Nakauwi nako sa bahay namin ni Jace. Matapos ang ilang araw na pagstestay ko sa Laguna, nagdesisyon nakong umuwi na sa bahay at bumisita two times a week. Bumalik na rin ako sa trabaho. Gusto pa sana nila akong magleave pero tumanggi ako. Ayokong magmukmok sa bahay at umiyak ng umiyak pag naaalala ko ang asawa ko. Nakakasama samin yun ni baby.

"Venice, hinay2x lang. Baka mapagod ka. Nakakasama sa baby." nag aalalang sabi ni Hanna habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

Naparoll ako ng eyes. "Like duh? Ang oa mo. Okay lang ako." sagot ko para hindi na siya mag alala.

"Eh kakapasok mo palang subsob ka na sa trabaho. Hindi ka ba sinabihan ng doctor na wag magpapagod?"

"Nakaupo lang naman ako eh. At tsaka, titigil rin ako pag napagod na ako. Wag kang mag alala. Bumalik kana kaya sa table mo baka pagalitan pa tayo ni boss." sabi ko habang pinapaalis siya sa harap ko. Nagsimula nakong magtrabaho ulit.

Like gosh. Sobrang oa ng mga workmate ko, ayaw nila akong magkikilos at magbubuhat ng mga bondpaper. Lagi nalang akong nakaupo. Sumasakit na nga ang puwit ko kakaupo. Friday na ngayon at bukas ay pupunta na ulit ako sa Laguna. Naging routine ko na ang pagpunta sa Laguna kahit na lumalaki na ang tiyan ko.

Gosh! Ang bilis ng panahon. 5 months na pala si baby.

At hanggang ngayon hindi pa bumabalik si Jace.

"Pupunta ka naman ba ulit sa Laguna?" biglang tanong ni Hanna habang nagmemeryenda kami sa canteen. Kumakain ako ng sandwich at umiinom ng gatas habang burger naman at sofrtdrinks ang kinakain niya. "Gusto mo samahan kita?" dagdag pa niya.

Ngumiti ako. "Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. At tsaka baka mabored ka dun walang tao dun."

"Ang oa mo. Pero Ven, okay ka lang ba talaga? Regular ka ba nagpapacheck up? Sasamahan kita tuwing check up mo." suggest niya. Ngumiti lang ulit ako. Hindi ko naman nakakalimutang mag prenatal visit sa ob gyne ko. Hindi ko rin nakakalimutang inumin lahat ng vitamins ko. Hindi na rin ako masyadong malungkot. Yun lang pag may naaalala ako sa asawa kong nakakaiyak, umiiyak ako. Pero kadalasan, ngumingiti nalang ako.

Tanggap ko na sa sarili ko na kahit kelan, kahit magmaang maangan ako, hindi na talaga babalik si Jace. Tanggap ko na sa sarili ko na mag isa ko nang bubuhayin ang baby namin. Pero hindi ako titigil na mahalin siya. Ang dagat ang nagsilbing witness sa pagmamahal ko sa kanya. And I will keep loving him across that sea.

"Kung gusto mo, kukuhanin kita ng makakasama mo sa bahay kasi baka mahirapan ka na pag mas lumaki pa ang tiyan mo." napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Sige." sagot ko nlang bago ko inubos ang gatas ko.

***

"Tessa, mag feel at home ka lang ha? Kung may kelangan ka sabihan mo ko." nakangiti kong sabi sa bago kong makakasama. Shes 17 years old pero nakakalungkot kasi napilitan siyang mamasukan at tumigil sa pag aaral para may maipakain siya sa pamilya niya.

Ngumiti nman siya pabalik. "Opo ate." sagot niya.

Ilang araw rin ang lumipas, sinasama ko siya sa tuwing pumupunta ako sa Laguna. Siya yung taga timpla ng gatas ko bago ako matulog. Marunong din siyang magluto. Nalaman kong iniidolo niya si Jace pagdating sa pagluluto. Lagi siyang nanonood sa cooking show niya. Gusto niya rin maging isang chef. At nalungkot siya nang malaman niyang maaga itong lumisan.

Nang malaman niyang sakin siya mamamasukan, agad siyang pumayag. Gusto niya daw makilala ang babaeng nagpatibok ng puso ng kanyang idol. Natawa naman ako sa sinabi niya. Like gosh. Sabi niya sobrang inlababo raw si Jace sa kanyang asawa. Lagi nitong sinasabing asawa niya ang inspiration niya kung kayat laging masarap ang luto niya. Napangiti ako. Oo sobrang mahal ako ng asawa ko at ako naman ang magmamahal sa kanya simula ngayon.

Love You Across The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon