahati ng barko. May natagpuang nagpalutang-luta na mga sunog na bangkay. Kinikilala pa ang pagkakakilanlan ng mga ito. Kasalukuyan pang pinaghahanap parin ng mga autoridad ang iba pang mga biktima lalo na ang sikat na chef..." sabi ng babaeng newscaster at sa video na nag-aapoy na barko. Napatakip ako sa bibig. Isa-isang nag agusan ang mga luha sa pigngi ko.

Love You Across The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon